Note 56

15 2 2
                                    

Ashleigh to the readers>>>>>>>>

Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng nakakabasa nito, sa lahat ng nakakarelate, sa lahat ng nakaka-appreaciate at sa lahat ng kung ano pa. Gusto ko sanang malaman niyo na sa dinami-dami ng naisulat o naitype ko dito eh halos gawin ko na itong diary. Gaya nga ng sabi ng iba, 

Walang permanente sa mundo.

Lahat ng mga nasa paligid mo ay may pagbabago.

Kaya sa susunod na apat pang Hate Note o mga natitirang pahina ng mga hinanaing ko ay lulubusin ko na talaga dahil una sa lahat....

Ang dahilan kung bakit ako hindi maka-move on ay dahil dito, although nailalabas ko lahat ng nararamdaman ko at naaaliw ako sa tuwing makikita ko na may mga nagbabasa pala pero naisip kong pinapahirapan ko lang ang sarili ko dahil laging siya ang laman ng lahat ng ito.

Iniisip ko na lang na sana.....mabura na lang lahat ng naglalaman tungkol sa kanya..

na sana di na lang kami nagkita sa school namin ngayon...

at sana hindi na ako nakakaramdam ng kakaiba...

Aaminin ko noong una, ginusto ko ang lahat. Kasi nga may kilig, tapos parang buo na yung araw ko pero unti-unti, habang tumatagal, lumalala.

Hanggang sa lumala na ng lumala. Yung tipong buong klase na yung may alam at BOOM wala na.

Tapos may nalaman pang masakit ha. SORRY kasalanan niya 'to eh. 

Hindi pala. Kasalanan ko rin. KASALANAN ng mga mata ko kasi laging nakafocus yung atensiyon ko sa kanya sa halip na sa iba (iwwww cheesy)

KASALANAN ng mga upuan namin kasi pilit na pinagtatabi kami at nakakainis dahil parang sinasadya talaga walanjo paano ba naman ako makakamove on ng lagay na yun? 

KASALANAN ng utak ko kasi may mga bagay na kusa na lang tumatakbo sa isip ko kahit na hindi dapat.

KASALANAN ng feelings ko kasi masyadong mapilit eh sabi nang wala na ngang pag-asa sige pa rin.

KASALANAN ng mga paa ko kasi pilit akong dinadala sa lugar na nandoon siya

KASALANAN ng mga kamay ko kasi hindi ko mapigilan NOON na isulat ang pangalan niya.

OO NA. KASALANAN NG LAHAT NG BUONG PAGKATAO KO

lalo na yung nasa pinakaloob-looban. Yung PUSO na tumitibok sa taong kailanman ay di na ako pinansin sa isang iglap. 

PUTSPA ITITIGIL KO NA TALAGA.

Last na talaga yung apat promise!!! may mga big revelations pa kaya stay put lang kayo.

At eto na yung UNA sa mga yun.

Kanina kasing dismissal, may kinuha ako sa kabinet namin na nasa classroom tapos pagkakuha ko, lumingon na ako sa kanan para lumabas kaso saktong paglingon ko...

BENG!!! EXACT talaga! Kitang-kita ng dalawa kong mata na kinulbit ni Eloise si Andrelo. Kumbaga parang may sasabihin siya na ewan basta nasa likod lang nun si Eloise.

Ang malala, hindi ko alam kung bakit natameme na lang ako na parang t*nga.

Ewan ko ba. After nilang makalabas tulala pa rin akong lumabas at hindi makapaniwala sa nakita ko.

PANGALAWA.  

Bago daw magdismissal nakaub-ob daw si Eloise sa table tapos masakit daw yata yung tiyan niya. Nakita daw ni Jem na pabalik-balik daw si Andrelo at parang hindi mapakali siguro nag-aalala na baka kung anong mangyari bigla. Di ba?

Hate Note (with Story note)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon