08

3.8K 20 0
                                    

[CHLOE]

Alam ko. Mali. Pero ang puso kapag nagmahal, hindi mo na mapipigilan pa yun....kahit na sa isang pesteng rule pa yan.

Di bale. Matatangfal din ang feelings ko para sakaniya...wag na lang talaga maulit yung kanina, mas lalo lang kasi lumalala yung nararamdaman ko sa tuwing ginagawa namin ulit yun.

Ford: San kana? Andito na kami lahat...

Mas binilisan ko pa yung takbo para agad ako makarating sa location nila.

Nasa park sila malapit lang sa tambs kaya nilakad- I mean tinakbo ko na. Di kalayuan nakikita ko na silang sineset up na yung camera. We are almost done in filming, nasa dulo na kami ng short-film na project namin. Minimum of 15mins and Maximum of 25mins. Aabot na yata kami sa 25mins nyan.

"Ayan na si Chloe!" Rinig kong sabi ng kagroup nming lalaki. Thats Raven, kasama din namin siya sa dance group.

"Finally Chloe! God! Chelsea, ayusin mo na buhok niya. Oh ito huling script mo." Paul said sabay abot ng script ko. Siya yung naging director namin. And kami ni Ford ang ginawa nilang artista, yung iba sa wardrobe at yung iba extra.

Hinila kaagad ako ni Chelsea at pinaupo sa bench sa tabi ni Ford na.........currently staring at me. Is he mad? Or nagagandahan lang talaga siya saken? Nakakunot yung nuo niya at parang anytime tutulo na yung laway niya. Tsk tsk.

"Galit kaba?" I asked.

"Hindi" Tipid niyang sagot saka siya bumalik ng tingin sa hawak niyang script. Ang sungit naman! Binasa ko kaagad yung script ko...

Sus. This will be just easy.

"Done!" Sabi ni Chelsea at umalis sa tapat ko. Tumayo na din si Ford at naglakad palayo. Yung story is about sa isang babae na nagkagusto sa kasama niya sa dance group (parang kami lang ni ford) Binigyan sila ng sariling eksena sa sayaw, nagpractice sila halos araw araw na magkasama at ang ending nahulog sila parehas sa isa't isa kaso isang araw yung character ko narinig niya na sinabi ng character ni Ford na ayaw niyang magkagusto sa character ko. Shempre nasaktan yung character ko kasi ganun nga, ayun umiiwas na siya para hindi na lumala yung nararadaman niya hanggang sa mapandin ng character ni Ford yung pagiwas ko. Ito na yung eksena.

"Ready na okay?! 1, 2, 3. Action!" Paul shouted thats why Ford started to walk towards me.

"Dito lang pala kita mahahanap." And he finally sited beside me. Tinignan ko siya at bumalik sa pagkayuko ko.

"Please Ford. Gusto kong magpagisa" Hinawakan ako ni Ford sa pisngi at pinilit niya akong hinarap sakaniya.

"Anong bang problema mo Chloe? Why don't you tell me?" Tinapik ko kaagad yung kamay niya at mabilis na tinakpan yung mukha ko gamit yung dalawang kamay ko.

"Ikaw" At tinatary kong may luhang lumabas sa mata ko. Tinignan ko si Ford na parang siya si Kean...yung taong mahal ko na pilit akong sinasaktan kahit na wala naman siyang ginagawang masama. "Ikaw ang problema ko! Why don't you leave alone?! Why don't you distance yourself to me if ayaw mong magkagusto sken?!" Naramdaman ko kaagad na may luhang pumatak galing sa mata ko.

"Easy lang naman yun Ford diba?? Please gawin mo na kasi sa tuwing lumalapit ka at nagiging ganyan ka mas pinapaasa moko at mas lalo mo pakong sinasaktan" Tinignan ko muna siya. "Please" I stood up and walked.

"And cut!!" Sigaw ni Paul. "Perfect guys! Nakabawi kana sa pagkalate mo Chloe! Galing galing! Last 3 scenes na tayo tas editing na lang. Yay!" Masayang puri niya saakin.

BUDDIES GONE BAD (spg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon