Note 43

17 1 1
                                    

Bwahahahahahahah

Bakit ako natawa?

Kasi bwahaha yung middle name mo na Giyavano ay ipinang-aasar nila sa akin letche.

Giyavano na parang Guyabano daw eh favorite ko pa naman yun tsk. Uy wag kang magalit ha.
Sabagay...hindi mo naman ito mababasa kaya okie lang.

Masaya ako dahil nalalait kita dito mweheheh Sorry po Lord kahit ito lang po okay na.

Ikaw lang ang ipinangako ko kay Lord na lalaitin ko char. Siyempre pati yung mga kabarkada ko kasama dun.

Guyabano tuloy Nickname ko sa Messenger kainis.

Another! Bumili ng guyabano juice ang lola ko at bumengga kaagad sa harapan ko pagbukas nang ref. Napa-face palm na lang ako at isinarado na ulit ang ref dahil nawalan ako ng gana.

Oo favorite ko yun pero naiisip lang kita kaya maybe later na lang.

Gusto ko pa man din na burahin kaso baka isipin nila masyado akong KJ.

Nagcecelebrate din ako dahil successful ang Video namin para sa Performance Task!!! Nagustuhan daw nung tatlo naming teacher pati yung sa Group ni Jem weeeee da best Christmas gift!!!!

Buti pa nga yun. Hindi dun nasasayang ang effort ko. Sa'yo? Ayun... Sagad na sagad!

Nararamdaman ko na ang papararing na 2017 at nagbibilang na ako para sa birthday ko.

February pa naman yun don't worry tsaka bakit ko ba 'to sinasabi sa'yo? Dahil ba umaasa akong babatiin mo ako? Lul Asa naman ganern? Tama na nga 'tong kabaliwan na ito. Haahahha

I'm planing to buy a figurine of My husband baka gusto mo.

Hahahahahahahhaa

As if namang ibibigay ko sa'yo yun noh! Nah at Nevah.

"Pssst"

Luh sino yun?

"Apo, pumunta ka muna rito sandali."

Ah. Si Lola Tinna lang pala >.<

"Alam mo ba, napaginipan kitang may lalapit daw sa'yong lalaki sa isang park? Nakasalamin at nakatingin sa'yo habang nagtatype ka nang kung ano sa Laptop mo! Hindi ko nga lang namukhaan pero--"

Hindi ko na pinatapos ang lola ko at kumunot ang kilay ko.

"Halos parehas po tayo ng napaginipan Lola! Ano po kayang ibig sabihin nun?"

Kinakabahan ako megesh.

"Baka may kinalaman yun sa love life mo pagdating ng araw. Nako apo wag munang magboboyfriend ha. Ipapakilala mo pa yun sa akin tandaan mo."

"Naks naman lola. Ang astig! Pero baka hindi naman po totoo yun eh habahah tingnan na lang po natin in the future :)"

Tinapos ko ang usapan namin ni Lola at hinalikan ko na siya sa pisngi para matulog.

Sa totoo lang sila ni Lolo Marti ang lagi kong kasama at nag-alaga sa akin noong nakatira pa kami sa bahay nila at hindi pa naipupundar ang bahay namin.

Tuwang-tuwa ako nun at feeling ko spoiled pa ako ng konti kasi ako ang unang apo pero iba na ngayon :) Swerte ko talaga sa kanila ^_^

Oh pano? Tulog muna ako ha?

*winks*




Hate Note (with Story note)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon