Note 65

9 0 0
                                    

»Asheeha's POV«

Continuation : Mga panahong intense yung labanan bwahahaha

"Naku Asheeha, natatakot kami..first time lang namin maglaro eh tsaka napilitan talaga kaming sumali dito...you know? Para sa grades..." I somehow understand them. Iyon lang naman talaga ang nais ko rin eh pero may part rin sa sarili ko na na-enjoy ko rin ang sport na pinasok ko siguro dahil na rin sa GOP. WEWS.

"Hays alam niyo namang pare-parehas lang naman tayo ng inaasam dito di ba? Edi sana bag-ala janitress na lang ako diyan kesa sumali rito pero dahil andito na tayo gawin na lang natin makakaya natin. Alam ko namang may potential ang bawat isa kaya naman tiwala lang :) Kaya natin 'to!" pag-cheer up ko sa mga ka-grupo ko.

"Oo nga! Manalo o matalo may grade pa rin!" sigaw ng isa

"PARA SA GRADE!!!!!" sigaw naming lahat.

Sunod-sunod na kaming sumalang sa mainit na football field. Damang-dama ko na talaga ang Hotness ng araw kaloka.

Hindi man ako ang team captain ng grupong ito, at least naibigay ko yung sa tingin ko ay kailangan naming gawin at yun ay ang defense. Yun naman talaga ang kahinaan kanina ng team.

Ipinagdadasal ko na lang na gumana ang plano. Sa ngayon, 2 lang ang nagpa-substitute sa kabilang team.

Pumito na ang referee at ibinigay sa kabilang team ang bola.

Nakakasakit sa ulo habang naglalaro kasi nakakasilam ang araw na para kang sinusunog. Oo masyado na akong exaggerated kung magsalita pero kung mararanasan niyo lang talaga...

Ewan ko ba bakit di na lang sa Gymnasium nagfootball hahahaha charot

Anyway nakampante ako ng konti dahil medyo umaayon ang lahat sa plano. Minataan namin kanina ang pinakamagaling na player sa kabilang team na si Halira Contiz, na balita ko eh MVP last year sa football yun eh basta yun lang yung kinaya ng ears ko so tama na muna.

May tiwala naman ako sa mga kagrupo ko pero pagtingin ko sa bench ng team namin...halos lahat sila nakabusangot ang mukha lalo na si Elisha sila naman ngayon ang walang tiwala sa amin.

Medyo napangiwi na lang ako pero napabaling ang atensiyon ko sa mga kasama ko dito sa field...sinipa ni Halira ang bola at tumaas ito. Tiningnan ko ang area na kung saan possibleng pumatak ito at nakita kong may chance na lumanding siya malapit sa goal. Agad akong tumakbo ng pabagsak na ang bola at napatama ito.....sa mukha ko.

Napatumba ako dahil sa impact na dala ng bola. Pumito ang referee at nagsilapitan ang mga ka-teamate ko.

"Dalhin kana namin sa clinic!" sambit ng isa sa kanila.

"Hindi...ok lang ako. Tuloy ang laban ^_^" nakuha ko pang ngumiti ng mga oras na iyon.

Masakit. Oo. Mas masakit pa sa nadarama ni Ms. Ashleigh para kay *coughs* hahahaha peace po. {Isiningit ang nagsulat ng story niya wtf hahah}

"Tara kaya natin ito! Naka-goal na sila kanina ng dalawang beses at halatang nagsasaya na sila in advance. Mayroon pa tayong 3 minutes para makahabol. Alam kong imposible pero maaring posible kasi hindi pa tayo natatalo. :)" hindi naalis ang ngiti ko nang sabihin iyan ng ka-grupo ko na kanina ay takot na takot sa pagsalang doon sa football field.

"Hindi pa huli ang lahat kasi hindi pa tayo natatalo." dagdag ko at nagsimula muli ang laban.

Sa amin ang bola at may naisip akong gawin kahit na gahol kami sa oras. Naalala ko ang sinabi sa akin ng maarteng si Juro...

"Tandaan mo, isa kayong team at mas maganda kung magpapasahan kayo. Huwag mo ring kalilimutan na hindi lang sa sipa o pag-steal ng bola nasusukat ang pagkapanalo, laruin mo ang bola sa kahit anong paraan para hindi ito maagaw sa iyo."

Bored na bored kong naalala ang mga sinabi niya at ginawa ko sa mga sandali naming oras.

"Kapatid eto!" sigaw sa akin at napasa sa akin ang bola.

Pinagkumpulan ako ng mga player na kalaban namin pero dumating ang isa kong kagrupo na tumulong para makuha ang bola.

Sinundan ko siya dahil kabilang ako sa offense para maging support sa pag-aim niyang makagoal.

Kapatid ang naisip kong itawag sa kanila tutal kami lang rin ang magtutulungan.

Pinagpasa-pasahan namin ang bola hanggang sa narating and defense area nila.

Goal keeper lang ang nagkataong nandoon kaya napansin kong medyo naguluhan siya sa ginagawa namin. Hindi niya maintindihan kung sino ang sisipa na siyang pinalano ko umpisa pa lang.

Handa na akong sumipa at nakita kong napansin ito ng goal keep kaya sa akin napukol ang pansin niya. Mabuti na lang at ginamit ang isa kong paa pagpasa sa kapatid ko na saktong nag-goal!!!

Pasensiya na kung hindi niyo maintindihan basta method siya na kung saan pwede nating tawagin na isang "quick"

Napansin kong hindi masyadong nabahala ang kalaban namin dahil lamang pa sila ng isa pang puntos. Wala na akong naiisip na maaring gawin pero alam kong may pag-asa pa kahit one minute na lang T_T

"Isa pa mga kapatid! Kaya pa yan!" sigaw ko sa kanila.

Ang bola ay nasa kalaban at sa tingin ko ay magka-counterattack na sila at handa nang mag-goal muli. Magaling sila sa offense at pansin ko yun kanina.

"Ako na dito asheeha!"

"Oo nga doon ka mag-abang sa defense zone nila!"

Sigaw nilang muli.

Isinama ko ang kaninang kapatid ko na nakagoal.

Nakakagulat dahil sinipa ang bola ng isa sa mga kapatid ko papunta sa base ng kalaban at sinuportahan ng kasama kong nakagoal namang muli ngayon!!!!!

All 2 na ngunit nagtimes-up na ang referee at siguro'y magkakaroon ng penalty kick.

Kinuha ang mga magagaling sumipa sa team na kanina'y isinalang at pinili ang isa kong kagrupo na papangalanan ko nang si Deidari siya yung goal keeper namin kanina na isa rin sa mga sub na ipinasok gaya ko.

Nagsigawan ang mga ka grupo ko dahil pasok ang 2 bola at nagawa ng mga isinalang.

Panahon na ngayon ng katabi ko para lumaban!

Bumuntong hininga siya at nag-sign of the cross...Sana ma-block niya!!!

Aaminin kong nangangatal siya sa kaba dahil sa kanya nakasalalay ang pagkapanalo namin pero alam kong kaya niya.

Hindi rin naman mapipigilang magkamali ang isang manlalaro o mabigo kaya sa unang sipa ng kalaban ay hindi niya nasalo.

Patuloy pa rin namin siyang chineer at sana ay masalo na niya ang nga susunod na 2 pa na sipa.

Nagdasal ako at ganun din ang iba pa.

Nagflashback lahat ng nangyari ngayong araw simula noong nagsimula ang laro. Nakapikit akong inisa-isa ang bawat set at umasang magkakaroon ng time na makasalang kahit 3 minutes lang basta maranasan ko at maging worth it yung effort ko sa pakikinig at page-ensayo kasama ang mga lokong lalaki.

Bawat set, kabadong-kabado ako at kating-kati na lalo na nang mga sandaling malapit nang matapos ang laro....hanggang sa--

"WAHHHHHHH!!!!!!!!!!"

Wait, napamulat ako sa lakas ng sigawan. Saan galing ito?!?!?!?

[A/N: Sorry po isa lang napangalanan ko na player...masyado po kasi silang madami at baka malito pa kayo heheh]

Hate Note (with Story note)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon