Chapter 30

364 11 1
                                    

--KYLIE--

(taxi)

“Bakit hindi nagustuhan ni keso ang halik ko dahil ba sa hindi ako maganda? Panget ba ako? Panget ba ako manamit? Pero kahit na masyado naman siyang choosy kung ganun. ” Sabi ko sa sarili ko habang nagseselfie sa cp at tinitignan mabuti ang mukha ko.

Tapos inamoy ko ang bibig ko. “Bad breath ba ako? Hmm di naman eh.”

Biglang nagsalita si manong driver
“Neng kanina mo pa kinakausap sarili mo, maganda ka naman siguro hindi ka lang talaga gusto non.”

Dahil sa sinabi ni manong yung luha ko na kanina ko pa pinipigil ay biglang pumatak.

“Neng huwag mo iyakan yung lalaki na yon, makaka-tagpo ka din ng lalaki na para sayo.”

“Pwede po manong tumahimik ka na lang at magdrive. Dinadagdagan mo pa eh.”

Hindi na nagsalita si manong driver at ako naman ay patuloy sa kakaisip sa mga nangyari at bakit hindi nagustuhan ni keso ang ginawa ko.

Siguro nga tama si manong driver wala talagang gusto sakin si Keso. Hayss Kylie bakit kasi nagpadalos dalos ka pinairal mo nanaman ang puso at damdamin mo tuloy nasasaktan ka ngayon. Dapat hindi ka nag assume na may gusto din siya sayo dapat pala tinanong mo muna siya edi sana hindi mo nagawa yon.

Paano pag nalaman ni Bes ang ginawa ko hayss wala na akong mukha maihaharap nakakahiya talaga baka pagpasok ko pinagmamayabang na ni Keso ang ginawa ko.

Kyliee.. Erase erase mo yan sa isip. Hindi naman niya siguro gagawin yun. Ayt paano kung gawin niya nga? Ano sasabihin sakin ni bes, napaka desperada ko magkaroon ng bf. Si keso pa talaga ang napili ko.

(Bedroom)
Kakauwi ko lang sa bahay at nagtungo agad ako sa kwarto para magpahinga at mag isip isip ulit.

Almost 1hr na akong nakatitig sa phone ko at naghihintay ako na mag text si keso habang nakaupo sa kama.


--ZACHLY--

(Kitchen)

While I'm holding a glass of water, I suddenly smiled.

“So may gusto pala sakin si Kylie. Iba talaga ang charisma mo Zac kahit nakatago kagwapuhan mo mabenta pa din.” talking at myself

Then nag ring bigla ang phone, si Kylie tumatawag at sinagot ko agad.

(On the phone)
“Oh?” I said

“Hi Keso... Anong ginagawa mo.?” Kylie said

“Umiinom ng tubig.? Why?”

KESO (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon