Chapter 2

752 15 0
                                    

--KYLIE--

Hayss ang tanga tanga mo talaga Kylie Guevarra hindi ka nag-iisip, Yan ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili.

"Ui Kylie ok ka lang ba anong nangyari sayo bakit ka natulala sa harapan ni sir Zachly" Tanong sakin ng kaibigan kong si Annie na nagtatrabaho din dito.

"Ah wala bes nalipasan kasi ako ng gutom tara umuwi na tayo" Pero yung totoo dahil kay Sir Zachly, ng nilapitan ko siya napansin ko agad ang kanyang height at ang matipuno niyang katawan, natulala ako ng mapatingin ako sa kanyang mukha na may pagka chinito at sa brown eyes niya. Like ko din yung kulay ng skin niya medyo tisoy.

Natauhan ako ng dahil sa malakas niyang boses, inaamin ko na nagwapuhan ako sakanya, pero yung sinabi niya saakin nasaktan talaga ako at kasalanan ko yun kung hindi lang talaga ako nawala sa sarili hindi sana nangyari yung gulo.

Thankful ako to the rescue ang Uncle Clint ko, Si uncle Clint kasi ang magaling na Chef ng Family Harrison
Kaya madali ako nakapasok sa Harrison hotel.

Habang nasa Jeep kami ni Annie pauwi sa amin boarding house pinag-uusapan namin ang magkapatid na harrison.

"Ang bait talaga ni sir Jake siya pa ang gumamot sayo, ang swerte mo bes" ang sabi ni Annie.

"Oo mabait nga siya, siguro naawa lang saakin si sir Jake, sa tingin mo bes anong ugali meron si sir Zachly?" tanong ko kay Annie.

"Ahmm ugali ni sir Zachly feeling ko bad boy siya halata naman sa mga kilos niya eh tsaka mayabang at napaka arogante niya hayss kahit pogi siya nakakainis siya, Kung icocompare mo siya kay jake mas lamang siya sa kagwapuhan pero sa ugali di hamak na mas mabait si sir Jake at ideal guy talaga sya yung tipong hindi ka hahayaan masaktan" (with matching kilig)

--ZACHLY--

(At the office of CEO Mr Harrison)

"Pa bakit naman pinag-iisipan mo pa kung si Zachi ang magiging tagapagmana ng kompanya natin eh siya lang naman ang kaisa isa mong apo. Huwag mo sabihin sakin papa may balak kang ibigay kay jake ang kompanya. Pumayag na nga ako iparegister siya sa family naten."

KESO (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon