CHAPTER 10: He's jealous?
As time goes by, our relationship went smooth. So smooth. Pero still, we haven't kissed yet. I am not excited naman about it. Pero, I wonder how my first kiss would be. Is it magical kaya? Kagaya ng sinasabi ng iba? Nakakabaliw daw? Whatever. I know naman that I will know the answer soon.
I already told Bunnylyn and Andrea about us. They are both happy for me naman. The whole school knew it also. Di ko lang alam kung sino ang nag tsismis nun.
Some teachers and students would tell me "congratulations" pag nakasalubong ko sila. It's kinda weird. Di naman ako kinasal or something. It's just we're JUST mag-boyfriend and mag-girlfriend LANG NAMAN. Pero I still feel happy din naman about it.
Pero STILL.... Di pa rin alam ng family ko. I don't know kung payag sila or not. Pero it seems like, it's a no-no for them. Wala naman silang sinasabi pero na-fee-feel ko lang.
Nagkakaron na rin ng problems about us... Kaming magbebestfriend. We don't know na may boyfriend.... Well, girlfriend pala. Na may girlfriend na si Bunnylyn. Nalaman pa namin ni Andrea sa iba. We really don't have a clue. Walang sinasabi ni Bunnylyn samin. It was so unfair! Well then, Bunnylyn is in a relationship with Julie.
Classmate namin si Julie. And we don't know na may namamagitan na pala sa kanila ni Bunnylyn! Is it our fault na hindi namin napansin? No! Andrea said na it's Bunnylyn's fault.
We're besties! She should have said it! Sabi naman ni Bunnylyn samin na she's nahihiya daw kasi nga lesbian si Julie at pinatulan nya 'to. We're not like pandidirihan namin sya pag nalaman namin. Di naman kami ganun ni Andrea. And Bunnylyn knew it! Kaya ngayon, since na naging sila ni Julie, di na sya sumasama samin ni Andrea.
Kaya ngayon na kami na ni Joseph, natatakot rin si Andrea na I'll leave her. Pero I said no to her. I will never do that to her. Kaya every recess, she's with us. I will never leave her alone.
Nag sorry na si Bunnylyn samin. Pero still, kay Julie pa rin sya laging nakadikit. Malamang that's her boyfriend/girlfriend.
We want her to be with us. Bakit di nya na lang isama si Julie, right? So that, the three of us would be together again. Bunnylyn and us (Andrea and me) were in good terms na. Yun nga lang, parang di na kagaya ng dati.
Now we have practice sa bahay nila Andrea. Practice ng sayaw. Our school calls it Field Demonstration. Mga Philippine festivals ang mga dapat naming sayawin.
Luckily, nabunot namin ang MassKara Festival. Yun na kasi yung gusto naming festival right from the start.
Merong nagtuturo samin ng sayaw. We hired one. Magulo kasi pag kami kami lang.
I'm enjoying dancing kaso I feel conscious kasi di ako masyadong marunong sumayaw. Pero kung icocompare mo naman kay Joseph, mas magaling naman ako sa kanya. Para kasi syang ROBOT pag sumasayaw. NAPAKAtigas ng katawan. Nakakatuwang tingnan.
"Ano ba yan! Robot dance! Hahahahaha." pang-iinis ko sa kanya.
"Ang lambot ng katawan mo eh nu?" sarkastikong tanong nya sakin.
"At least di naman kasing tigas ng sa'yo! Hahahahaha."
"Oo na! Talo na ko. Sus! Pasalamat ka mahal kita!" Kinilig naman ako dun! Kainis to!
After one decade, sa wakas at pinagbreak na rin kami ng instructor namin!
Nagpaalam sakin si Joseph sandali. Sasamahan daw nya si Kenneth sa bahay nila. Malapit lang naman bahay ni Andrea kela Kenneth kaya mabilis rin sila makakabalik. Tsaka good thing, 30 minutes ang binigay na break time.
BINABASA MO ANG
GOODBYE, FIRST LOVE! HELLO, TRUE LOVE!
Novela JuvenilFirst love never dies, but true love can bury it alive. This story is about a girl named Trixie Claire that was usually called”TC” by her family and friends. She’s a simple girl with a lot of dreams. Her first love was totally a failure until she me...