CHAPTER 13: Busted

32 4 0
                                    

CHAPTER 13: Busted

Twas an awkward Sunday with Mama. Di nya ko pinapansin.

Kahit nung sa "peace be with you" na, di man lang sya tumingin sakin.

Simula nang nalaman nya yung about us, naging ganto na ang sistema namin.

Nakakainis naman!   Pero I insist. Nagkiss pa rin ako sa cheeks nya kahit na alam kong umiiwas sya. 

Kahit sa pag-uwi nya sa bahay, nagkikiss pa rin ako as a sign of pagbati/paggalang.

Yun nga lang, most of the time, lagi lang ako sa room ko para safe sa kanya. Kaso, may mga times talaga na, pagkababa na pagkababa ko, sakto naman na darating sya. Kaya, yun! No choice.

Alam na rin ni Joseph yung nangyari. Sinabi ko na sa kanya. Malungkot sya para sakin. Tinatanong nya ko kung gusto ko na raw bang makipagbreak sa kanya.

Well, hell no! Sya na nga lang ata ang nagmamahal sakin ngayon e.

Alam kong mahal din naman ako ng family ko. Pero, mas feel ko yung pagmamahal sakin ni Joseph kesa sa kanila.

Alam na rin ng barkada. Buti na lang nandyan sila para i-cheer up ako.

Buti na lang binibigyan pa rin ako ng baon ni Mama. Yun nga lang, pinapabigay nya lang kay Mommy.

Ilang week na ang nakalipas.... Ganto pa rin kami ni Mama. Walang pagbabago.

One day, galing ako sa bahay nila Shine. Nag group study lang kami about sa topic na di namin masyadong naintindihan sa Geometry and Chemistry.

May quiz kasi bukas and magulo yung pagkakaturo ng topic at kinapos ang oras sa discussion.

Ang maganda kela Andrea, Shine, Kenneth and Joseph, pag aral, aral lang.

May halo rin na mga kulitan at kwentuhan pero mas inuuna naming tapusin kung ano yung kailangan naming gawin.

Good thing! Na-gets na namin ni Shine yung topic. Kaya diniscuss na lang namin kela Andrea, Kenneth and Joseph. At buti na lang din, naintindihan nila agad.

Hinatid ako ni Joseph pauwi. Hihiramin nya kasi yung Filipino notebook ko. Nakipagdaldalan kasi sya kay Kenneth nun. Di naman pala marunong mag multi-tasking (daldal habang nagsusulat). Kaya ayun! Di nya tuloy nakumpleto yung lectures. At inabot na rin kasi kami ng gabi kela Shine. Buti na lang narinig ko kahapon na may meeting si Mama ngayon sa work kaya for sure, gagabihin sya ng uwi. Yes!

Holding hands while walking pa kami ni Joseph habang naglalakad. Nang bigla naming nakita si Mama sa may gate.

Sh*t!

Binitawan ko agad yung kamay ni Joseph. At nanlilisik na yung mga mata ni Mama.

Kung nakakamatay lang ang mga titig nya, dead on the spot na kami ng boyfriend ko!

Pag tungtong namin sa gate, nagkiss lang ako sa cheeks ni Mama then sabi ko kay Joseph na sandali lang at kukunin ko lang yung notebook ko.

Di ko na alam kung anong nangyari sa labas. Binilisan ko na lang at baka matusta si Joseph kay Mama.

Pagkabalik ko sa gate, nakayuko lang si Joseph. Inabot ko na agad yung notebook ko sa kanya and nag-bye na sya sa amin ni Mama.

"PUMASOK KA SA LOOB!" sigaw ni Mama sakin pagkatapos tumalikod ni Joseph sa amin. 

Papanik na sana ako sa taas para makaligtas. Kaso....

"AT SAAN KA PUPUNTA?" tanong ni Mama.

"Sa room ko po sana." sagot ko.

"HINDI! BUMALIK KA RITO' T UMUPO KA!" tinuro nya yung sofa sa may living room.

Sermon nanaman abot mo Trixie!! Hay....

Pagkaupo ko sa sofa, kinatok nya yung ulo ko.

Yes. Kinatok. Literal na kinatok. (-_-)

"SAAN KAYO GALING!? GINABI KA KASAMA YUNG LALAKING YUN!? HANGGANG NGAYON BA HINDI KA PA RIN MAKIKIPAGHIWALAY SA UNANONG YAN!?"

"Ma, galing po kami kela Shine. Nag group study lang po kami."

"GROUP STUDY!? AT AKO PA TALAGA NILOKO MO SA GROUP STUDY NA YAN!? HOY TRIXIE! PAPUNTA KA PA LANG, PABALIK NA KO!"

"Ma, totoo po! Inuuna po namin kung ano yung kailangan naming gawin. Hindi po kami kagaya ng iba."

"OH TALAGA!? AT NAGDADAHILAN KA PA NGAYON!?"

Di na lang ako kumibo. Kahit naman nagsasabi ako ng totoo, di nya ko paniniwalaan.

"NAKU TRIXIE! MAKIPAGHIWALAY KA NA DYAN! MALAPIT NA KONG MAPUNO SA'YO!"

At sinabunutan nya ko ng bongga. Grabe! Kulang na lang malagas lahat ng buhok ko sa sabunot nya.

"PUMANIK KA NA NGA! BAKA DI PA KITA MATANCHA!"

Pumanik na ko sa room ko......habang humahagulgol ng iyak. Ang sakit sa ulo at puso mga friends!

Afterwards, tumawag si Joseph sa cellphone ko.

"Oh! Bakit ka umiiyak?" bungad nya sa kabilang linya.

"Wala. Si Mama kasi nasermunan nanaman ako. At nawagwag ng sabunot."

"Tsk. Sabi na nga ba papagalitan ka nanaman nya e. Sorry po."

"Wala yun. Okay lang. Basta, kahit anong mangyari, wag mo kong iiwan ah?"

"Opo. Di po kita iiwan. Oh, sige na. Tahan ka na."

"E, di ko mapigilan e!" sabi ko habang humihikbi pa dahil sa pag-iyak.

"Aysus. Sige na po. Please? Ayokong naririnig kang umiyak e."

Then, after a while, nag sink in na rin ang lahat at nawala na ang mga luha na nagbabagsakan sa mga mata ko.

"Nga pala, anong nangyari habang kinukuha ko yung notebook?" tanong ko sa kanya.

"Ay nako. Nakakatakot si Mama mo! Sabi ko sa kanya, "Magandang gabi po, Tita!". Tapos sabi ba naman nya, "Walang maganda sa gabi. Di ka ba hinahanap ng mga magulang mo? Anong oras na at nasa kalsada ka pa rin!""

"Oh, e anong sabi mo?"

"Sabi ko, hindi naman ako hinahanap sa bahay."

"Anong sabi ni Mama?"

"Wala na. Dumating ka na e. Buti na lang at dumating ka kaagad. Kulang na lang masunog ako dun sa kinatatayuan ko. Grabe talaga. Nakakatakot si Mama mo."

"I know, right?"

"Alam mo, para matahimik na sya, sabihin mo na lang na wala na tayo. Pero kailangan, doble ingat tayo para di tayo mabuking."

"Okay lang sa'yo?"

"Oo naman. Ano? Deal?"

"Deal!"  

Siguro nga ito na lang ang pinakasolusyon sa problema ko. Ang itago ang relasyon namin.

GOODBYE, FIRST LOVE! HELLO, TRUE LOVE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon