Note 25

21 2 1
                                    

NAKAKALOKA

Alam mo bang napaginipan na naman kitang SAGING ka?!

Hahahaha mag-m.u. lang naman po kayo dun ni Eloise at nagkataong nagbago ang seating arrangement.

Eto yung awkward eh:

ELOISE AKO ANDRELO

bale ako lang talaga yung heart sa inyo or yung EPAL diyan sa dream este NIGHTMARE nga..

Kayo daw lagi yung magka-exchange ng papel while me, nagpapakahirap pang iabot ang papel ko sa likod para makipag-palitan.

Never mo din akong kinibo at sa tuwing a-absent ako, dun ka daw nakaupo sa inuupuan ko at ang bag mo ay nasa upuan mo.

Masayang-masaya ka daw kapag wala ko. Hahaha edi sana di na lang ako nag enroll sa school natin kung nagkataon.

Malungkot na malungkot ako siyempre kaso anong magagawa ko?

Siguro sign na iyon na isa lang akong malaking HADLANG sa buhay mo.

Tapos ang malala, nandun yung absent ako nun at walang nakakaalam kung nasaan ako.

Bigalang nabalitaan daw ng lahat na nag-aagaw buhay na ako sa ospital. Kaluluwa ko na lang ata yung gumagala at napunta sa school natin habang tinitingnan kang wala man lang PAKIALAM at para bang walang nangyari.

Masakit, at nagising na lang akong basang-basa ang unan ko.

Letse sinabi ko bang pumatak kayong luha kayo huh? Para panaginip lang iniiyakan ko.

Malala na nga yata ako :(


Hate Note (with Story note)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon