CHAPTER 11: My 15th Birthday

34 4 0
                                    

CHAPTER 11: My 15th Birthday

Time went so fast! Fifteen na ko! At hanggang ngayon, di pa rin alam ng family ko yung about us. Siguro, now is the right time.

One and half month na kami ni Joseph. Wala pa naman kaming mga major na away. Puro tampuhan lang pero naaayos din namin.

Yung sa Field Demonstration nga pala.... Kami ang nag champion!! Super saya naming lahat! Especially our class adviser! First time nya lang daw nagkaron ng trophy. :)

Lahat ng pagod, hirap at gastos, napalitan naman ng biyaya. Di na namin kailangang gumawa ng project sa LAHAT ng subjects kasi kami nga nag champion. Yun yung prize na natanggap namin. AT yun na rin yung binibigay na prize sa magchachampion right from the start.

Lahat kami 100% sa project. Yeey!! Malaking tulong na yun saming lahat. Sobrang laking tulong.

Di ako excited pumasok ngayon. Nakakahiya kasi pag kinakantahan ka ng happy birthday sa room. Di mo alam kung ano gagawin mo. Sigurado akong kakantahan nanaman nila ako dahil yun na yung nangyari last year. At alam din nila na birthday ko dahil halos kalahati ng mga kaklase ko, binati na ko via SMS.

Pagkarating ko sa school, pinagbabati nila ko ng happy birthday. And as expected. Kinantahan ako ng happy birthday sa room. Ang nakaka-irita pa rito, sa lahat ng subjects, kinakantahan nila ko. Masaya naman sila dahil time consuming daw sa discussion.

Twas recess time. I'm with Joseph, Kenneth, Andrea and Shine. Wala. Kwentuhan lang. Suddenly may nilabas si Joseph sa bulsa nya.

"Happy birthday mahal ko!" Then, he gave me his gift. Nasa rectangular na box nakalagay.

"Oh? Ano 'to? Di ba sabi ko sa'yo wag ka ng mag-abala pa? Napakakulit mo!" Napag-usapan na kasi namin na huwag syang mag-reregalo sakin.

"E, wala e. Di ko kaya na di ka bigyan ng regalo. First birthday mo to na may boyfriend ka. Gusto ko you'll feel special." pagpapaliwanag nya.

"Buksan mo na besty! Bilis!" masiglang sabi ni Andrea.

Nang buksan ko.... Woah! Necklace! Di naman ako mahilig mag necklace pero I don't need to say this to him. Ang cute ng pagkakagawa ng pendant. Dalawang puso ito na pinagdikit.

"Wow!" sabi ni Andrea.

"Ang ganda naman nyan." sabi naman ni Shine.

"Nako TC! Kung alam mo lang kung ilang oras akong naghintay kay Joseph para sa pagpili nya nyan." sabi naman ni Kenneth.

"Oras? Grabe naman. Ilang oras ba?" tanong ko.

"Siguro... Mga 30 seconds lang naman." sabi ni Kenneth.

"30 seconds? Seriously?" naguguluhan ako.

"Pagkakita nya kasi nyan, yan na agad yung pinili nya." pagpapaliwanag ni Kenneth.

"Yan kasi yung nakatawag ng atensyon ko." sabi ni Joseph. "Di ko nga alam kung ano ireregalo sa'yo e. Okay lang ba yan?" tanong nya.

"Sabi ko kasi sa'yo wag ka ng magregalo di ba? Pero salamat dito. Nagustuhan ko." I take a deep breath at tiningnan yung necklace na para bang nananaginip lang ako. "Ang gandaaa!!!"

"Gusto mo na bang suotin?" tanong ni Joseph.

Tumango lang ako bilang sagot. Then, kinuha nya yung necklace sa kamay ko at sinuot nya sa leeg ko. I know it's just fake na nagkukulay libag kapag hindi nababaran sa silver cleanser. Pero, anything! Basta galing sa kanya.... I will truly appreciate it!

Maya maya may dinukot nanaman sya sa bulsa nya. It was a red square box. Siguro singsing ang laman. Then he said... "Akala mo yun lang? Meron pa kong regalo sa'yo."

Binuksan nya yung box and tadaaa!! Singsing nga. Kinuha nya yung right hand ko and sinuot nya sa ring finger ko yung singsing.

Parang aayain nya kong magpakasal! OMGeee! Kaso...... Mas romantic sana kung lumuhod sya. Hahahahaha. Ba't ba demanding ako masyado!?

"Last mo na yan ha!" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sya sakin then may kinuha syang isa pang singsing sa bulsa nya na kapareho ng suot ko at sinuot nya yun sa right hand -- ring finger nya.

"How sweet naman!" Andrea said.

"Dyan naman sa singsing mabilis syang nakapili." sabi naman ni Kenneth.

"Ilan? 30 seconds din?" tanong ko.

"Hindi ah! 30 seconds ka dyan! Close enough." sabi ni Kenneth.

"Umm... 15 seconds?" tanong ni Shine.

"Nope. Malapit na sa 30 seconds." sabi ni Kenneth.

"Sabihin mo na kaya!" pagpoprotesta ni Andrea.

"Okay. Fine. 30 minutes." nakangiting sabi nya.

"What!? 30 minutes?" tanong ni Andrea.

"Ang tagal naman nun." sabi ni Shine.

"Hindi nga lang ata 30 minutes. Inabot pa ata kami dun ng isang oras." sabi ni Kenneth. "Kung ano yung bilis ng pagpili nya ng necklace, yun naman yung tagal ng pagpili nya ng singsing" dagdag nya.

"Seriously?" tanong ko kay Joseph.

"E ang hirap kasi pumili. Halos magkakapareho lang yung itsura ng singsing. Tsaka nag-aalangan ako na baka di sa'yo kasya yung singsing." Then he took a deep breath. "Buti nagkasya sa'yo." dagdag nya.

"Yun lang? Baka meron ka pang tinatago sa bulsa mo Joseph. Ilabas mo na yan!" sabi ni Andrea.

He smiled and said "Wala na. Last na yun."

"Totoo?" I asked him.

"Opo. Last na talaga yan." sabi nya.

"Good! Thanks ng marami for this." sabi ko sa kanya.

"Anything, basta sa ikaliligaya mo." sabi nya sakin.

Pagkauwi ko sa bahay, may mini salu-salo lang kami. Sabi ko kasi na wag na silang maghanda ng marami. Pero parang fiesta! Ang daming niluto ni Mommy Carmelita! Ang kulit nya talaga!

"Hala Mommy! Ba't ang dami mong niluto?" tanong ko sa kanya.

"Konti lang kaya yan." sabi nya.

Gosh! Konti ba yung spaghetti, kaldereta, menudo, crispy pata, hamonado, fried chicken at kare-kare!? Tapos may cake at hotdog na may marshmallow na nakatusok sa repolyo pa! Kung alam ko lang na ganto, sana pinapunta ko sila Andrea. Pero, sa mga kamag-anak pa lang namin, ubos na to.

Pero di ko naman masisisi si Mommy Carmelita. Pag ordinary days kasi, tatlong ulam ang lagi nyang hinahanda. Isa sa aming mga bata, isa sa kanilang matatanda. At yung isa, kung sino may gusto kumain.

Umabsent si Mama ngayon kasi birthday ko. Pero umaabsent naman talaga sya lagi sa work tuwing may mga occasion.

Ang saya ng birthday ko kahit simple lang. Masaya rin dahil walang assignments at Saturday bukas! Pero, mas masaya sana kung nandito si Papa. Nagtext lang sya sakin ng happy birthday at nagsorry na di raw sya makakapunta dahil nasa Tagaytay sya. May gawa raw kasi sya ngayon. Glass and aluminum installer sya. Pero okay lang. Sanay na rin naman ako na wala sya rito.

GOODBYE, FIRST LOVE! HELLO, TRUE LOVE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon