CHAPTER 5: He smells... WHAT!?

50 4 0
                                    

CHAPTER 5: He smells... WHAT!?

-- Andrea's POV --

"Pero Andrea, yung totoo? Bakit parang ang bilis naman ata na mawala yung pagkagusto mo kay Joseph? Parang kailan lang patay na patay ka sa kanya." sabi ni Bunnylyn habang nakatingin sa mga paintings.

Yes, paintings. Nasa exhibit kasi kami ngayon ng Ate ko.

"Ang galing talaga ng Ate mo. Bakit di mo nakuha yung talent na 'to sa kanya?" sabi ni TC.

"Oo nga besty, kahit 1% ng talent ni Ate mo di mo nakuha. Napakapangit mong magsulat. Lalo na magdrawing! Mas magaling pa nga yung mga Grade 1 na binantayan natin nun kesa sa'yo." sabi ni Bunnylyn at nagtawanan pa sila ni TC.

"Hay nako, oo na! Kayo na maganda ni TC magsulat at magaling magdrawing!" sabi ko.

"Ikaw naman! Kahit naman ano ka pa, we love you! So... Ano nga?" sabi ni Bunnylyn.

"Anong ano nga?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Yung kay Joseph! Bakit nagswitch ka na kay Kuya LJ (the 4th year na kabarkada ni Kuya)?" sabi ni Bunnylyn.

Umupo muna kami sa bench sa may labas ng exhibit.

"Ah! Yun ba?" tanong ko sa kanya habang tumatawa.

"Besty? Are you crazy?" tanong ni TC sakin.

"Hindi. Natatawa lang ako pag naaalala ko." sabi ko.

"Ano ba kasi yun?" tanong ni TC.

"Okay. Hahahahahahahahahahaha... Okay. Eto na talaga. Kasi... Hahahahahahahahahaha. Wait lang." Haaaay! Di ko talaga mapigilang tumawa.

"Sige, ubusin mo muna yang tawa mo." sabi ni Bunnylyn.

Huminga ako ng malalim. Inhale... Exhale... Okay! Go!

"Kasi ganto yun. Hahahahahahahahahaha. Okay. Eto na talaga. Haaay! Ehem! Natatandaan nyo ba yung volleyball natin 2 weeks ago?"

Tumango lang sila. Then I continued.

"Kasi ganto yun. After magvolleyball ng boys, uminom sila sa drinkin' fountain. Nasa huli ng pila si Joseph. E alam nyo naman ako, papansin. Kaya nang nakita ko sya, di na ko nag-alinlangan pa. Pumila rin ako."

"Parang alam ko na.... Hahahahahaha." sabi ni Bunnylyn.

"Wait lang kasi! Ako muna! Then, yun nga, eh di ba nasa unahan ko sya? Ayun! I smell something.... Hahahahahahahaha. Hinanap ko sa likod, kanan, kaliwa o kung sa akin ba nanggagaling yung amoy. Grabe! Hahahahahaha."

Nakisabay na rin sa tawa ko yung dalawa.

"Hahahahahahahahaha. OMG! Don't tell me..." sabi ni TC na halos umiiyak na kakatawa.

"Hahahahahahahahaha. Pero mga besty, I really tried my best na hindi sa unahan nanggagaling yung amoy. Pero wala e, sa kanya talaga! Swear!" sabi ko.

"Wait. Wait. Wait. Malamang magkakaamoy sya. Kakavolleyball lang nila e." sabi ni Bunnylyn.

"Hindi besty e! Bakit naman si Sonny! Ang may pinakamabahuin na itsura sa klase natin, hindi naman ganun amoy! Hahahahahahahahaha." sabi ko sa kanila.

"Hahahahahahahahaha. Sira ka talaga! Eh ano ba amoy?" tanong ni TC.

"Hahahahahahahaha. Amoy.... Hahahahahahaha. Amoy putok! Hahahahahahahahaha."

