Note 44

17 1 0
                                    

Hayyyyyyyyyy

Napakahabang hikab para sa napakahaba kong tulog.

Nagsimula ako ng 10:00 pm hanggang 10:00 am

12 hours akong tulog.

Halos kalahating araw ah.

Lulubusin ko na kasi hindi na ganyan kapag nagpasukan na ulit

May pinsan nga pala akong lalaki na baby pa lang at ang kyot niya omegosh.

Sarap pisilin ng pisngi plus unang apong lalaki ng Lolo ko.

13 years ang difference namin kaloka hahahah anak kasi siya ng kapatid ng Tatay ko which is Tita ko.

Yung Panganay na kapatid naman nila ay ang Mahal kong Ninang wehehe

Teka nga, TeamBahay na lang naman ako so itotodo ko na.

Tutal hindi naman kita nakikita, gusto ko sanang gumawa ng kwento dito sa Hate Note. Ay alam kong Note ito, hindi story pero utang na loob please kang pagbigyan mo ako dahil pramis makarelate ka pa dito hihi

Short story lang.

Hope you'll like it at eeksena ako sa scene don't yah worry.

~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~

UNTITLED
By: Ashleigh Monterio

"Senpaiiiii!!!!!!!! Notice me senpai!!!!!!"

Sigaw ng pinakamaliit na babae sa balat ng Vasque University.

[TOROYYY VASQUE UNIVERSITY]

4'10 ang height, at hindi laging napapansin sa room nila. Paano ang liit kasi -_-

Nang may lumingon sa kaniya ay biglang nagtago siya sa may puno.

Nagtaka ang mga lumingon pero nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Siya si Asheeha Mendeleav

Grade 9 na pero maliit pa rin.
Kawawa naman parang ako haha
Crush na crush niya ang lalaking si Ardin Azcar na halos kabaliktaran niya dahil 5'7 ang height nito at Grade 10 na ito.

Etong si Shee naman, habol ng habol kahit alam na niya ang sitwasyon.

"Pre, alam mo ba? Yung asheeha na Grade 9 patay na patay sa'yo?" Singit ng epal na si Elexir na kaibigan ni Ard.

"Eh ano naman ngayon? Tsaka di ko naman yun nakikita minsan" walang ganang sagot ni ard.

"Iba yon! Tadtad daw ng medal ang bahay nila sabi ng iba."

"Don't tell me ibinubugaw mo sa akin ang pandak na yun? Asa ka boi."

"Wag mo sabihing hulog ka pa rin kay Elisha? Hanep tol."

"Tumigil ka nga. Sapakin kita eh"

"Ano basketball na lang oh?"

"Ayoko. Sasamahan ko pang magreview si Elisha"

"Diyan ka magaling. Tss."

Sa kabilang banda...

"Uy shee! Magrereview kami ni Ard mamaya. Gusto mong sumama?" Tanong ni Elisha.

"Ayoko. Bonding niyo yun kaya kayo na lang." Oo nga! Maging third wheel pa siya dun!

"Hmmm sige. Paturo ako mamaya kapag nangulit yun ha! Mokong yun eh." Pahabol nito.

Nang umalis na si Elisha.

"Pambihira namang buhay 'to oh! Arghhh si Fafa Ard may Elisha na. Eh si Asheeha? Yown! May libro pa! -_______-

Letcheng ketchup naman kase.
Si Shee yung nag pilit na maging sila tapos siya rin yung masasaktan? Ano t*nga lang?

"Huy!"

"Ay ketchup!"

"Shee kanina ka pang parang timang." Pansin ni Linea, friend niya.

"Eh kung hinahampas kaya kita diyan! Walanjo kung makagulat eh papatayin ako!" Singhal ni Shee

"OA mo fo. Oo na lang."

"Anong kailangan mo?"

"Girl kasi ano.."

"Ano?"

"Si ano...naku paano ko ba 'to sasabihin? Ano.. kasi."

"Aba Linealita wag mo along inaano-ano! ANO?!"

"Sabi mo di kita aanuhin tapos ikaw naman diyan yung--"

Tingggg!!!!!!

-_- yan nagbell na kainis

Hate Note (with Story note)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon