Three. Just A Kiss

1.5K 41 7
                                    

Three. Just A Kiss

Just a kiss on your lips in the moonlight

Just a touch of the fire burning so bright

And I don't want to mess this thing up

No, I don't want to push too far

                                     --Just A Kiss, Lady Antebellum

Monday ngayon. Nakauniform na kaming lahat and take note: pati ang PE uniform ko ayos na. Ganito yata talaga pag inspired ka, sumisipag. Dati kase, hinding hindi ako maaasahan dyan. Kung hindi pa dahil sa pagpipilit ni Wewe, hindi ko yun gagawin. Pero ngayon.... EWAN KO BA. Bigla na lang bang nagkasigla ang buhay ko.. para bang ang saya?

Para akong bagong kain ng paborito kong sisig?

Para bang bagong hithit ng shabu? cocaine? marijuana? miski rugby?

GAAAAAHH. Si Rob kase.

Hindi ko naman akalaing hahalikan niya ako, ah. Kumbaga, tinry ko lang kung bibigay siya. At yun na nga ang nangyari. I'm so irresistible talaga. *wink* hahaha

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya namamataan sa campus.

"Shai, isang skyflakes ang sayo at pizza sa akin." Sabi ni Wewe sa akin. Tumango ako at dumiretso na sa bilihan. Nandito kami ngayon sa school cafeteria habang dinadiet niya ako. Medyo tumataba na daw ako eh. Sa totoo lang, mataba naman talaga ako nung highschool, nung nasa SAC pa kami pero 1 year akong tinrain ni Wewe ng maunti ang kain at naging sexy na ako. Pagdating ng Grad Ball, lahat sila napanganga nang makita nila kung gaano na ako kasexy ^_________^ I flaunted what I have *u* Shet, ang landi landi ko. Hahaha XD

Pagkaabot sa akin ng sukli, dumiretso na kaagad ako sa mesa namin.

"Inumin?" Tanong ko.

"Fit & Right. Blueberry grape." Wewe talaga, oh. Napakaorganize.

Bumili na din ako non at bumalik na muli sa mesa namin.

Binuksan ko na ang skyflakes ko at napatingin sa kanya habang binubuksan niya ang maliit na kahon ng Pizza Hut. (@)_(@) POTAKTE. Ancharaaap! Umiwas kaagad ako ng tingin.

"Woo. Ang sarap talaga nito." Pang-iinggit sa akin ni Wewe.

"Whatever."

"Tukso talaga, ang lapit. Huy kilala mo ba yung girlfriend ng bagong prof sa PE?"

O.o

girlfriend ng bagong prof sa PE

girlfriend ng bagong prof sa PE

girlfriend ng bagong prof sa PE

girlfriend ng bagong prof sa PE

MAY GIRLFRIEND SI ROOOOOOOOOOOB???????!!

"P-Psh. Wala yan." Sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya. Shit. Paano naging girlfriend na agad ang tsismis?

Just a kiss between us and we're on na?

Akala ko ba secret lang at wala daw nakakaalam?

Sus. Rob talaga. Obvious na may HD sa akin ^________^

"Meron nga daw eh. Sabi ng asset ko..." Natawa siya sa sinabi niyang term. SOCO lang, teh? hahaha "...eh nasa ChemEng 102 daw." At napatitig siya sa akin.

His Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon