CHAPTER 8: Why did I say that?

41 4 0
                                    

CHAPTER 8: Why did I say that?

"Let's see." nakangiting sagot ko sa kanya. Kilig na kilig si Andrea at Bunnylyn. Walang mapaglagyan at umaapaw na ang kaligayahan na nararamdaman ko ngayon. I hope he took it as a yes.

"Besty!! I am so happy for you. Sana magtagal kayo." nakangiting sabi sakin ni Bunnylyn habang naglalakad kami. Napagpasyahan kasi namin na maglakad na lang pauwi para maikwento ko daw sa kanila yung nangyari.

"Sira! Hindi pa kaya kami!" sabi ko.

"Hindi PA. Mga after 3 days nyan, sure ako kayo na." sabi ni Andrea.

"Wow ha! Kalkulado mo talaga besty ah!" sabi ko sa kanya.

"Let's see." sabi ni Andrea na nakangiti.

"TC!? Is that you?" tanong ni Bunnylyn kay Andrea.

Then... There! Tawanan.

When I got home. Pagkakuha ko ng cellphone ko I had 10 missed calls and 6 new messages. Pagkakita ko, lahat galing kay Joseph.

From: Joseph Inocencio

Hi TC! Nakauwi ka na ba?

From: Joseph Inocencio

Hey! Text mo ko pag nakauwi ka na ha?

From: Joseph Inocencio

TC, anong oras na ah. Wala ka pa rin ba sa bahay?

From: Joseph Inocencio

Uy, galit ka ba sakin dahil sa kanina?

From: Joseph Inocencio

TC, sorry na. :(

From: Joseph Inocencio

Reply ka naman oh. Please?

Nasabi ko na ba na bawal magdala ng gadgets sa school? Ohey. There! I said it.

Napangiti na lang ako sa mga texts nya. Hinayaan ko na lang muna. Di muna ko nagreply. Nagpalit na muna ako ng damit at kumain. Magrereply na sana ako sa kanya ng bigla syang tumawag. Kinakabahan ako na kinikilig. Wooo!!! Grabe! TC! Wag masyadong haliparot! Ehem. Ehem.

"Hello?" sabi nya sa kabilang linya.

"Umm... Yes?" sabi ko.

"Uy, sorry na. Galit ka ba?"

"Hindi ah. Kakauwi ko lang kasi. Magrereply na sana ako e. Kaso tumawag ka na."

"Ba't ngayon ka lang? Mas nauna ka pang umuwi sakin di ba?"

"Naglakad pa kasi kami pauwi e."

"Ah. Kaya pala. Kumain ka na ba?"

"Yep. Kakatapos lang. Ikaw ba?"

"Kanina pa. Tagal mo! Kanina pa kita namimiss e."

Okay. Medyo speechless. Ngiting abot ears lang.

"TC?" sabi nya.

"Ay. Yes?"

"Kala ko wala ka na dyan e. Umm... Nga pala, ano gusto mo sa isang lalaki?"

"Hm... Ideal man ko?"

"Aha."

"Mas matangkad sakin."

"Aw. Di na pala ko qualified."

"Walang bisyo."

"Kaya kong itigil paninigarilyo at pag-inom ko ng alak para sa'yo."

"Sweet, maka-Diyos, mabait, may sense of humor, magalang, maalaga, mahaba ang pasensya."

GOODBYE, FIRST LOVE! HELLO, TRUE LOVE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon