Chapter 10

363 14 0
                                    

--KYLIE--

“Bes bakit ba kasi tayo ang bumibili nito? yung uncle mo talaga! Pwede naman magbayad ng uutusan tayo pa talaga kala ko pa naman makakapag day off na tayo.” Napaka reklamador talaga ni annie.

“Bes hayaan mo na.. ayaw mo ba? parang bonding narin tong pamamalengke natin at saka kulang pa nga tong ginagawa natin para masuklian ang kabaitan ni uncle”
minsan lang naman mag utos si uncle kapag marami sya ginagawa saka ok na din to sa gantong paraan kahit paano nakakatulong ako kay uncle.

“Sabagay sorry na bes, akin na nga yung isang supot ako na magdadala.”
Si Annie talaga naisip niya din yung sinabi ko

“Oh ayan sayo na tong mga magagaan”
Alam ko naman na ayan yung pipiliin niya dalhin kaya ako na ang pumili.

Naghintay kami sa kanto ng dadaan na taxi para naman mas safe yung pinamalengke namin kasi mahirap na.. nautusan lang kami.

Habang nag-aabang ng taxi may lalaki kumakaripas ng takbo.
“Bes bat kaya tumatakbo yung lalaki na yun mukhang may humahabol magnanakaw kaya yun?”

“Oo magnanakaw nga yun Annie hawakan mo mabuti mga pinamalengke natin at halika dito” hinila ko si Annie sa mas safe na pwesto habang wala pang masakyan baka kasi madamay yung mga pinamili namin at mabuti ng maging maingat.

Nung pa-atras kami may isa pang tumatakbo.
“Tabi dyan!”
Nabangga niya ako hindi naman malakas at safe pa din yung hawak ko at mga pinamili namin.

“Fuck! Ano ba bat ka nakaharang? Yung snatcher nakita mo naka takas tuloy! Sinabihan na nga na tumabi pano na yan.”  Nangigilaiti siya sa inis.

“Hoy mister hindi porkit gwapo ka pwede mo ng sigawan tong bes ko” pinagtanggol agad ako ni annie, pero sa totoo lang kaya hindi ako nakaiwas kasi natulala  ako dahil sa nakilala ko siya at siya si Sir zachly.

“No! Kasalanan niyo to at lalo ka na kung hindi ka humarang mahahabol ko pa yung siraulo na yun.” Oo kasalanan ko pero hindi tama na isisi niya sakin hindi ko naman ginusto yung nangyari.

“Habulin niyo yun dali, baka di pa siya nakakalayo. Bilis! Masakit ang paa ko na strain dahil sa pagka bangga sayo. Ano hinihintay niyo!!!?”

Kaya sumagot na ako “Sir Zachly alam ko na empleyado niyo kami pero sa hotel lang iyon hindi hanggang dito. At saka ganyan ka po ba talaga kung makapag utos? FYI hindi kami nagtratrabaho sayo kundi sa hotel at hindi oras ito ng trabaho namin, saka nakakatayo ka pa ng maayos pwes ikaw humabol sakanya.” Nainis na din ako grabe kasi siya kung tratuhin niya ako at mas lalo pa nainis ako sakanya ng nag flashback sakin yung first met namin.

Sa dami namin pinamalengke hindi niya ba naisip na napapagod din kami.
“Aba aba sumasagot sagot pa!” inis na sabi ni sir Zachly

“Oo nga tama si Bes ko tara na bes ayan na yung sasakyan sumakay na tayo” sabi ni annie.

“Wait bes mauna ka muna, isakay mo to mga dala natin may sasabihin pa ako kay sir zachly”

“Sorry kung nabangga mo ako at dahil dun hindi mo nahabol yung snatcher, sorry talaga bye!”

“Sorry? No I don’t accept your sorry!.” galit na reply ni Zachly

Hays! bahala siya atleast nag sorry ako. Ang sama talaga ng lalaki na yun.

Naglakad na ako pasakay ng pag kasabi niya na “Ah ganun ah.”

Ng nasa taxi na kami iniisip ko pa din yung nangyare kanina at bakit, ano kaya gingawa niya nun bat siya nanakawan.

“Uy bes tama na yan wag mo na isipin yun, pero lam mo bes di ko akalain na si sir Zachly pala un.”

“Oo nga nakakagulat sa lugar na yun doon pa natin siya ulit makikita. At aksidente ulit ang nangyare samin.”

“Oo nga bes pinagtatagpo kayo ng tadhana.. May ibig sabihin kaya yun bes?”

KESO (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon