CHAPTER 4: I smell something fishy...

67 5 1
                                    

CHAPTER 4: I smell something fishy…

“TC!”

Infairness, ang aga nyang nasa school. Usually, dumadating sya rito, 5 minutes before mag bell.

“Pareee!!! Ang aga mo ata ngayon! Himala ah!” sabi ko sa kanya.

“Maagang nagising e. Umm… Nakapagreview ka na?” sabi ni Joseph.

“Oo. Medyo. Ikaw ba?” Sabi ko, sabay upo sa tabi nya.

“Oo. Nakapagreview na ko kagabi. Bahala na mamaya.” Sabi nya.

“Good luck! Sige na, dun lang ako.” Sabay tayo sa kinauupuan ko at pumunta sa kabilang table. Kakarating lang ni Andrea at dun sya umupo. May mga bakanteng upuan pa naman sa table namin ni Joseph. Hm… Nahihiya siguro sya.

Maya maya dumating na si Bunnylyn. At syempre, nagkukukwento nanaman sya ng kung anu-ano. Maya maya nag ring na rin yung bell. May daliri na sumundot sa kili-kili ko. Pag tingin ko sa likod… Si Joseph. Nginitian nya lang ako. Sabog ata ‘to e.

Araling Panlipunan (AP) ang first class. Ang pinaka-ayaw kong subject. (-_-) Every AP class, di ako nakikinig. Wala rin kasi akong naiintindihan. Kaya lagi na lang akong nagddrawing every AP time. Kundi kaya, sinasagutan yung mga questions – every last chapter na nasa book. Itong subject na ‘to ang laging pinakamababa sa akin.

Ayaan! Si Joseph, tumitingin nanaman. Bakit ba kasi? Tsk.

After 100 years, natapos na rin ang AP! Lumabas na rin sa wakas si Mrs. Mendez! Woooo!!! Since na wala pa ang next teacher, pumunta muna ko sa restroom. Pagkabalik ko, nasa labas ng pinto si Joseph.

“Di ka nakikinig kanina!” sabi nya.

Hala sya!!! Nangengeelam!!

“Boring e. Tsaka wala akong maintindihan.” Sabi ko.

“Oo nga e. Mas ginusto mo pang magdrawing at magsagot sa libro kesa sa makinig.” Sabi nya.

“Okay lang yun. At least naeenhance ko ang drawing skills ko. AT! Tapos na ko sa assignment sa AP dahil nasagutan ko na yung pinapa-assignment ni Mrs. Mendez.” Sabi ko, sabay pasok sa loob ng room.

Pumasok na rin sya sa loob ng room pagkapasok ko.

Araw-araw na ganyan. Lagi syang pa-epal. Pinapansin lahat ng galaw ko sa school. Lagi akong tinutukso ng “sample”. (Okay, “sample” kasi isang araw binalikan namin ang basic na basic na “Parts of the Speech”. Magbigay daw ng isang part ng speech, ibigay ang meaning nun then magbigay ng example. Then, yun! Ako unang tinawag ni Ms. Palmario – English teacher namin. I said, “Verb. Verb is an action word. Sample. I mean, for example, “I can talk.” The word talk conveys action. Therefore, it is a verb.” Tapos yun na! Tinutukso na kong sample. Tsk.) Chinachat ako sa Facebook pag online ako. Lagi akong tinetext. Tinatanong kung nakauwi na daw ba ako ng bahay, kung nakakain na ko, at kung anu-ano pa. Pero, as time goes by… I think I like him already. OMG!! Why so landi??

Napansin na rin ni Bunnylyn na there’s something fishy between us. Syempre. BFF ko sya. I’m sure pati si Andrea napapansin din yun. Di na lang sya kumikibo. Nasasaktan ako para sa kanya. Siguro, she hates me na. Baka iniisip nya na inaagaw ko yung crush nya. Maayos naman pagmagkakasama kaming tatlo. Kaso, iniisip ko na baka, masama ang loob nila sakin. Baka lang naman. Wala silang alam tungkol sa amin ni Joseph. Di kasi ako nag-oopen sa kanila. I should talk to them na. Something is not right na talaga e.

To: Andrea Laurenaria, Bunnylyn Torres

Hi mga besty! This is a good time! Walang assignments and quizzes. Tara bonding?

10 minutes na ang nakalipas, wala pa ring nag-rereply. Masama nga siguro loob nila sakin.

After 15 minutes….

From: Bunnylyn Torres

Go ako dyan! Tetext na sana kita e. Mag-aaya sana ako ng gala. Tara! San ba tayo?

From: Andrea Laurenaria

Sure besty! Count me in! San us?

To: Andrea Laurenaria, Bunnylyn Torres

Yey! Dito sa amin. Punta na lang kayo ha? See ya both! :*

What a relief! Kala ko galit na talaga sila sa akin. This is it!

Maya maya may kumakatok sa kwarto ko… Pagkabukas ko…

“Bestyyyy!!!!!!” sabi nina Andrea at Bunnylyn sabay yakap sakin.

Kumalas ako sa pagkakayakap nila at yumuko at sinabing “Sorry ha.”

“Sabi na nga ba e. Ito lang naman hinihintay namin ni Bunnylyn e.” sabi ni Andrea.

“That’s right! Sige na. Let’s talk na.” sabi ni Bunnylyn.

Then umupo na kami sa kama and nagkwento na ko sa kanila. Lahat ng detalye sinabi ko sa kanila. Buti na lang okay lang sa kanila. Lalo na kay Andrea. She swear na wala na sa kanya yun. Dahil since last week, may bagong super crush nanaman sya. Hinihintay nya lang daw akong magconfess sa kanila ni Bunnylyn. Crush nya yung 4th year na si Kuya LJ. Kabarkada kasi ng Kuya nya yun. Tuwing pupunta kami kela Andrea, lagi naming nakikita si Kuya LJ sa kanila kasama pa yung mga iba nilang kabarkda. Kaya no wonder na magkakagusto talaga sya dun.

“Nga pala! Di ba may pinapatanong si Joseph nung Tuesday?” sabi ni Andrea.

“Ay! Oo nga pala nu! Buti pinaalala mo!” sabi ni Bunnylyn.

“Hala. Ano yun?” sabi ko.

“Pinapatanong nya na kung manliligaw daw ba sya, sasagutin mo daw ba?” sabi ni Andrea.

Natawa ko’t sinabing “Sigurista ah. Anong sabi nyo?”

“Wala. Sabi lang naming di namin alam. Kasi, di naman talaga namin alam kung papayag ka o hindi.” Sabi ni Bunnylyn.

“So…. Ano na ang decision?” tanong ni Andrea.

“Hm…. Pakisabi na lang sa kanya na isang tanong, isang sagot.” Sabi ko.

“Isang tanong, isang sagot?” tanong ni Andrea.

“Sige, yun sasabihin namin sa kanya. Pero, ano nga? Atin atin lang, sasagutin mo?” tanong ni Bunnylyn.

“Siguro oo. Pero, manligaw muna sya.” Sabi ko.

They both shrieked! Ah! Basag ang eardrum! Masaya daw sila for me. I love my best friends. On our ups and downs, wala talagang iwanan.

GOODBYE, FIRST LOVE! HELLO, TRUE LOVE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon