01

9.7K 38 0
                                        

[SELENA GRACE]

/flashback/

"Ace" Tawag saakin ni Kean kaya napatingin ako sakaniya....pero nagulat ako ng sobrang lapit na ng mukha niya saakin.

Andito kami ngayon sa tambs at nagkaayaan uminom. Halos lahat kami ay marami ng nainom at tangging naririnig mo na lang sa buong tambs ay ang pinapanuod nming movie.

"Bakit?" Lumayo ako ng kaunti sakaniya pero lalo siyang lumapit saakin. Ano bang nangyayare sakaniya? Kahit na marami nakong nainom nasa matino pa din ako ng pagiisip.

"Ang ganda mo pala sa malapitan" Sabi niya saakin at mas lalong niyang linapit ang mukha niya sa mukha ko habang nakatitig sa mga mata ko....at ilang sandali lang naramdaman ko ang labi niya sa labi ko.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ng bigla niyang igaliw ang labi niya sa labi ko. Naitulak ko siya ng kaunti.. Ano bang ginagawa niya?! Hindi ko magawang magalit sa ginawa niya at hindi ko alam kung bakit.

Akmang hahalikan niya ulit ako ng mapagilan ko siya. "Tumigil ka KI." Sabi ko sakaniya. Gising pa halos lahat kami at ang natutulog lang ay si Xavier na nasa kabila ko lang at si Kaycee na nasa tabi ni Kean.

"Hindi nila tayo makikita. Busy silang nanunuod" Tama siya hindi kami makikita dahil nasa likuran kami at tutok sa panunuod ang nga kasama nmin. At sa ikalawang pagkakataon nagkalapat ulit ang mga labi namin. Ginagalaw niya ang labi niya sa labi ko pero hindi ko magawang tumugon at humiwalay sa pwesto naming dalawa.

BUDDIES GONE BAD (spg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon