Winter 13

112 6 2
                                    

Winter 13

Bumangon ako sa kama ko. Kakagising ko lang. Masyado akong excited sa kung ano ang magaganap mamaya, ewan ko kung ano ang dahilan niya para makipagkita sakin, dahil kahapon naman kausap niya ako. At saka kagabi tumawag pa siya sa telepono na sinabing aalis na sila at babalik na sa bansa nila. Siguro kaya siya makikipagkita mamaya para magpaalam. Umayos ako nang pagkakaupo at sinuot ko ang tsinelas ko. Tumayoo ako para ayusin ang kama ko, inayos ang kumot at pinagpag ang unan. Binalik ko sa dati ng maayos at naglakad papunta sa pinto. Dumiretsyo ako nang cr para umihi at pumunta sa kusina naghugas ng kamay at nagmumog dahil kakain na rin ako ng breakfast ko.

"Nak! Pupunta ka ba mamaya sa sinabi ni april?" Sabi ni mama na nag aayos sa dinner table, tumango ako kay mama tugon bilang sagot sa kanya "Oh sige, may ibibigay ako sa kanya, abot mo na lang sa kanya! Tutal aalis na sila!"

"Sige ma" sabi ko kay mama, umupo naman ako sa upuan at nagsimula nang kumain. Hindi pa rin kasi gising si jah. Si mama naman daw, sabay na lang sila ni jah kumain pag nagising ito. Pagkatapos kong kumain nag toothbrush na agad ako. Mamaya pang hapon kami magkikita ni april pero excited na ako para sa mamaya, dahil ba sa nararamdaman ko na rin sa kanya? Masyado na atang late diba? Pagkatapos kong magtoothbrush ay nagpunas nang bibig at naglakad papunt sa sala. Umupo sa sofa at nanood na lang, wala akong magawa gusto ko na maging hapon. 

"Nak! Nak!" Tawag sakin ni mama na may dala dalang mga decorations "Paki sabit naman ito sa labas at ayusin mo ha" inabot sakin ni mama ang mga christmas lights, balls, tska kung anu ano pa "Aasikasuhin ko lang si Jah"

"Sige ma" lumabas na rin naman ako nang bahay sa may gilid ako banda pumunta at inayos ang mga dala dala ko. Itinaas ko ang christmas lights para hindi ito magbuhol buhol, inilapag ko muna ang ibang decorations para iayos ang pagkakabuhol nito. Isinabit ko ito na paikot sa bintana namin. Nang maayos ko naman ito, isinunod ko nang isinabit ang balls, sa may garlands. Doon ko pinaikot ang lights. Sakto na ito para mamayang gabi. Siguradong mag niningning ang bahay namin nito.

Pumasok na ako sa loob at nasa sofa na rin ang kapatid kong si jah. Lumapit ako sa kanya, at tabi na kaming umupo "Kuya? Is ate april will leave again?" Tanong niya habang nagkakamot pa sa mata niya

"Kailangan jah, doon siya mag aaral" I said to her, pumupunta lang naman siya dito para mag bakasyon

"Aww, I didn't even play with her" Nanghihinayang niyang tono ng boses

"Tss don't be disappointed, she will be gone by months, and she will be back when the season is winter again, I hope" 

"Okay kuya! Ill just wait that" Tumayo si jah at dali dali siyang pumunta sa cr

Dumating ang hapon. Nag ayos na ako sa sarili ko. Naligo ako kahit malamig ang panahon, pero warm water naman ang gamit ko kaya hindi naman ito gaanong kalamigan. Inabot na sa akin ni mama ang ibibigay niyang regalo kay april aka winter girl ko. Siguro may ibibigay ako kay april, dadaan na lang ako sa jewelry shop, may sapat na ipon pa naman ako para makabili doon. May binigay ding sulat sakin si jah, sabi niya ibigay ko daw ito kay april. Kinuha ko naman ito. Nagpaalam na ako kay mama na aalis na nga ako. Sumagot naman si mama, mag iingat daw ako. Lumabas na ako ng bahay, hindi umuulan ng snow ngayon, maliwanag ang kalangitan sa kulay nitong asul. Ang sarap lang sa pakiramdam, idagdag mo pa dito ang preskong hangin.

Naglakad ako papunta muna sa jewelry shop. Kahit sa ganoong paraan may maibigay ako kay april, na kahit wala ako sa tabi niya she will always feel that I'm beside her, no matter where she goes. Nakarating agad ako sa jewelry at ang swerte ko lang talaga ngayon at 50 percent sale siya. Kaya dali dali na akong pumasok sa loob. 

His Tale: Winter Safron (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon