11

2.9K 17 0
                                    

[GRACE]

Kasalukuyan kaming nasa dinning area ng tambs at hinihintay namin matapos yung niluluto naming lunch. Maaga kami natapos dahil tinulungan ako ni Bianca habang sina Chloe at Kaycee ay nasa sa sala nanunuod yata ng TV. At yung mga boys naman ay parating pa lang. Dadating kaya si Xavier ngayong araw? Hindi pa din kasi kami naguusap eh.

Hindi ko nga din maintindihan si Chloe. Mukhang balisa siya lalong lalo na kapag katabi niya si Kaycee at pati na din ako. May problema ba siya??

"Nagusap na kayo ni Xave?" Biglang tanong ni Bianca na nasa tabi ko.

"Hindi. Ewan ko ba kung anong nangyayare saamin" Suguro parusa na din sken to dahil sa mga ginagaw ko sakaniya sa likod niya. Hindi ko kasalan- hindi ko nga ba kasalan magulahan sa nararamdaman ko?!

"Magiging okay din kayo.. Sabi saakin ni Timothy pupunta daw si Xave ngayon dito kaso mamayang hapon pa." Bakit si Timothy tinetext niya???

"Sana magkapagusap na kami."

"Gagawa kami ng paraan ni Timothy para magkausap kayo ng maayos. Ha? Wag kanang malungkot dyan! Teka. Andyan na yata sila." Tumakbo kaagad si Bianca palabas ng kusina. Hindi nako sumama papunta dun, andun si Kean panigurado.

At kailangan na kailangan ko na talaga siyang iwasan. Huli na yung kagabi. Huli na talaga.

Kinuha ko kaagad phone ko at agad na nagtype ng text kay Xavier.

To: Xavier
Please by. Pumunta ka. Miss na kita.

Namimiss ko na yung mga jokes niya, yung ngiti niyang nakakatunaw, yung lambing niya, lahat lahat-.-

"Ako? Hindi mo ko namiss?" Halos mapatalon ako sa gulat ng naramdaman kong niyakap ako ni Kean patalikod. Agad ko namang yun tinaggal.

"Kean. Siraulo ka ba?!

"Naglalambing lang love." Bumilis kaagad tibok ng puso ko ng marinig kong tinawag na naman niya ako nun. Damn that love!

"Andito silang lahat. Wag na wag mong gagawin ulit yun! Paano kapag nakita ka nilang ginawa mo yun?!" Irita kong sabi sakaniya.

"Sorry na-"

"Hmmm!! Ang bango! Kain na tayo guys!" Sigaw ni Timothy kapasok ng kusina at sumunod sakaniya yung iba. Damn! Buti na lang hindi nila nakita yung pagyakap ni Kean saakin.

Kumuha sila ng kanya kanyang plato at ako naman sumandok na ng ulam at nilagay sa malaking mangkok. Si Kean naman yung kumuha ng kanin at nilapag sa lamesa.

BUDDIES GONE BAD (spg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon