Note 53

16 1 4
                                    

Ashleigh to Andrelo>>>>

Ang galing kanina ni Eloise no?
Maski ako napahanga. Yung mga simpleng bagay na hindi ko magawa nagagawa niya. No wonder kung bakit ka nagkagusto sa kanya. Plus the fact na naia-apply pa niya ng natutunan niya sa church kahit saang sitwasyon.

I'm not saying na dinadown ko na yung sarili ko at kinocompare ko siya sa akin. Napagtanto ko lang kanina habang nagrereport sila at napapatango na lang ako kasi totoo nga naman at may point siya.

Ang sarap siguro sa feeling nung ganun. Nakikita mo sa harap mo yung crush mo tapos wala kang magawa kundi mapangiti sa sobrang pagkaproud mo sa kanya. Yan ang nararamdaman mo hindi ba? Kung hindi man,

Aba problema mo na yun hahaha. Lalaitin pa ba kita? Siguro wag na. Okay na sa akin yung maikwento ko yung nangyayari sa araw-araw ko na naiinvolve ka kahit papaano.

Sino nga ba naman ako para murahin ka?

Sino ba ako para laitin ka?

Sino ba ako para tawanan ka?

At higit sa lahat.

Sino ba naman ako para pigilan kang sumaya?

Wala lang naman ako. Kaklase mo lang tapos.

Kaya lang sana naman maawa ka sa cleaners ha. Hindi na kita sasabihang TAMAD kasi kailangan mo rin namang magkusa pag may time ano?

Hindi ko na rin kailangang sabihing TUMAYO ka para tumulong kahit na alam mong dapat kang maglinis.

Teka. Opinyon ko lang yan ha. Nakakahiya kasi sa akin grabe.
Kumilos na akong maglinis kahit tuesday pa ako cleaner at pinagtatawanan pa ako ni Zendo boset. Bakit ko daw hawak-hawak yung dust pan at walis eh di pa daw tuesday Tsk.

Sabi naman ni Fajardo ang bagal ko daw maglinis jusko muntik ko nang maihampas sa kanya yung tambo at sinabing "ikaw kaya ang maglinis!"

Kung tutuusin, pinapahirapan ko lang naman ang sarili ko. Wala naman kasing nagsasabing maglinis ako eh pero nagkusa na ako kasi wala namang mangyayari kung hahayaan ko pang tumagal ang paglilinis di ba?

Sa halip na makauwi na kami ay marumi pa rin ang classroom so ayun. Kinarir ko na ang pagwawalis.

Napakahyper ko rin kanina noong nagpractical test kasama si Fajardong Luko hahahah tawag kasi sa akin nun ay warka o bruha. You know..nilamon ng encantadia hahahaha

Putspa pati nga pala yung throwback pic ko muntik ko nang di maalala Bwahahaha

Umaawra daw eh maryosep.

Puro na page-exaggerate ang nagagawa ko rito eh di naman masyadong OA yung sitwasyon. Sorry ha. Nadadala lang ng emotion.

Wait lang huh. Gusto kong mag bigay ng message kay Zendo eh hehehe Bye-Bye!

Ashleigh to Zendo>>>>>

Oy Fafa Zen!!!!! Joke lang hahah

Ang wafu wafu mo daw sabi ng classmate nating si Joshua hahaha nakasalamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang wafu wafu mo daw sabi ng classmate nating si Joshua hahaha nakasalamin

Ang gulo-gulo pa ng buhok mo pero ang bait mo! Pasensiya ka na at lagi kitang nahahampas noong katabi kita langya hahaha sa tuwing naaalala ko kasi si Tsukishima namumukhaan ko siya sa'yo yieee hampasin ulit kita.

Ang harot ko grabe hahah. Puro anime lang napapag-usapan natin nun ah. Namiss ko tuloy yung paghampas mo sa ulo ko at ang sakit talaga.

Yun pa yung mga panahong patay na patay pa ako kay Andrelo pero hahaha grabe nakailang tawa talaga ako sa atin noon lalo na at katabi mo pa si Franzes

Lam mo ba, botong-boto sa'yo si Jasmine para kay Eloise. Alam kasi niyang mabait kang tao at napakasaya ko kasi yung akala kong weirdo noong grade 7 ay may taglay rin palang kalokohan.

Sa anime lang tayo nagkakasundo. Ako pa ang nagbugaw sa'yo na panoorin yung Kuroko no Basket hahaha tsaka ikaw naman nagtulak sa akin sa Haikyuu.

Sana balang araw maintindihan mo rin yung gusto ko sanang sabihin. Hindi muna ngayon dahil mas lalo lang gugulo ang lahat.

At ayokong mangyari na naman yun. Nagkagulo na dahil sa ka-tropa mong si Andrelo so hindi muna ngayon.

Hmmmm kokontian ko muna ito ha. Marami pa akong gustong sabihin eh kaso papikit na yung mata ko so bukas na lang hahahah pati yung kay asheeha babawi talaga ako kasi friday na tomorrow at makakahinga na rin ako ng maluwag ^_^

Bye bye! Zendo!

Hate Note (with Story note)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon