13

2.8K 19 0
                                    

[SELENA GRACE]

 
"By. Okay ka lang?" Nagulat ako ng tanungin niya saakin yun kaya napailing kaagad ako. Pauwi na kami ngayon sa bahay.

"Oo nga Grace. Okay ka lang?" Tanong ni Bianca sa may likod.

"Gusto mo bumalik na lang tayo sa tambs?" Tanong ulit ni Xavier.

"Hindi, okay lang ako. Gusto din naman kita makasama ng solo so okay lang. Kinakabahan lang ako kasi baka tanungin ni Kuya Ford si Kuya kung nakauwi nako" Yun kasi ang dinahilan namin sa barakada para makaalis na sa tambs, na pinapauwi nako ni Kuya kay Xavier. Alam din naman kasi nila na bukod kay Kuya Ford si Xavier ang pinagkakatiwalaan ng Kuya ko.

Tapos sumabay na din si Bianca saamin. Buti nga pinaalis kami kasi diba kasali sa rules na kapag nagkaayaan uminom dapat sa tambs matutulog. Basta! Nakokonsensya lang ako na ewan. Nagsisinungaling na naman kasi kami eh.

"Don't worry. Sa bahay niyo naman tayo didiretso eh. Alam din naman ni Kuya Basti"

"Alam ni Kuya??"

"Ahmm...ano kasi eh, ahmm dun muna ako sainyo" Sa bahay?? Teka. Saamin muna siya titira??

"Bakit?? Naglayas ka ba?" Tanong ko kaagad sakaniya. Hindi siya umimik.

"Oo nga Xave. Mga damit to at sapatos mo oh" Napatingin ako sa kinakalkal ni Bianca sa likod. Oo nga damit niya nga.

"H-hindi. By wag na muna nating pagusapan, mamaya na lang sa bahay niyo. Okay lang?" Tumango naman kaagad ako. Suguro kaya siya ganyan kasi nagaway sila nina Tita Ivy. Bakit kaya??

"Oo naman" Ngumiti siya saakin at nagfocus sa pagdrive.

 
*vibrate*

Tinignan ko kaagad cellphone ko para tignan kung sino yung nagtext.

 
From: Kean
What about your promise? Punta na lang ako sainyo?

 
Hala! Hindi hindi! Si Xavier!

 
To: Kean
No kean, hindi pwede. Si Xavier kasi saamin muna yata siya titira. Hindi ko alam, sila yata ni kuya kasi ang nagusap

*message sent*

  
Arghhh! Kailangan namin magusap ulit ni Kean. Suguro bukas. Hindi na pwede yung ginagawa namin, ayokong saktan si Xavier,lahat ng barkada. Basta. Titigil na dapat kami.

BUDDIES GONE BAD (spg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon