18

2.5K 27 2
                                    

/Warning Alert! This chapter and the upcoming chapters are contains of dr*gs and s*xuality. Okay....napakaformal ko naman haha. Basta yun lang naman. Wag na magulat sa mga mababasa.. Sunod sunod na this buds. Enjoy! Mwa!/
    
 
   
[ B I A N C A ]

 
Tinext ako ni Lucas, gusto daw niyang makipagkita saakin. Ilang weeks siyang tumigil sa kakatext saakin at simpleng text lang na 'Usap tayo, please' na papayag na niya ako. Kailangan na din namin suguro magusap para naman tumigil na.

Andito nako sa coffee shop na lagi naming pinupuntahan nuon. At sa iksaktong upuan kung saan kami nagbreak nun, yun lang ang bakanteng upuan na meron kaya umupo nako.

Maya maya lang naaninag ko na siya sa labas at papasok na sa luob. Hinanap niya ako at ng makita niya ako, agad siyang napangiti at dali daling lumapit saakin.

"Ahmm....nagorder kana ba? Order muna tayo" Tumango lang ako sakaniya. Tumayo siya saka pumunta sa counter. Hindi ko alam kung bakit hindi ko makayanan na magsungit sakaniya katulad ng dati nung nangungulit siya.

Napatingin ako sa phone ko ng magnotify ito. Text lang pala galing sa TM. Tinanggal ko yun at napatitig ako sa lockscreen ko.

Kaming magbabarkada, masaya at kumpleto. Paano kung unti unti na namang masira yun? Simula kahapon ng malaman naming nabuntis ni Kuya Ford si Chloe andami ng negative thoughts na pumapasok sa isip ko. Kahit na okay na kay Kaycee at saamin parang feeling ko unti unti na naman kaming nasisira. Pano kapag nalaman niya yung saamin ni Timothy at yung nangyare saamin Alex? Pati yung kina Grace at Xavier? Diba?? Nakakatakot. Ayokong masira kami ulit.

"Hey Biancs. Okay ka lang??" Napatingin ako sa tapat ko at nakaupo na si Lucas, nakalapag na din yung coffee jelly, mocha frappe at yung cinamon swirl. He still know this.

"Don't you like it? Diba yan ang gusto mo dito?? Coffee Jelly at tong cinamon swirl??" He asked. Tumango kaagad ako.

"Oo salamat" Ngumiti siya kaagad saakin.

"Kamusta ka na? Parang nangayayat ka yata?" Hindi ko alam kung bakit napatitig na lang ako sakaniya.

"Okay lang" Tipid na sagot ko.

"Ahh..buti naman. Alam mo lagi kang hinahanap ni Jc saakin. Miss kana daw niya, kinukulit nga niya ako na papuntahin ka sa bahay. Sabi ko naman sakaniya na hindi na pwede" Bakit ba ganyan siya kumilos at magsalita? Bakit parang hindi siya yung Lucas na nangloko sakin? Bakit parang siya yung Lucas na minahal ko dati?

"Mukhang busy ka yata ngayong week na to kasi madalang na lang kita makita sa school" I'm trying myself to answer him but I can't. Hindi ko alam kung bakit.

"Tama na Lucas" Agad na sabi ko sakaniya bago pa siya magsalita.

"Sorry medyo madaldal bako? Namiss kasi kita-"

"Lucas, tigilan mo nako" Sabi ko at nawala yung ngiti sa mukha niya. "Please?"

"Hindi kasi talaga eh. Hindi na mababalik lahat sa dati...."

"Biancs. I-I just..I just want to explain. I never cheated on you. It was all nothing. I swear it to you. Ikaw lang minahal ko. What Jessy and I have are nothing. We are just frien-"

"I know Lucas"

"Then lets go back together. I-I still love you"

"We can't. Alam natin na kahit walang Jessy ang nanggulo saatin nuon, magbebreak pa din tayo. Lucas, andami na nating hindi pinagkakasunduan. Wala na talaga tayong pagasa"

BUDDIES GONE BAD (spg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon