--ZACHLY--
Kaya ko hinalikan yung girl na nakabangga ko dahil nakita ko si Arra palapit. Habang nakasandal sa dibdib ko yung girl at nakayakap naman ako sakanya gawa ng pagkasalo ko sakanya. Nakita ni Arra na nakayakap ako sa girl at dahil dun napa stop siya.
At ako napatitig kay Arra at naisip ko halikan itong babae upang pagselosin siya.
Nilipat ko sa braso ang pagkakahawak ko sa babae at tinulak ko ng kaunti then I kissed her while looking to Arra na naka stop pa din.
After 5secs kissing with the girl, biglang tumingin sa sahig si Arra at tumalikod at naglakad pabalik.
At dali ko naman tinulak sa gilid yung babae hinalikan ko at napaupo ata siya napalakas ang tulak ko. Then hinabol ko na si Arra.
"Arra wait!" I Shouted
Ambilis nawala sa paningin ko si Arra, Hindi ko na siya naabutan.
Biglang may kumalabit sa likod ko at humarap ako si Jana Chua lang pala akala ko si Arra na "Hoy Zachly Harrison! anong ginagawa mo dito, wala ako maalala na pinadalhan kita ng invitation!." Painis na sabi ni ms Jana
"Alam ko I'm not invited, pero still pinuntahan pa din kita, alam mo naman isa ka sa mga dream girl ko diba, ah sige best wishes nalang." then I winked
"Im sorry Zac hindi kita nainvite and sorry hindi ko alam na my feelings ka para sakin if alam ko lang nag runaway bride na ako kanina, or gusto mo itanan mo na ako ngayon habang busy pa ang groom ko." nanghihinayang siya kitang kita sakanya, akala niya naman totoo sinasabi ko.
then I laughed "So naniwala ka naman? Joke lang yon noh sige na bye may hinahanap ako yung sexy hindi triple size" sumimangot siya at nagsabi ng "I hate you Zac grrr" tumalikod na ako at bumalik sa pagiging cheese habang busy pa ang lahat ng staff.
Hindi naman sa laitero ako sa mataba si Ms Jana Chua lang talaga ang mataba na nilalait ko paano kasi napaka assumera at papansin
Siguro nagselos talaga si Arra sa nakita niya dahil hindi pa tapos umalis na siya agad, I hope itong ginawa ko magbunga ng maganda at maisipan niya na balikan ako
--KYLIE--
(Restroom)
Nakaupo ako sa bowl ng cr, parang wala pa rin ako sa sarili, alam ko masakit napakasakit ng pagkatulak sakin tumama ang siko ko sa pader para bang kinuryente. Pero hindi dahil don ang pag iyak ko ngayon kundi dahil sa pagnakaw ng halik. Hays langya dalawang beses na ako nanakawan ng halik pero better ngayon dahil si sir Zachly. Ang nakakaiyak lang bakit niya ako hinalikan pagkatapos itinulak parang sa fastfood chain pagkatapos iseset aside ka nalang.
"Kasi ikaw kylie bakit hindi ka agad pumiglas ng mapasandal ka kay sir Zachly, masyado ka nasiyahan tuloy nasaktan ka" Sabi ko sa sarili habang umiiyak
Lalo pa ako napaiyak ng makita ko na naubos ko na ang tissue sa aking luha at sipon, nag nanumber two pa naman ako.
Then narinig ko may biglang pumasok sa CR tapos kumatok ako sa gilid ng pader. "miss pwede maki hingi ng konting tissue jan" nagsalita bigla yung nag abot ng tissue "Ui bes ikaw ba yan, kanina pa kita hinahanap akala ko nagdate na kayo ni Cheese hindi ko rin siya makita kanina." si Annie pala
"Ikaw pala yan Annie kamusta sa labas"
"Nagsisi-uwian na sila pero yung bride hindi pa binabalot pa yung letchon. kanina ka pa ba jan? Ano ba kinain mo?" tanong sakin ni Annie
"Hindi ko alam yung name may tinikman kasi ako kanina patago ako sa kurtina." reply ko kay Annie
"Ayan napapala mo bes! Nagnanakaw ka kasi haha." nasira na nga tyan ko nang aasar pa si Annie, hindi niya lang alam kung ano ang nangyari sa akin yung tipong na pa upo na ako sa floor sa sakit ng tyan ko tapos nasaktan pa ng pader.
Pagkatapos niligpit na namin ang naiwang kalat. Kami nila Annie at Dave ang naiwan dapat apat kami naka assign sa pagligpit ng mga utensils si Cheese kasi tinakasan kami.
"Bes kahit kelan yang si Cheese lagi nalang nauuna umuwi siya na nga yung pinaka wala masyado ginagawa dito. Dapat jan hindi pinapasahod! Kung ako lang ang may ari nitong hotel na your fired ko na siya. Kainis talaga itong cheese na ito." nakabusangot na sabi ni Annie
"Akina nga Annie yang cheese na yan kanina mo pa hawak yan pinirat pirat mo na, akina ng maitapon na dito. Humugot ka nanaman eh" natatawang reply ko kay Annie
Si Annie talaga napaka reklamadora at pasaway pero kahit ganoon pinapasaya niya ako at napapatawa.
"Nakita mo si sir Zachly kanina?." tanong ko kay Annie
Ng taas kilay si Annie at nagreply "Bakit mo tinatanong? Andito ba siya? Pero si Sir Jake nakita ko, ang gwapo talaga ng prince charming natin" kinikilig siya habang binabanggit si sir Jake
"Nevermind bes" bigla namula yung mukha ko naisip ko baka namalik mata lang ako dahil sa sakit ng tyan ko baka hindi si sir Zachly yun. Hala sino kaya yon. Nakakainis ang manyak nya, Malaman ko lang talaga sino siya malalagot siya sakin.
BINABASA MO ANG
KESO (On-going)
RandomKeso isang palaman sa tinapay pero itong kwento ay hindi tungkol sa sandwich XD Kundi tungkol sa buhay ni Zachly Harrison o tawagin nalang natin siya sa pangalan keso sa english cheese. Alamin kung bakit siya tinatawag na keso. Sino ang tunay na nag...