Kahit pinagtitinginan kami ng ibang tao na dumadaan, wala kaming pakeelam. Tawa kami ng tawa. Yung feeling na tapos na yung tawa namin, e nag snort si Bunnylyn... Kaya hala, sige! Tawa pa ulit!

"Pero grabe talaga mga besty! Amoy putok! Kaya 'yun! Na-turn off ako. Tsaka halata ko na na may gusto si Joseph sayo (tumingin ako kay TC) kasi tingin sya ng tingin sayo habang nagvovolleyball sila nun. Kaya besty, sayong sayo na talaga si Joseph. Ma-handle mo sana yung smell nya!" At nagtawanan pa ulit kami.

Natigil na lang nang lumabas si Ate.

"Andrea! Ano ba yan!" sabi ni Ate.

"Sorry po Ate Andy. Nga po pala. Congratulations po sa exhibit!" sabi ni TC.

"Sorry po Ate Andy. Si Andrea po kasi. Congratulations po! Ang gaganda po ng mga paintings nyo!" sabi ni Bunnylyn.

Buti na lang good mood si Ate. Ngumiti sya at nagpasalamat kay TC at Bunnylyn.

"Nga  pala Andrea, kanina pa kita tinatawagan at tinetext. Nakahanda na yung lunch natin." sabi ni Ate.

Tiningnan ko yung cellphone ko. Shoot! 17 missed calls and 8 new messages!

"Sorry Ate. Nakasilent e. Sabi mo kasi kanina bawal maingay sa loob kaya sinilent ko."

"Okay na yun. Sige na. Let's go upstairs." sabi ni Ate ng nakangiti.

Then... There! We went upstairs and infairness! Ang sosyal ng pagkakaayos!

"Woooooow! Eat all we can!" sabi ni Bunnylyn.

"Oo Bunnylyn! Wag kayong mahiyang magpabalik-balik. Mauna na ko sa inyo ha? Aasikasuhin ko pa yung iba kong guests. Andrea, ikaw na bahala sa kanila." sabi ni Ate.

"Thank you po Ate." sabi ni TC.

"Sige po Ate. Thanks!" sabi ko.

Ngumiti lang sya then she walked away na.

"Besty, ang sosyal mo ha! Pinuntahan ka pa talaga ni Ate Andy para sabihin na kakain na tayo. And take note! Look at her visitors! Napakarami!" sabi ni Bunnylyn.

"Syempre! Ako na lang ang family nya na nanditong sumusuporta sa kanya. Kaya syempre, may special treatment ako!" sabi ko.

Sana nandito sina Mommy at Daddy ngayon. Wala eh. Galit pa rin sila kay Ate. Gusto kasi nilang mag doctor si Ate. Eh ayaw ni Ate kaya naglayas sya. Nagsikap sya. Naging working student kaya eto. Buti successful na sya. Si Mommy at Daddy naman ang taas ng pride! Dapat nga maging proud pa sila kay Ate eh. Sana rin nandito si Kuya kaso hindi sya pwedeng umabsent dahil NCAE (National Career Assessment Examination) nila ngayon.

"Don't worry besty. Magkakabati rin ang parents mo and ang Ate mo soon!" sabi ni TC sabay hawak sa balikat ko.

"Oo nga. Alam mo namang hindi nila matitiis si Ate mo. Tiwala lang." sabi ni Bunnylyn.

"Wag ka ng sumimangot dyan. Cheer up!" sabi ni TC.

"Kayo talaga, kahit hindi ko sabihin sa inyo, alam nyo kung bakit ako nakasimangot." sabi ko sa kanila.

"Syempre naman!" sabi ni Bunnylyn habang punung-puno ng pagkain ang bibig nya. May mga tumalsik tuloy na mga kanin sa lamesa.

Napangiti na ulit tuloy ako. I am so luck to have them talaga.

GOODBYE, FIRST LOVE! HELLO, TRUE LOVE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon