Note 39

13 1 0
                                    

Sumunod naman si Napaleon Juri.

Jusmiyo garapon. Ewan ko ba kung bakit ako nabaliw diyan for 4 years! Arghhhh sakit sa ulo

It started between Gr. 2 up until Gr. 6 . Grabehan lang noh? Walang humpay. -_-

Seriously? Di ako tinigilan eh.

Halos mukha rin niya nakikita ko palagi though siya talaga ang pinakainiinisan ko sa lahat.

Honestly. Mas malala pa siya kay Bulok na nilalait ko.

Pero kung may alas man ako sa kanya, yun ay ang natatagong PUTOK hahahah basta yun na yun.

Ako na lang nakakaalam dahil alam kong may alas din yun sa akin.

Kasi naman, noong nalaman niyang nagkagusto ako sa kanya. Jusko kung makaiwas daig pa niya ang kung sino eh (».«)

Parehas lang sila ni Potassium pero gaya ng sabi ko, mas malala ang isang ito.

Pffft natatawa nga sina Jem at Jasmine sa tuwing babanggitin ko ang pangalan niya.

Hindi naman daw kasi gwapo eh.
Kitang-kita na daw sa cover photo niya sa Facebook.

Iniisip ko nga rin kung ano nang nangyari dun eh. Biruin mo yun? Sinabihan niya akong EPAL

Eh leshe pala siya eh. Kundi lang talaga ako nakapagpigil naku.

Sabagay....siguro dahil naiinis na siyang lagi kaming inaasar sa school noong Elementary.

At para sa kanya, lagi akong PAPANSIN. Eh sa ano bang magagawa ko?

Napapansin ko lagi na lang nabubulgar ang mga Crush ko sa buhay. Kailan kaya dadating yung time na magiging baliktad ang lahat? Tsk nevermind.

Nakow eto pa! Dahil nga loveteam kuno daw kami sa School, langya pinagtabi kami ng adviser naming lalaki sa Graduation song!!!! Tapos ayern nagsiiritan na tapos kairita may hawakan pa mg kamay.

Tapos sabi nila isipin ko na lang na graduation gift iyon sa akin ni Sir?!?!?! Seryoso?!?!?!

Tapos right after pa nung graduation sabi sa akin ng Tatay ko....



"Ano? Edi tuwang-tuwa ka naman at nahawakan mo ang kamay ng crush mo?"

O_O

*lunok ng laway*

*inhale*

*exhale*

Hate Note (with Story note)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon