Note 55

11 1 2
                                    

Ashleigh to readers>>>>

Petehemnede. Meyged.

Mauubos ang brain cells ko sa utak ni Caofeng walanjo.

Paano ba naman kase, hinahanap ko yung tape kasi nawawala noong mga time na iyon at napaparanoid na nga ako kasi kailangang-kailangan ko na para matapos ako sa ginagawa ko tapos-- tapos---

TAPOS

Nung naglibot ako sa classroom sabi ko "hanla nasaan na kaya yung Tape na yun. Tss kung kailan kailangan saka nawawala"

Ok na sana yun eh. Humugot na ako from the very very deep sea-- este land pala tapos babanatan naman ako ng putakteng sagot na....

"Anong tape? Yung may adhesive?"

-_____________________________-

-_- -_- -_- -_- -_-

Jusko pakibigyan nga ng isang balong COMMON SENSE ang lalaking iyon at baka samain ako sa kanya.

Buti na lang talaga at wala akong red days noon kundi baka nahampas ko na yun nang BONGGA.

Kainis eh. Panira ng moment.

Hindi ko alam kung nagkukunwari lang yun na Bowie o sadyang gusto lang niya akong magalit. Yung totoo?

Pero infairness noong nagdaang araw na nakalipas....

Sumimba ako nun mag-isa.

May nakatabi akong cute na batang lalaki siguro mga 5 or 6 years old na siya pero yung height kasi ang cute talaga!!!

Kasama niya yung Lola niya at naalala ko na naman noong bata ako kasi parang ako yung batang yun at lagi ko kasing kasama ang lola ko noon while my parents are working since unang apo pa lang ako.

Napansin ko na parang sinusumpong siya at gusto nang umalis ng simbahan. Binuksan ko yung bag ko at may laman na snowbear na candy hehe yung maanghang na color white. Basta yun hahahha

Tapos ibinigay ko sa kanya tapos nginitian ko siya. Sabi ng lola niya dapat daw magthank you sa akin yung bata tapos napatawa naman ako.

In the end, naging busy kakakain yung bata tapos yung Lola na lang niya ang nagpasalamat sa akin. Ngumiti naman ako at tuwang-tuwa kasi napunta ako sa kinalalagyan ko noong oras na yun kasi ang saya talagang tingnan lalo na't alam kong nagdaan din ako sa ganoong sitwasyon dati.

Pasensiya na medyo tinamad akong magtype kaya ngayon lang ako nakapag-ud. Actually tatapatin ko na kayo kasi ang totoo niyan, pinipilit ako ng utak ko na manood ng anime shet hahaha siyempre yung sigaw ng puso ko ganern din so wala na akong nagawa.

Pinangako ko naman na dadamihan ko na lang ang ud para worth it naman ang paghihintay kung may mga nagbabasa man hahaha.

(Kaway-kaway ang mga nagbabasa)

Hayyy lam niyo ba?

Noong nagmisa kami sa school,
Magkatabi si Keisha tsaka si Andrelo. Bale ganito yung pwesto namin.

Andrelo. Keisha. Ako

Grabe pa-epal na naman ako. Eto namang si Bryan patingin-tingin sa aming tatlo takte napansin siguro yung line up namin pero ugh

AWKWARD na naman po oke.

Okay lang talaga ako. Okay na okay pa naman hehe

Btw, umabsent si Eloise kanina Huhuhu ang Nanay ko Namimiss ni Andrelo char pero deep inside ganun naman talaga hahaha

Sana nga ayos lang si Nay kasi ang hirap din nung may ubo tapos may sipon ka pa. Di ba?

Minsan nga sinasabayan pa ng trangkaso eh.

Hate Note (with Story note)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon