--ZACHLY--
(HARRISON HOTEL)
May pasok ako sa work today at may gaganapin na event sa hotel at mukhang nakakapagod ngayon at sa tingin ko mapapasabak ako sa challenge.
“Oh Cheese andyan kana, makinig ka ah I-oorient kita, this will be your first day right sa gantong event?” sabi ng head waiter na si Kuya Ralph, hays sana naman madali lang to.
“Ganto Cheese I will assign you sa first row ng table. Ok? Then alam mo na ang gagawin mo marunong ka naman na.”
Nag oo nalang ako wala naman kasi ako magagawa kung aangal pa ako at saka mag serve lang naman ang gagawin ko pero ang ayaw ko lang yung magkakamali ako tulad ng una medyo nahirapan talaga ako noon naalala ko noon may mga nabasag akong baso.
Biglang dumating sila Annie at ms tulala, Lumapit si Annie at tinapik ang likod ko at nagtanong “Cheese alam mo na ba ang gagawin?”
Replied ko “ Oo naman di naman ako tanga noh alam ko lahat ng gagawin saka kahit di na ako sabihan kaya ko naman”
“Sus ang hangin, pero mamaya matataranta ka at huwag kang hihingi ng tulong sa amin.”
“Bes team work to dapat magtulungan saka pag isang nagkamali sa atin damay ang lahat” Tama si ms tulala.
“Tama si Kylie ikaw talaga Annie ang sama mo sarili mo lang iniisip mo haha”
“Oh sige na tama na magtutulungan na tayo ayan ok na?” ang sabi ni Annie then hinila niya si Dave at sinabing inaaway ko daw siya pero hindi naman pinansin ni Dave.
“Ahm Kylie kamusta ka na? Bakit ang tahimik mo ngayon?.” Iba si Kylie ngayon para bang may gumugulo sa isipan niya siguro may problema siya.
Yung sagot niya lang ok lang siya at tinatamad lang daw siya makipag kwentuhan at tsaka ganun daw sya talaga may time na tahimik.
Wedding reception pala ang event, Nag ayos na ako at pumuwesto dahil sa nagsisi-datingan na ang mga bisita
Lumapit na ako sa table na naka assign sa akin and nagulat ako nakita ko sa table magkasama si Jake at Arra at sa left side ni Arra may katabi siyang girl at nasa right side niya naman si Jake bisita pala sila at nakakagulat din dahil si ms Jana pala ang kinasal nakaka inis lang di ako nakatanggap ng invitation, anong gagawin ko baka pormahan ni Jake si Arra.Nakatayo ako malapit sa table kung saan nakaupo si Jake at Arra, hindi naman nila ako nakikilala kaya ayos lang. Hindi naman sila nag uusap.
After 30 mins nag salita ang mga bisita at pina-ingay ang kanilang mga baso and they are requesting to the Groom and Bride to do a kiss at napansin ko si Arra na binigyan siya ng wine ni Jake at nag uusap na sila, kaso hindi ko marinig medyo nasa tatlong pagitan ako ng table bago sakanila.“Ui” Biglang sabi ni Annie at nagulat ako bigla.
“Ano ba Annie bat ka ba nang gugulat” ang sabi ko
“Kanina ka pa kaya sinesenyasan kumuha ka pa ng wine daw sa loob” kaya pala lumapit sakin si Annie dahil hindi ko na napapansin ang paligid ko dahil nakatutok ako kala Arra
At umalis na ako sa pwesto para kumuha ng wine, Pagdaan ko sa table nila Arra at banda sa likod ni Jake may babae kumukuha ng picture na may hawak ng glass of wine at sinangga ko ito, sakto natapunan si Jake sa ulo. At hindi ako napansin nung babae dahil umiskipo ako agad.
“Ahh its cold.” Jake said
“Im sorry mr hindi ko sinasadya may sumangga sakin hindi ko nakita” sabi nung babae, sure ako magagalit si Jake sa babae.
“Its ok miss hindi mo naman sinasadya” Tapos pinunasan siya ni Arra, kainis talaga kahit kelan itong si Jake pakitang mabait.
“Jake are you sure your ok?” sabi ni Arra kay Jake
Ngumiti si Jake na parang walang nangyare at sinabi “Yes I'm okay, excuse me I’m going to restroom” ngumiti ulit siya pag tayo niya.
Malapit ng tumulo ang luha ko dahil sa nakita kong pag asikaso sakanya ni Arra kaya pumasok na ako sa loob, Ang akala ko mapapahiya ko siya kay Arra pero hindi pala mas lalo ko pa sila pinaglapit.
Naisip ko tanggalin ang uniform ko at ayusin ang itsura ko. Kaya nagtungo ako sa cr para mag ayos at maka usap na si Arra.
Paglabas ko ng cr may nabangga akong girl at nasalo ko siya at nahawakan ko sa beywang. After 5secs hinalikan ko siya.
BINABASA MO ANG
KESO (On-going)
AcakKeso isang palaman sa tinapay pero itong kwento ay hindi tungkol sa sandwich XD Kundi tungkol sa buhay ni Zachly Harrison o tawagin nalang natin siya sa pangalan keso sa english cheese. Alamin kung bakit siya tinatawag na keso. Sino ang tunay na nag...