03

5.3K 27 2
                                        

Hello!! By the way guys I called WAR those chapters has spg. Maglalagay din ako ng warning kapag may spg scenes para maging aware kayo at hindi magulat hahahaha. Yun lang. Thankyou

  
   

[SELENA GRACE]

Andito ako ngayon sa school at sobrang busy dahil nga may event kami sa institute namin na Hospitality Management. Kasama ko si Kaycee at si Timothy. Si Kaycee, Tourism at kami naman ni Timothy ay nursing parehas. Yung isa din naming kaibigan ay kainstitute din namin kaso wala siya ngayon.

Tuwing natutulala ako naalala ko yung nangyare saamin ni Kean. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o parang gusto ko pa. Hay! Hindi ko alam! Nakakainis! Ginugulo talaga ni Kean ang utak ko-.-

Naglalakad ako ngayon papunta sa likod ng gymnasium kung saan nilagay yung nga props namin. May kulang kasi kaya baka naiwan iyon duon. Madilim dito dahil nakasara ang mga ilaw at halos lahat ay nasa event namin.

Hindi ako natatakot, mas nanatakot ako sa kayang gawin ni Kean saakin. Atsaka may flashlight naman ako at sabi ni Timothy ay susunod siya saakin dito.

"Grace" Nagulat ako ng may biglang humila saakin papasok sa CR ng mga varsity kaya nabitawan ko din yung hawak kong flashlight. Damn sht! Mas madalim dito.

"Sino ka??" Sinandal niya ako sa locker ng mga varsity. Hindi kaya si Kean ito??!

"Hanggang dito ba naman?!" Irita kong sabi sakaniya. Kinuha ko yung flashlight ko at itunutok kay Kea- kay XAVIER?! Akala ko....

"Ginugulo ba kita Grace?? Sorry.....akala ko gusto mo din na magkabalikan tayo" Sabi niya at yumuko. Argh! Akala ko talaga si Kean -.-

"Hindi Xave. Nagulat lang ako....sorry din. Bakit ka pala andito?" Tanong ko kaagad sakaniya.

"Tinulungan ako ni Timothy na magkausap tayo. Nasabi ko sakaniya lahat at susuportahan daw niya tayo" Suguro kaya niya kami susuportahan dahil alam niya ang nararamdaman namin ni Xavier, alam niya yung malagay sa sitwasyon na to.

"Grace....Hindi tayo magtatagal sa pagsisinungaling natin kina Kaycee. Kapag nakahanap na tayo ng tamang tyempo saka natin sasabihin yung tungkol saatin. Promise ko sayo yan." Ngumiti siya at ngumiti lang ako pabalik. Ang swerte ko kay Xavier, siya talaga yung tipo ng taong hindi ka lang mamahalin, ipaparamdam pa nya sayo ng sobra sobra.....hindi ko na siya papakawalan pa.

"I love you, Xave." At agad kong siyang hinalikan. Namiss ko siya ng sobra.....sa halos araw araw na iniiwasan ko siya, mas lalo ko siyang minahal. Yung saamin ni Kean? Hindi ko na itutuloy, ayoko ng saktan si Xavier sa pangalawang pagkakataon.

BUDDIES GONE BAD (spg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon