Note 30

23 1 2
                                    

Hmmmp.

Natapos rin ang ating PT week jusko isang linggo rin akong puyat.

Eh ikaw? Ayun! Lagi daw kayong magkausap ni Eloise.

Maganda yan. Para naman madevelop na yang ka-torpehan mo sa kanya. Eto na siguro yung start at gusto ko sanang magsilbing tulay sa inyong dalawa.

Pero paano ko matatanggap ang isang bagay kung hahayaan kong maging t*nga ako sa katotohanang wala na naman talagang HOPE sa ating dalawa.

Pinipilit daw ni Eloise na hindi magkagusto sa'yo kasi nga baka daw ako masaktan.

At balak pa sana nilang sabihin sa akin na may something na nga daw sa inyo sa tamang panahon daw.

Na-frustrate ako at hindi mapakali kasi paano ko pa mahihintay yung right time na yun kung lagi akong nangangapa, at paulit-ulit lang na nasasaktan dahil hindi ko alam ang nangyayari.

Hanggang sa nagkusa na si Julie na sasabihin daw niya sa akin.

Di nagtagal, napansin nila ako sigurong nanahimik kaya sinabi na nila.

Habang nakikinig ako sa mga sinasabi nila ay pinipilit kong huwag magpadala sa emosyon dahil napakarami pa namang isda sa mundo at hindi lamang ang tuod, potassium, at bulok na isdang katulad mo.

Paulit-ulit na rin sa aking sinasabi ni Jasmine na huwag na daw akong umasa sa'yo at tinatanong kung ano raw ang nagustuhan namin sa'yo ni Eloise.

Ano nga ba??????

Hmmmmmmm.........

Hate Note (with Story note)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon