02

6.7K 40 1
                                    

[SELENA GRACE]

Kasalukuyan na kaming nanunuod ng movie. Hindi naman horror pinapanuod ko pero kinakabahan ako kasi naman katabi ko si Kean at sa kabila ko naman si Xavier. ANG GALING HINDI BA?! ARGGGH! Bakit kaya laging ganito ang pwesto naming tatlo? Pati yata kagabi ganito-.-"

Si Xavier Cortez ay ex ko. Yeah! Nabasa mo ng maayos. Isa kami sa dahilan kung bakit nasira kami nuon, kung bakit may rules kami ngayon. Kami nga ang mas natutuunan ng pansin dahil natatakot sila magkabalikan kami at lumabag kami sa rules namin. Hindi lang naman kami yung ganito eh, pati din sina Bianca at Timothy.

Sa tingin ko mahal pa nila ang isa't isa. Pinipigilan lang nila yung mga sarili nila dahil nga sa rules namin. Napapansin ko lang yun sakanila kahit na hindi nila sinasabi. Halatang halata kasi eh.

Kami naman ni Xavier? Hindi ko alam. Ang alam ko lang mahal ko pa din siya pero hindi ko alam kung ganun din siya saakin. Suguro hindi na, may iba na yata siya.

At ngayon si Kean na sobrang g*go ay ginugulo ang mundo ko! Damn! Kung itutuloy talaga niya yung mga ginagawa niya saakin?? Talagang iiwasan ko na siya at wala ng Ace pa ang kakausap sakaniya!

May naramdaman naman akong humiga sa kanang balikat ko at si Xavier yun. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba sa ginawa niya. Damn! Xavier ano ba?!

Maya maya naramdaman kong hinolding hands ako ni Xavier sa kanang kamay ko. Oh damn! Ano bang ginagawa niya?! Aalisin ko sana yun ng mas hinigpit niya pa yung pagkahawak.

"Please. Yahan mo na lang akong gawin to" Bulong niya saakin. Bakit nakaramdam ako ng lungkot sa boses niya? Hindi kaya? "Namiss ko to......namiss kita by." Napatingin naman kaagad ako kay Xavier. Namiss niya ako? At bakit tinawag niya akong by?

"Usap tayo sa kusina." Tumayo siya kaagad at umalis sa tabi ko.

Anong meron kay Xavier ngayon?? Ilang minuto lang tumayo din ako at sumunod din sakaniya sa kusina. Hindi ko nga alam kung napansin nina Kean yun pero bahala na..

Nadatnan ko si Xavier na nakatalikod at nakaharap sa sink. "Xave" Tawag ko sakaniya.

Lumingon siya at agad akong niyakap. "Hindi ko na mapigilan sarili ko by." At mas lalo niya pang hinigpit ang pagkayakap niya saakin.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko sakaniya. Humiwalay siya ng yakap saakin at tinignan ako. "Mahal pa din kita by. Mahal na mahal"

"Alam kong ganun ka din saakin. By, sige na. Tayo na lang ulit. Itago na lang natin to sakanila" Ngayon sigurado na ako na mahal pa din niya ako.

"Xavier, ayoko. A-ayokong saktan sila."

"So ako na lang ang sasaktan mo ganun? Grace naman. Kahit ngayon lang, ako naman piliin mo"

BUDDIES GONE BAD (spg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon