CHAPTER 14: My "not-so-magical" First Kiss
Pwede na siguro akong mag-artista! Kunwari walang ganang kumain at laging malungkot.
Yan ang inaasal ko sa bahay ngayon.
One day, nag-aya si Rellaine Anne na pumunta sa mall. Para saan? Wala lang. Trip nya lang. At dahil spoiled brat sya, pumunta nga kami nina Mama, Mommy and Daddy.
Habang kumakain kami sa restaurant, biglang nagsalita si Mommy.
"Ilang araw na kitang napapansin na ganyan. May problema ka ba apo?"
"Wala naman po Mommy."
Then there's silence. Maya maya, I spoke up.
"Ma, wala na po kami." I lied.
"I know." sabi nya. Gosh! Effective!
"Buti naman." sabi naman ni Daddy.
Si Daddy, parehas sila ni Mama. Ayaw nya rin na may boyfriend ako. Well, unlike Mommy. Sya lagi ang kakampi ko sa bahay. She's the best grandma in the world talaga!
Days had passed. Ang gaan na sa pakiramdam na bati na ulit kami ni Mama. And si Mommy lang nakakaalam na kami pa 'cause I told her.
Okay lang naman kay Mommy na may boyfriend ako. Basta sabi nya lang na wag ko raw pababayaan ang pag-aaral ko. Wag lang sana malaman ni Rellaine Anne, dahil pag nalaman nya.... I'm doomed! For sure.
Today is the day! Mameemeet ko ang nanay ni Joseph. I'm so nervous. Grabe! Buti na lang kahit papano kasama ko si Ments ang second honor namin slash close friend slash anak anakan ko.
Binati namin ni Ments ng good afternoon ang nanay ni Joseph. Then, pinakilala ako ni Joseph sa nanay nya as his girlfriend and si Ments naman as his classmate. Nagtanong tanong lang nanay nya about me. Especially nga na kung okay lang daw ba sakin na illegal yung relationship namin sa family ko.
Then, she served us Nestea. Busog kami ni Ments dahil kakakain lang namin kaso nakakahiya namang tanggihan kaya we took it.
Pag-inom namin ni Ments... Shemai! Nestea APPLE!? Di kami umiinom nun. Kahit si Andrea ayaw din ng Nestea na apple flavor.
Nagkatinginan na lang kami ni Ments at nilunok ng nilunok na lang ang isang basong nakakasukang Nestea apple.
Hindi naman sa maarte. Pero di lang talaga namin trip ang lasa nun.
"Besty! Natikman ko nanaman yung Nestea apple." nakasimangot na sabi ko kay Andrea.
Tumawa sya ng tumawa. Parang sabog lang. After nyang tumawa. "Talaga? Saan? Paano?"
Tinawag ko si Ments at sinenyasan na pumunta sa amin ni Andrea.
"Di ba Ments? Yung Nestea na apple..." sabi ko kay Ments.
"Ay! Oo Andrea! Grabe! Binigyan kami ng nanay ni Inocencio ng Nestea. Pagkatikim namin apple pala! Nakakahiya naman na tanggihan at di ubusin e. Grabe talaga!"
Tumawa nanaman si Andrea. Nakakainis 'tong impaktang 'to!
"Buti na lang pala nagpasama si Kuya sa akin nang araw na 'yun. Kung sumama pala ako sa inyo baka naidura ko yung Nestea na yun!" sabi ni Andrea.
"You're so mean naman kung ganun." sabi ko.
"Syempre joke lang. Di ko kayang gawin yun kahit gustuhin ko man."
Then umalis na si Ments dahil tinawag sya ng isa naming classmate. Maya-maya....
"Nasabi mo na yung Noonie?" biglang tanong sa akin ni Andrea.
BINABASA MO ANG
GOODBYE, FIRST LOVE! HELLO, TRUE LOVE!
Teen FictionFirst love never dies, but true love can bury it alive. This story is about a girl named Trixie Claire that was usually called”TC” by her family and friends. She’s a simple girl with a lot of dreams. Her first love was totally a failure until she me...