19

2.7K 23 10
                                    

[ K E A N ]

"Alam na ba ni Grace?" Tanong ni Timothy sa lahat. Halos kakarating lang nila ni Bianca dito, sinundo kasi niya sa bahay si Bianca. Wala yatang maghahatid kaya nagpasundo na lang. Napapansin ko nga na parang nagkakalapit sila ulit sa isa't isa. Di kaya sila na ngayon?? Hindi rin namin sila halos nakikita ng ilang araw, hindi ko alam kung napansin din nina Kaycee iyon.

Halos isang linggo na ang nakaraan simula ng malaman naming lahat na buntis si Chloe...ni isang text galing kay Grace wala kaming natatanggap. Shempre lalong lalo na ako. Himala na lang suguro kung magtetext siya saakin katapos niyang sabihin na itigil na lahat ng meron kami.

Ang sabi ni Ford saakin nung pinuntahan niya si Grace sa bahay nila. Wala siya pati na si Kuya Basti, si Xavier lang ang naiwam sa bahay nila na kinagulat din ni Ford. Akala ko alam din nila na dun natutulog si Xavier, hindi pala kaya ayun gulat na gulat si Ford ng makita siyang andun.

"Umuwi sila ng biglaan sa Laguna" Tipid na sagot ni Kuya Ford.

"Ha? Bakit??" Nagtatakang tanong ni Bianca at sa hindi malamang dahilan napatitig ako sakaniya. May nagiba sakaniya......basta meron. Hindi ko maexplain kung ano.

"Hindi sinabi eh" Tipid ulit na sagot na Kuya Ford.

"Okay ka lang ba Ford?" Tanong ni Chloe sakaniya.

"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay??"

"Kanina ka pa ganyan"

"Ha? Hindi ah!"

"Baka kulang lang sa alak! Inom tayo" Agad na sabi ni Timothy na ikanatuwa ng puso ko.

"Game!" Sabay naming sabi nina Ford at Kaycee.

"Game!" Sabi din ni Bianca na ikinailang ko. Ngayon alam ko na ang nagbago sakaniya...parang naging mas maganda siya..yung parang bang... No Kean! Bakit naman iinom si Bianca ng Aphro diba?

"Game!" Napatingin kaming lahat kay Chloe. Tinignan kaagad namin siya ng masama. She's pregnant for Pete's sake.

"Joke lang! Tong naman mga to kung makatingin! Kakain na lang ako dito, mas gusto ko pa nun" Nagtawanan kami saka kumuha si Timothy ng bote ng san mig light para saaming lahat.

Bakit kaya wala din si Xavier dito??

*vibrate*

Hindi ko alam kung bakit agad agad akong napatingin sa cellphone ko. Umaasang pangalan ni Ace ang makikita ko at ng makita ko na kung sino ang natext, napaupo ako at bumilis kaagd tibok ng puso ko.

From: Love
Tawagan moko please.

Totoo ba tong nakikita ko?

"Sinong love ha?!" Halos atakihin ako ng magsalita sa tabi ko si Timothy. Agad naman akong napatingin kay Ford at Chloe pero busy ang dalawa na naguusap.

"Bagong chixs na naman bro??" Tanong ulit ni Timothy. "Teka? Love? Parang new endearment yata yan? Sa pagkakakaalam ko puro babe lang lagi ang ginagamit mo"

"Uy Kean. Kayo na ba ni..." Hindi niya tinuloy yung pangalan pero alam ko kung sino ang tinutukoy ni Kaycee.

"Hindi. Ano ahmm..tawagan lang namin yun" Fvck. Kahit kelan walang tao akong tatawagin na love kundi si Ace lang, siya at siya lang.

"Talaga lang ha?"

"Teka nga?! Sino ba yan? Uy bro! Naglilihim kana saken ha?" Agad kong tinapon kay Timothy yung unan na hawak ko saka tumayo. "Gago!"

"Guys akyat lang ako, may tatawagan lang ako" Tumango na lang sila at pumunta nakoo ng kusina para umakyat papuntang rooftop, dinala ko na din yung san mig light ko.

Kaakyat ko, mabilis kong dinial yung number ni Grace para tawagan. Sht! Bakit ba sobrang kabado ako?!

Halos mapalundag ako sa gulat ng marinig kong sinagot na niya. Sht! Bakit sobrang tahimik?

[Salamat tumawag ka]

Bigla kong naisip, hindi kaya nawrongsend siya?

"A-ace" Yun lang talaga lumabas sa bibig ko.

[Kean mahal kita]

Biglang huminto sandali ang mundo ko at unti unti kong narealize mga sinabi niya. Sht! Sinabi niya ang pangalan ko! Hindi siya nawrong send at-at sinabi niyang mahal niya ako! Sinabi ni Ace na mahal niya ako.

Teka? Mukhang lasing yata siya??

[Kean please puntahan moko. Kailangan kita please love]

Please love...

Please love...

Please love...

Nag echo ng paulit ulit yun sa utak ko bago ko narealize kung anong ibig sabihin nun. The fvck! She finally calls me love!

"Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita"


~~~~~~~~~~


Msjee : Pabitin muna akis hehe. Short update muna ha?? Hindi ko kasi alam anong gagawin ko dito. I really love the characters of Ace, Kean and the others kaso medyo nawawalan ako ng gana ituloy to. I just want to be honest. Anong gusto niyo? Ituloy ko pa? O hindi na? Comment naman kayo huhu.

BUDDIES GONE BAD (spg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon