CHAPTER 7: Can I court you?
Fridaaaaay!!! Our favorite day! Math and English lang ang subjects every Friday then we have D.E.A.R. Program, Club Meeting at syempre... ANG UWIAN!!!
D.E.A.R. Program stands for Drop Everything And Read. We should bring our reading materials then we'll read those stuffs during D.E.A.R. Program. It's your choice kung gusto mong magbasa or not. Pero mas nakakabagot naman na titigan lang yung libro na dala mo ng 45 minutes, right? So, you have no choice but to read it. May bantay na teacher every D.E.A.R. Program kaya kung may balak kang matulog na lang, gumawa ng assignments, mag-advance reading sa ibang subjects or mag-drawing, you can't. Kasi naman 25 lang kami sa room kaya kitang kita ng nagbabantay na teacher ang ginagawa namin.
Mga 10 kaming mga 3rd year students ang nag Campus Journalist Club. Since na wala pa na mga masyadong activities na kailangang gawan ng news, lagi lang kaming gumagawa ng mga essays, poems or drawings. And me, talagang nag-eenjoy ako sa club na 'to.
"Bakit pa kasi tayo lumipat ng club! Maganda na yung club natin dati eh!" sabi ni Kenneth na para bang yamot na yamot.
"Ang boring kasi ng mga experiments sa Science Club! Pang-elementary! Sa umpisa lang masaya. Pero pag matagal na, nakakasawa na. Alam na kasi natin yung mga ginagawang experiments. Wala man lang bago." sabi naman ni Joseph.
"Bakit? Masaya naman dito ah. Kasi look, papasok lang si Ms. Dizon (Campus Journalist Club adviser) ng room, may ipapagawa then aalis na sya. Babalik na lang sya before mag time." sabi ni Bunnylyn.
"Oo nga. Basta tapusin mo lang yung pinapagawa nya, then pwede nang makipagchikahan! Yun nga lang kapag hindi ka gumawa, maiiwan ka dito tsaka kailangan mong tapusin yung pinapagawa nya." sabi ni Andrea.
"Tama! Kaya Kenneth, mas maganda kung gagayahin mo yung isa dyan. Tingnan mo, kinakareer!" sabi ni Bunnylyn habang ngumuso sakin.
"E pano hindi kakareerin? Gustong gusto at nag-eenjoy sa ginagawa nya." sabi ni Kenneth.
"Hay nako. Kayo talaga! Tingnan nyo, kayo lang yung maingay. Ako sa inyo, tapusin nyo na yang pinapagawa ni Ms. Dizon. Mamaya nyan maingay na kasi tapos na gumawa yung iba. Mahirap pa naman mag-concentrate pag maingay." sabi ko at balik ulit ang atensyon ko sa ginagawa ko.
"Oh! Narinig nyo naman si idol di ba? Ano pang hinihintay nyo dyan?" sabi ni Joseph.
And there, there's a moment of silence inside the room. Afterwards...
"Tapos ka na?" napansin kasi ni Joseph na nag-d-drawing nalang ako.
"Yep. Ikaw ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa. Ang dami naman kasi ng 35 sentences!" sabi nya habang nagkamot ng ulo.
"Just concentrate. You can do it." sabi ko sa kanya.
Maya-maya, natapos na rin silang lahat sa kumikinang na 35 sentences na essay.
"Grabe besty! Kumulot utak ko dito sa lechugas na essay na 'to! Aaaaaaayyyy!!!! I need a break!" sabi ni Bunnylyn then yumuko sya sa desk nya.
"Hay! Me too! Ang lakas maka-haggard!" sabi ni Andrea. Then, yumuko rin sya sa desk nya.
Tinawag si Kenneth ng ka-clubmate naming 2nd year na nakaupo sa may bandang likuran. He excused himself and went there.
Maya-maya, kinuha ni Joseph yung desk nya and nilipat nya sa may harap ko. Uh-oh. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko! Heart! Please naman! Cool ka lang!
"Okay lang ba? I mean, okay lang ba na mag-usap tayo?" sabi ni Joseph.
"Yeah. Sure." I said. Then tinabi ko na sa bag ko yung dinodrawing ko.
"So... Umm... Ano ibig sabihin ng isang tanong, isang sagot?" tanong nya.
"Huh?" Ano daw yun?
"Umm.... Ah. Eh. Pinatanong ko kasi di ba kay Andrea at Bunnylyn na kung pwede ba kong manligaw sa'yo... Umm... Eh. Sabi kasi nila basta daw sinabi mo na lang na yun nga.... Isang tanong, isang sagot." sabi nya. Ah, yun pala... Infairness ah! Ang lamig lamig sa loob ng room, pinagpapawisan sya.
"Aaaah! I see." yun na lang nasabi ko. Speechless eh.
"Hindi naman sa torpe ako kaya ko pinatanong sa kanila. Kaya yun. Umm... So... Ah. Eh. Umm.... Ano nga ibig sabihin nun?" Di sya makatingin ng maayos sakin.
"Okay? Di ka ba marunong umintindi?" sabi ko sa kanya.
"Huh? What do you mean?" tanong nya.
"Malamang na pag nagtanong ka, meron akong isasagot. Yun lang yun. Kaya isang tanong, isang sagot." sabi ko.
"So, is it a yes? Or... No?" Aba! Sigurista 'to masyado ah!
"Well, why would I tell you? It depends, syempre." I said.
5-4-3-2-1.... A moment of silence then huminga sya ng malalim.
"So, umm.... TC, can I court you?" tanong nya.
OMG! Trixie Claire! Pwede daw bang manligaw!? Grabe! Nakatitig sya sakin! OMG! Nakakatunaw ang mga malaki nyang mata! Ngayon ko lang naranasan 'to.
Parang tumigil ang oras. Parang nawala ang ingay sa room. Then, biglang pumasok si Ms. Dizon sa room. Tumayo na si Joseph, kinuha nya yung desk nya at bumalik sa proper place nya. Ginising ko sina Andrea at Bunnylyn. Mukhang di nila narinig ang kwentuhan namin ni Joseph. Halata kasi sa mga mata nila na nakatulog silang dalawa. Bumalik na rin yung mga ibang students sa proper seats nila at tumahimik.
Tinawag kami isa-isa ni Ms. Dizon para ipasa yung papel namin at para i-check kung 35 sentences nga ba yung ginawa namin. Afterwards, nag-bell na. Yung puso ko parang naglalaro ng drums! Ay! Grabe!!!
-- Joseph's POV --
Dumating bigla si Ms. Dizon. Nakakainis naman si Ma'am! Wrong timing! Bumalik na tuloy ako sa pwesto ko bitbit yung desk ko.
Parang tumigil yung oras nang nakatingin sya sakin. Nahihiya akong i-open yung about dun pero I have to. I really like her.
Tinawag kami isa-isa ni Ms. Dizon para ipasa yung papel namin at para i-check kung 35 sentences nga ba yung ginawa namin. Tapos maya-maya, nag-bell na. Ibig sabihin, uwian na. Pero, wala pang sagot si TC sakin!
After ng closing prayer, kinuha nya yung bag nya at para bang nagmamadaling lumabas ng pinto habang bitbit sa magkabilang kamay ang bestfriends nya.
I desperately need her answer. Di ko na hinintay si Kenneth. Sinabi ko sa kanyang mauna na ko at hinabol si TC. "TC, asan ka na?" bulong ko sa sarili ko.
Ayun sya! Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang balikat nya. Pagkatapos noo'y lumingon sya sa kanyang likuran. Pati si Andrea at Bunnylyn napalingon rin.
"Oh! Joseph!" sabi ni Bunnylyn pagkakita sakin.
Ngumiti lang ako sa kanya, pagkatapos ay tumingin ako kay TC.
"Umm... TC..."
"Yes?" tanong nya sakin ng nakangiti.
"Ah. Eh. Pwede ko bang malaman kung ano yung sagot mo sa tanong ko sa'yo kanina?" tanong ko sa kanya.
"Yes naman! Nanliligaw ka na sa TC namin?" nakangiting tanong sakin ni Andrea.
Tumango lang ako bilang sagot.
"TC?" hindi pa kasi sya sumasagot. Kinakabahan na tuloy ako sa isasagot nya. Sana pumayag sya.
"Let's see." nakangiting sagot nya sakin.
Then, umalis na silang magbebestfriend. Nakahinga na ko ng maluwag. Wooooo!!!! I'll take that as a yes!
BINABASA MO ANG
GOODBYE, FIRST LOVE! HELLO, TRUE LOVE!
Novela JuvenilFirst love never dies, but true love can bury it alive. This story is about a girl named Trixie Claire that was usually called”TC” by her family and friends. She’s a simple girl with a lot of dreams. Her first love was totally a failure until she me...