CHAPTER 3: The Reviewer Making

66 5 1
                                    

CHAPTER 3: The Reviewer Making

Nandito na kami ngayon ni Bunnylyn sa bahay ni Andrea. Di kami makapaghintay sa pagdating nina Joseph at Kenneth! Suddenly, nag-vibrate yung phone ko.

From: Joseph Inocencio

Dito na kami sa labas.

Nandito na sila! Nag-go signal lang ako kay Bunnylyn at sinundo na yung dalawa sa labas.

“Ang tagal naman!” sabi ni Joseph pagkabukas ko ng gate.

“Sorry po Sir.” I said then sinara yung gate. “Me first ha? Then after mga 10 seconds, pumasok na kayo. Okay?”

“Ba’t 10 seconds pa?” sabi ni Joseph.

“Basta! Maririnig nyo naman yung countdown namin ni Bunnylyn e.” I smiled at them and pumasok na sa loob ng bahay nila Andrea.

Pagkapasok na pagkapasok ko, I screamed, “Besty! Tara na mag-countdown!”

“10!” I said. Then nag-join na si Bunnyln sakin ng nakangiti. “9!”

“Anong kalokohan ‘to? New Year lang mga te?” sabi ni Andrea. We just ignored her and continued the countdown.

“8!..... 7!...... 6!” Then naki-join na rin si Andrea sa kalokohan namin ni Bunnylyn. “5!..... 4!...... 3!....... 2!...... 1!” Then Andrea screamed “Happy New Yeaaaar!!!!”

At nakita ni Andrea si Joseph at Kenneth. Nakakatuwa yung itsura ni Andrea. She said, “OMG! OMG! OMG! Am I dreaming?” Then all of us laughed, well, except her. Andrea’s face turned red. She looks like a tomato now.

-- Joseph’s POV --

Mga babae talaga! Nakakatuwa silang tingnan. Lalo na si Kenneth! Parang bata! Kala mo nakakita ng fireworks! Ako rin. Sa mga ngiti nya para akong nakakita ng fireworks. Mabait, matalino, maganda, sweet, lahat na ata! Kaso ang gara nga lang. Parang totomboy tomboy.

“Okay guys! Let’s start na!” sabi ni TC.

Nagsimula na kaming gumawa ng mga reviewers. Bukod bukod kami ng mga subjects para madaling matapos. Tingin ng tingin sakin si Andrea! Nakakailang! Itong si Kenneth at Bunnylyn, tuwang tuwa naman sa nakikita nila. Halatang halata kasi mga damoves ni Andrea. Ang landi nya! Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa babae, e yung ganto, malandi! Kung hindi lang talaga kay TC, siguradong wala kami ni Kenneth dito ngayon. At ayun, si TC, busy sa reviewer na ginagawa nya. Seryosong seryoso. Samantalang tong dalawang kaibigan nya, isa napakadaldal, at isa, ito, tumabi na sakin, nilalandi na ko! Kung hindi lang babae to, sigurado akong nasapak ko na pagmumukha ng babaeng ‘to! Pinapakeelaman pa yung ginagawa kong reviewer! Ngumingiti na lang ako sa ginagawa nya. Pero sa totoo lang, inis na inis na ko!

Tumayo sya! Sa wakas! Makakagawa na rin ako ng payapa.

-- TC’s POV --

Tumayo si Andrea, pumunta sa kitchen! Buti naman at naisipan nya yun. Nakakaramdam na ko ng gutom e. Tumayo na rin ako at pumunta sa kitchen. She saw me and hugged me.

“Salamat Besty! Napakasaya ko talaga ngayon!” sabi ni Andrea.

“Anything, basta sa’yo Besty!” I said.

Then tinulungan ko na syang mag-ayos ng makakain namin.

Tapos na kaming kumain, hinihintay na lang naming matapos yung ginagawang reviewer ni Bunylyn. Biglang nag-ring cellphone ko, pagkasagot ko… “Ano!? Wala ka pa bang balak umuwi?”

“Opo, pauwi na po.” I said.

Nagtinginan silang lahat sa akin. “Pasensya na guys, di ko na namalayan yung oras. 7:16PM na pala.”

“E pano yung reviewer mo? Di pa natin napapa-photocopy ‘to oh.” sabi ni Kenneth.

“Nagagalit na sakin si Mama e. Kunin ko na lang bukas.” I said.

At yun! Umalis na ko. Pagkauwi ko kala ko masasabon ako ni Mama sa sermon nya. Buti na lang good mood sya ngayon. Haaaaay…..

-- Joseph’s POV --

Time check 7:42PM. Sa wakas! Natapos na rin si Bunnylyn. Pumunta na kami sa may pinakamalapit na xerox-an at nag pa-photocopy na ng reviewers.

“Ay sh*t!” sabi ni Bunnylyn.

“Bakit Besty?” sabi ni Andrea.

"Kasi yung notebook ni TC sa Math nasa akin pa pala. Hiniram ko kasi ‘to sa kanya kanina. Pina-photo copy ko kanina yung lectures nya. E may quiz tayo bukas dito di ba? Pano sya?” sabi ni Bunnylyn.

“Kahit naman wala syang lectures, papasa sya. Ang galing kaya nun sa Math!” sabi ni Kenneth.

“Kahit na! Di naman ako pwede. Dapat bago mag 8PM nasa bahay na ko. Mainit kasi ulo sakin ng Papa ko kanina e.” sabi ni Bunnylyn.

“Ako na lang magsosoli nyan. Bibigay ko na tuloy yung mga reviewers nya.” Sabi ko.

“Hala! Mapapalayo ka pa!” sabi ni Andrea.

“May dadaanan din ako malapit sa kanila e.” pagsisinungaling ko.

“Yun naman pala e. Sige na, mauna na ko.” Sabi ni Kenneth.

At nauna na rin ako kay Andrea at Bunnylyn. Idadaan ko pa ‘to kela TC e. Ba’t ba ganto? Tama si Andrea. Mapapalayo pa ko. Pero…. Pero…. Gusto kong makita sya ulit.

To: Trixie Claire

Nandito ako sa labas ng bahay nyo.

-- TC’s POV --

From: Joseph Inocencio

Nandito ako sa labas ng bahay nyo.

Pagkalabas ko ng bahay…

“Ikaw lang?” sabi ko.

“Oo. May dadaanan din kasi ako malapit dito sa inyo kaya sinabay ko na rin yung reviewers mo.” Sabi nya.

“Thanks!” sabi ko.

“Tsaka nga pala, yung notebook mo sa Math pinabibigay ni Bunnylyn.” He said.

“Oo nga pala! Thanks! May quiz nga pala tayo dun bukas!” I said.

“Ah. Eh… Sige na, may dadaanan pa ko e. Kita kits na lang bukas!” sabi nya.

“Okay. Salamat ulit! Ingat!” then I went back home. Smiling. Ang weird talaga. Di ako pwedeng magkagusto sa kanya dahil gustong gusto sya ng bestfriend ko! Di ko pwedeng gawing big deal ‘to. Maybe talagang ganun lang talaga sya.

GOODBYE, FIRST LOVE! HELLO, TRUE LOVE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon