--KYLIE--
(Mineski Cyber Cafe)
Habang nagcocomputer kami ni bes Annie para tumingin ano pwede gawin para magkaroon ng dagdag income.
“Oh bes ito mag bake ka ng cupcakes itinda natin sa hotel or ilako natin mukhang madali lang itong recipe at ang yummy pa tingnan.” Maganda naiisip ni Annie dahil pwede namin ito ialok sa mga co-workers namin.
“Korek ka bes tulungan mo ako ah.” Dahil sa tuwa niyakap ko si bes ng mahigpit.
“Oo naman bes sino pa ba magtutulungan. At ganyan din naman gagawin mo kung ako nasa kalagayan mo”
Ganyan kami ni Annie walang iwanan sa hirap o ginhawa haha parang mag asawa lang.
“Iloveyou talaga bes” habang yakap pa din sya at pumipiglas na dahil nasasakal na daw sya haha.
(Ringggggg…)
“oh bes yung uncle mo tumatawag”“Hello uncle”
“kylie may goodnews ako sayo, umamin na ang nakabasag at sakanya na ibabawas hindi na saiyo at wala naman problema sakanya”
Nagulat ako at napatalon kami sa tuwa ni Annie habang mag kahawak kamay.
“Pero teka sino ang umamin.?” Binabaan na pala ako ni uncle sa phone.
“Kung si cheese yun o hindi, edi mabuti at umamin na. Hindi na mahalaga kung sino basta ngayon makakabayad ka na sa next sem.”
Sabi ni Annie.“Oo nga bes Annie, pero curious ako kung sino sya.” Isa lang pumasok sa isip ko kundi si cheese.
“hayaan na natin yan bes pasalamat tayo at may konsensya kahit paano.”
“Tara bes kain tayo fishball ililibre kita.” Kahit paano masaya ako at napatunayan ni uncle wala ako kasalanan at syempre makakabayad na ako hindi na ako mamroblema.
--ZACHLY--
(JM Billiards & Bar)
“So dito pala siya madalas nagpupunta.”
“Oo bro nalaman ko lang ito sa friend niya..” pabulong na sabi saakin ni Rico.
“Haha ang galing mo talaga bro the best ka talaga kahit kailan e.” Nakatingin ako kay Arra pero hindi niya parin napapansin na andito kami.
At ang galawan niya parang pro sa billiard. Pano na yan patay ako neto hindi ako marunong.Maya maya lumakad palapit si rico kay Arra at sinabi “Arra nice to see you here!”
“Oh Rico nice to see you too.” syempre lumapit na din ako at nagsalita.
“Hi Arra kanina pa kita pinapanood ang galing mo pala sa gantong sport” then ngumiti siya sakin at sinabi niya “Maliit na bagay! Andito ba kayo para maglaro o ako talaga ang pakay niyo?” nakatitig ako sa mga mata niya habang nagsasalita siya at para bang wala ako naririnig. Kundi focus lang ako sa mukha niya.
Biglang tinapik ni Rico ang likod ko at nagsabi na “Andito talaga kami para maglaro” tumango na lang ako. Sa itsura ni Arra halata niya na nagsisinungaling si Rico.
“Ako pa lokohin niyo may nakapag sabi na kaya sa akin na inaalam niyo kung saan ako madalas nagpupunta.” Biglang nag fierce yung mukha niya at nagblush. Grabe napaka ganda niya talaga.
Kami ni Rico nagtinginan kami sa isa't-isa at natameme.
“Oh tatahimik nalang ba kayo? Ano ba kailangan niyo sa akin?” pasungit nasabi ni Arra.
“Ahm Arra bat parang galit ka na is there something bad happened to you?” yan ang sabi ko sakanya mukhang badtrip siya kaya pala nung tinitingnan ko siya habang nagbibilliard serious face siya.
“Kasi mga lalaki na nakikita ko puro bastos, nangmamanyak tulad nung kanina huling huli ko na nga siya ayaw pa umamin kunwari focus sa pagbibilliard pero sa iba na nakatingin btw bakit niyo pala ako hinahanap?”
“Kalma lang Arra ayaw mo ba nun pinagnanasaan ka it means maganda ka at hot yung iba ba ginaganyan ng mga lalaki diba hindi? Kasi they are ugly.” Sabay tawa si rico sa sinabi niya.
“Adik mo talaga yung gf mo kaya ang nasa sitwasyon ko makakatawa ka pa kaya.” Sabay palo sa balikat ni Rico itong si Arra, ako naman as always.. tahimik ulit hindi ko malabas ang pag ka chickboy ko sakanya. Totoong tinamaan na ata ako sakanya.
Nagsalita na din ako at sinabi ko na “Hindi ko gusto yung ginawa nung lakaki na yun. Ang babae minamahal ginagalang at lalong hindi sinasaktan.”
Nagulat si Rico sa sinabi ko kasi ang alam niya before sa akin laruan lang ang mga babae. Ngayon iba na talaga ako and first time ko lang maramdaman ang ganito na protective ako sa babae. Sinabi nalang ni Rico na “alam mo bro may tama ka!”
Replied ko “Tama naman talaga ako diba Arra?” Si Arra napapangiti at nawala na ata pag ka BV niya.
“Napapasiya niyo ko guys . Zac tama ka nga” sabi ni Arra.
“Oo may tama ka talaga Zac. may tama ka na kay Arra. Lakas nga eh haha” si Rico talaga binuking pa ako.
Na shock si Arra at namula at napatingin siya sa mata ko “Huh totoo ba yun Zac?” tanong ni Arra saakin.
“Totoo Arra kaya andito ako dahil mahal kita” nasabi ko din, lumakas yung loob ko ng malaman na ni Arra. Finally it feels free to say na ang lahat ng gusto ko.
“Ahm paano ba yan iwanan ko muna kayo” sabi ni rico, bumulong sa akin na goodluck bro kaya mo yan at tapik sa balikat ko.
“Zac can we go in a private place? Pag usapan natin ito yung tayo lang” sabi ni Arra sa akin mukhang interasado naman siya sa mga sasabihin ko.
Nagisip ako ng ilang minuto “In my place or in your place ok lang ba?” medyo kinakabahan ako na may halong kilig.
“Sa condo ko na lang Zac” umalis na kami at siya na ang nag drive . habang nag dadrive tumitingin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
KESO (On-going)
RandomKeso isang palaman sa tinapay pero itong kwento ay hindi tungkol sa sandwich XD Kundi tungkol sa buhay ni Zachly Harrison o tawagin nalang natin siya sa pangalan keso sa english cheese. Alamin kung bakit siya tinatawag na keso. Sino ang tunay na nag...