CHAPTER 1: My High School Besties and My Ex High School Besty
I am currently a 3rd year student in Saint Magdalene Academy. Kakalipat ko lang dito last school year. Friendly naman mga classmates ko. Kaya good na good! Isang section lang ang meron sa bawat level. Kahit sa elementary ganun din. Then, 25 students lang ang meron. Priority talaga ng school e. Buti na lang nga di ako nahirapang lumipat. Nung 1st year kasi nila, namatay yung classmate nila. May heart failure daw. Kaya yun! Meron pang isang slot kaya nakapasok ako. Infairness! It was indeed a prestigious school! Sulit naman talaga ang bayad mo. Mapa-facilities at turo ng mga teachers, winner na winner! Priority nila puro studies. KJ nga e. Wala kasing JS Prom. Yun pa naman ang pinakagusto kong ma-experience.
Anyways, I have my besties Andrea Laurenaria and Bunnylyn Torres. Si Andrea ang may pinakamaraming crush sa amin. Sa lahat na ata ng lugar meron syang mga crush. Si Bunnylyn naman, super daldal! Minsan, kailangan ng pasakan ng tubo at hampasin ng kawali, matigil lang sya. Sabi nga ng mga teachers, kung meron lang daw “Best Outstanding Talkative Student Award”, siguradong, sya ang makakakuha.
Meron din akong another besty pa! Si Dennis! Dennis Dizon! Napakasweet nya!!! Super! Lagi nya kong pinapatawa. Walang dull moment pag sya kasama mo. Kaso, tamad sya. Pag merong mga group projects, nakatunganga lang sya. Bhes ang tawagan namin nun. Kaso ngayon, hindi na. Yun ay nung simula nang nagpagawa sya ng project sakin. Ginawan ko naman sya. Kaso, parang sumosobra na ata. Pati assignments nya pinapagawa nya na sakin. I admit! Na-fall ako sa kanya. Pero di na ata tama. Kaya tinigil na namin ang kalokohang ‘to.
Then, Joseph Inocencio and I became close dahil dun. Crush ni Andrea si Joseph. Not just crush lang pala…. SUPER CRUSH! Close friends din sila Dennis at Joseph. Pero not now. Madalas na kasing makipagbonding si Dennis sa mga 4th year simula nang wala na syang mapagpagawaan ng assignments at projects. Meron nanaman syang babaeng nabiktima sa 4th year. Medyo nakakapangselos, pero ayoko naman ng ganun! Tagagawa ng assignments at projects!? No waaaay!
Papalapit na ang exams! And I have a super brilliant idea! Lagi kasi kaming gumagawa ng reviewers nila Andrea at Bunnylyn para sa mga exams. You know. Para madaling reviewhin. E since na close naman kami ni Joseph, I should invite him na gumawa ng reviewer with us! Sigurado akong hihimatayin si Andrea nito sa sobrang kilig!
During recess, I told Bunnylyn, “Tingnan mo si Andrea, nagdadaydream nanaman.”
“Besty, inlove na inlove na ata sya kay Joseph. Ano ba talaga kasi meron si Joseph? E tingnan mo, ang liit liit, mas matangkad pa tayo, malaki mata, kulelat sa Chemistry at Math, puro fraternity ang alam, basagulero, mainitin ang ulo, mahilig sa inuman, mahilig manigarilyo, parang umuubo pag tumatawa, parang galing sa ilalim ng lupa ang boses!” said Bunnylyn.
Suddenly, lumingon si Andrea sa amin and she said, “Look oh! Ang macho macho nya kaya! Mabait pa! Gentleman! He is sooooo……” Then she stopped and smiled.
“So? So what?” I said.
“Sooooo...... ADORBS!” Andrea said. Then there! She was smiling like an idiot.
Bunnylyn and I laughed. Really? Adorable? Mukha syang bulldog. As in! Malaki mata, maliit, macho. Pero, I admit. He’s nice naman kaso lahat ng sinabi ni Bunnylyn ay tama. So, he is semi-nice.
Inusod ko yung upuan ko kay Bunnylyn at binulong sa kanya, “Besty, since gagawa naman tayo ng reviewer later, maybe we should ask Joseph na gumawa ng reviewer with us! What do you think?”
“OMG! OMG! OMG!” Bunnylyn said. Napalakas ang pagkakasabi nya, narinig tuloy ni Andrea.
“Oy!! Ano yan? Ako nanaman pinag-uusapan nyo?” said Andrea.
“Hindi ah! Uy! Look! Joseph is looking at you!” sabi ni Bunnylyn. Lumingon si Andrea, nilinga linga ang ulo nya, pero wala si Joseph, “Asan na?” sabi nya. Still naghahanap sa pinakamamahal nyang Joseph.
Habang hinahanap ni Andrea si Joseph sa pamamagitan ng mata nya, tumingin si Bunnylyn sa akin, and she gave me a thumbs up. It just means that I really have a brilliant idea.
Lumingon na si Andrea sa amin. Wala kasi syang nakitang Joseph. “Wala naman e.” sabi nya habang nakasimangot.
Tumawa si Bunnylyn at sinabi kay Andrea, “Baliw ka na talaga kay Joseph, Besty! Joke lang! Di nakatingin si Joseph sa’yo. Kanina pa sya umalis kasama si Kenneth (Joseph’s super closest friend)”
KRRRRIIIIIINNGGG!!!! It just means that recess is over. Tumayo na kami and pupunta na kami sa room. Biglang binulong ni Bunnylyn sakin na, “Besty, ikaw na mag-aya kay Joseph. Di kami masyadong close nun e. Sama mo na rin si Kenneth para di sya ma-out of place.” Then I just nod and smiled at her. This would be soooo great!
BINABASA MO ANG
GOODBYE, FIRST LOVE! HELLO, TRUE LOVE!
JugendliteraturFirst love never dies, but true love can bury it alive. This story is about a girl named Trixie Claire that was usually called”TC” by her family and friends. She’s a simple girl with a lot of dreams. Her first love was totally a failure until she me...