Note 10

39 2 2
                                    

Minsan natanong ko kay Jem kung anong say niya sa status nating dalawa.

Una, sasabihin ko sa'yo, apektadong apektado ako dati noong unti-unti ka nang lumalayo at hindi ako kinakausap o di kaya asarin ako ng bongga.

Lahat yung nawala at nagsimula na akong matakot sa sarili ko at sinabing....

"Ang T*NGA ko bakit ba hindi ko man lang ba ipinagtanggol ang sarili ko at maiwasang hindi ako mabisto."

Well sabi nga ni Jem, para sa kanya, dapat lang daw na malaman mo na crush kita.

Bakit? Kasi doon ko nalaman na wala nga talaga akong PAG-ASA sa'yo at para maitigil na ang kahibangan ko.

Kung naaalala mo pa, Noong halos isang linggo kang hindi punapasok....

Halos nag-iisip ako ng paraan para maibigay sa'yo yung missed requirements mo dahil alam kong matatambakan ka.

Naisip ko ring pumunta sa College Building dahil nalaman kong nandoon ang Nanay mo na taga photo-copier at Wow ha! Kayo pala may-ari nun!

Pero sabi ko wag na, baka kung anong isipin ng nanay mo. Tanungin ka pa kung bakit ako pa ang nagbigay at hindi na lamang mga ka-tropa mo.

Tinanong ko ang sarili ko kung tama ba ang ginagawa ko. May part na sinasabing okay lang naman kasi mabuti ang intensiyon ko at gusto kitang tulungan.

Sabi ni Mommy, hindi ko daw responsibilidad yun dahil ikaw ang dapat na magtanong at hindi basta basta magbibigay ng kung anong sinabi sa school.

Hayyyyyy sana pwedeng ibalik yung dati. Yung kahit na magkatabi tayo walang malisya.....

Hate Note (with Story note)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon