--ZACHLY--
Mga 2hrs na kaming umiinom at andami na din namin napag usapan at kulitan.. Tumayo si Annie at hinila si Dave. “Tara mag swimming na tayo. Oh bes ko Kylie tara sa pool.”
“Susunod ako bes” at ayon nauna na sila Annie at Dave.
Napansin ako ni ms tulala.
“Ikaw cheese?”“Ahm dito muna ako. Puntahan muna sila. Tingnan mo si Annie kumakaway tinatawag ka na.”
Ayaw ko talaga magswimming dahil sa makikita nila kung sino talaga ako. Alam ko matatanggal yung nilagay ko sa kilay ko at syempre kailangan ko din alisin ang eyeglass ko.
“Sige kung ayaw mo pa, dito nalang din muna ako ayaw ko naman na iwan ka dito mag isa.”
“Sige samahan mo nalang ako uminom” buti pa si ms tulala hindi niya ako maiwan iwan.
“Sige anong gusto mong pag usapan natin cheese?”
“Paano ba malalaman kapag mahal ka ng mahal mo?” sabay tawa ako sa tanong ko.
“Ah pano nga ba... basta pag lagi siya anjan sa tabi mo at tanggap ka niya kahit ano ka pa sakaaa.. Kapag napapasaya mo siya sa simpleng bagay ibigsabihin nun mahal ka niya.”
“ganun ka ba sa mahal mo?”
“ahem!! Actually hindi pa ako nagkaka boyfriend..”
“Ahaha dami mo alam tapos nbsb ka pala”
“Bakit masama ba maging single?”
“Ahaha uminom na nga lang tayo” yan nalang sinabi ko baka kasi mainis siya kung sasagot pa ako.
Andami ko ng nainom at umiikot na ang paningin ko.. Hindi ko na din ganung intindi si kylie dahil sa kalasingan ko.
“Wait kylie ah sagutin ko lang tong tawag.” Tumayo ako at iniwan ko saglit si Kylie dahil si Arra pala yung tumatawag.
“Oh Arra bat napatawag ka? In this early morning gising ka pa huh”
“Pag sabihan mo yang magaling mong kaibigan”
“Bakit?”
BINABASA MO ANG
KESO (On-going)
RandomKeso isang palaman sa tinapay pero itong kwento ay hindi tungkol sa sandwich XD Kundi tungkol sa buhay ni Zachly Harrison o tawagin nalang natin siya sa pangalan keso sa english cheese. Alamin kung bakit siya tinatawag na keso. Sino ang tunay na nag...