SpecialChapter -Winter&Spring-

140 3 0
                                    

UPDATED NA GUYS! I Hope you will leave some comments and votes. THAAAAANK YOU! 

 ❄ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❄

SpecialChapter -Winter&Spring-

Nakaupo kaming dalawa ni spring sa bench na malapit sa poste kung saan ko laging nakikita si winter girl. Nakakagulat nga eh hindi ko rin inaasahan na makukumpleto pala kaming seasons, andyan na si summer, si autumn ako at itong kakakilala ko palang na si spring. Pero sa pagkakakilala ko sa kanya ngayon, hindi naman ata talaga siya yung maangas na tao, yung araw na nabunggo ko siya wala lang ata yun, pansin ko lang kasi sa kanya, meron ata siyang problema, gusto ko alamin, at tulungan na din siya sa kaya ng magagawa ko

"Ahm, hindi sa nahihimasok ah? May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya, nakayuko lang kasi siya all the time na parang ang lalim ng iniisip niya

"Oo malaki" sabi niya ng mahinang boses

"Ahm, kung makakatulong ako, pwede mo namang sabihin sakin eh" naglalagkit na rin ang kamay ko na gawa nga ng coffee cream na iyon, kumuha ako sa may dahon dahonn ng snow at pinahid sa kamay ko kahit papano nawala ang lagkit

"Kung kailan magpapasko, doon nagtampo sakin ang girlfriend ko" oh madali lang iyan solusyunan

"Count me in" sabi ko sa kanya, napatingin siya sakin tska siya bumalik sa pagkakayuko

"Ang kaso, aalis na siya" huh?

"Saan siya pupunta?" Tanong ko

"Sa bahay nila sa province.. doon daw siya magpapasko" kaya pala

"Kailan ba ang alis niya?" Masyado na ba akong matanong? Gusto ko lang naman makatulong eh, kaya kaialangan ko detailed by detailed

"Bukas ng umaga, sa train station siya"

"Bukas? Anong balak mo?!" nakakagulat naman kasi, bukas na pala ang alis ng girlfriend niya at hindi man lang siya gumagawa ng paraan para hindi ito umalis. Kaya andito ako para tumulong

"Wala pa" tumayo siya bigla 

"San ka pupunta?" Napatayo na rin ako, tinapon ko na ang cup ng coffee cream ko

"Uuwi na, san pa ba?" Tska siya naghalukipkip, pinigilan ko siyang wag munang umuwi at niyaya ko muna siyang kumain kami sa Pastry Shop at doon siya magkwento, mabilis naman napagaan ang loob ko sa kanya dahil sa season siya? Haha hindi, kasi naiintidihan ko siya

Nang makarating kami sa pastry shop, umupo kami sa bandang salamin para kita ang labas, treat ko na rin naman ito sa kanya kaya ako na ang bumili ng makakain namin. Pumunta ako sa counter para bumili, ang binili ko ay banana cream pie two slice lang tska ice tea para sa drinks. Nang maasikaso na ang mga binili bumalik na ako sa upuan namin dala dala ng tray na pinagbilhan ko. Nang makaupo ako, binigay ko naman sa kanya yung isang slice 

"Salamat dito ah" sabi niya kinuha niya tinidor niya at kumain ng kaunti

"Kung wala ka pang plano para magkaayos kayo ng girlfriend mo, ako may plano na" sabi ko sa kanya ng magiging successful talaga ang plano ko

"Ano naman iyon?" Pagtatanong niya kung ano ba ang naiisip kong plano

"Diba sabi mo sa train station siya bukas? Ibigsabihin doon siya sasakay para makapunta sa probinsya niya, at kung aagahan natin, maaabutan natin siya doon"

"Paano kung hindi?" Tss negatibo agad ang iniisip ng isang ito

"Hindi yan, ako bahala basta bukas dadaanan kita dito sa pastry shop sa labas, siguro isang oras siya umalis... eh teka nga? Anong oras ba alis niya?"

"Before 8"

"Ayos edi 7 dapat nandoon na tayo diba?"

"Sigurado ka ba diyan sa plano mo?" Hindi ba siya nagtitiwala sakin

"Oo naman ako pa" at sinimulan ko nang ubusin ang banana cream pie ko, ganun din naman si spring naubos na rin naman niya

"Bakit nga pala spring ang pinangalan sayo?" Pag iiba ko ng topic, kasi masyadong madrama eh

"Ah, Ang weird nga eh mahilig kasi sa spring ang mama ko, tapos nung nagkaanak sila ni papa na ako yun, na pag lalaki nga daw ang anak nila spring daw ang ipapangalan"

"Haha weird nga"

"Oo eto pa, spring din daw kasi nung season na iyon kaya sakto daw na spring na lang daw ang ipangalan sakin... eh ikaw bakit winter? Tama diba?" Bumalik din sakin ang tanong ko, dahil marami nang nakakaalam ng history ng pangalan ko, kinuwento ko na lang sa kanya yun, at nagkwento ko rin sa kanya na may kilala akong summer at autumn, naeenganyo daw siyang makilala silang dalawa, si summer okay lang naman pero si autumn mukhang malabo hindi ko alam ang bahay nun, tska 6 years old na bata palang iyon, pero marunong na siya sa mga bagy bagay eh

"Anong pangalan ba ng girlfriend mo?" Tanong ko sa kanya, at naubos ko rin ang ice tea ko, nakainom din ng maayos dahil di ko nga masyadong gusto yung coffee cream kanina

"Axis" oh weird ng name ah

"Ah so paano kayo nagkita o nagkakilala?" Ang tanong ko na naman

"Sa mall iyon contest ng Ice Skating, pinanood ko siya noon, ang galing galing nga niya eh, ang galing niya gumawa ng stunts the way she move she likes an professional, tapos nung natapos na yung contest, inanounce ang winner pero di siya yung nanalo, nilapitan ko na siya nun at kinograts ko siya,  simula nung araw na iyon alam ko may gusto na ako sa kanya, lagi ko siyang niyayang lumabas, hiningi ko na rin ang number niya, habang tumatagal niligawan ko na siya at naging kami"

"Ah ang galing naman ng lovestory mo" para akong baliw dito na na amaze sa pakikinig sa love story niya

"Tss, pero ngayon wala na, hindi happy ending" 

"Ako bahala diyan, basta ang napagusapan natin!" Tumayo na rin naman kami at naglakad palabas ng pastry shop, nagpaalam kami sa isat isa sa kabilang kanto pa daw kasi ang bahay niya, naglakad na ako, nang makarating ako sa poste, pero walang nakatayong winter girl doon dahil kung maghihintay na naman ako dito baka magkasakit lang ulit ako, naglakad na lang ako pauwi nang bahay nang makasalubong ko ang tatlo

"Oh Winter kala namin umuwi ka na?" Bungad ni cel, nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang sila huminti

"Uuwi na nga ako" sabi ko na lang

"Galit kaya siya?" Narinig kong sabi summer,  pero bago pa may sumagot sa kanila tumakbo na ako

Kailangan kong paghandaan ang pagbabati ni spring at ng girlfriend nito. Kailangan maging maayos ang kakalabasan nito para maging maayos na rin silang dalawa. 

-----------------------------------------------------

Author's Note:

Sana nagustuhan mo ito. Sa Next chapter ulit ah? SALAMAT! Dont forget to leave some comments and votes. Kung negative man iyan, okay lang :) Mas makakatulong yan sakin to improve my mistakes :)) HAHAHAH! 

His Tale: Winter Safron (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon