Eight. The Decision
“S-Sorry pero tigilan na natin to,” Napatingin ako sa kanya. Nandito kami sa isang bench sa park na pag-aari ng tatay ni Sandara na pinsan ni Linkin. Funny no? Dapat nga napatawa ako pero iba ang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya.
Masakit pala.
“B-Bakit?” Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Nakatingin pa rin ako sa braso na kanina ko pa kinukurot. Buti na lang lagi akong pinaghihiwa ng sibuyas ng nanay ko kaya immune na ako. Immune na immune na ako sa sibuyas na katulad ni Rob.
Umabot kami ng dalawang taon na dalawa rin ang hadlang sa relasyon namin.
Unang-una.. Teacher siya. Estudyante ako.
At pangalawa… may girlfriend na siya.
KAKLASE ko.
Ang tanga-tanga ko no?
Simula pa lang alam ko nang mali..
Alam ko nang hindi tama..
Alam ko na…. kahit kailan hindi ako ang mauuna sa puso niya.
Na… Kahit anong gawin ko, Second Best lang ako.
Pero anong ginawa ko? Sinunod ko pa rin ang katangahan ng puso ko! Pero kahit ang isip ko hindi maintindihan ang puso ko.. na tao lang ako at nagmamahal. Wala naman talagang nakakaintindi sa akin.
At ngayon… hinihiling na niyang tigilan na namin ang lahat.
Hindi ko namamalayang tumutulo na ang mga luha ko. Hindi ko ito pinapahid. Baka sakaling makita niya akong umiiyak at hindi na niya ituloy ang sinasabi niya.
Nararamdaman niya sigurong humihikbi ako kaya napatingin siya sa akin. Kinabig niya ako at niyakap.
“Stop crying, babe.” Alo niya sa akin, sabay haplos sa braso ko. “It’s tearing me inside.” He then planted a kiss on my head.. and on to my cheeks.
Oh, God. I can feel his warmth and it makes me feel secure. I cannot let this man go.
“Don’t go.. Please.” Pagmamakaawa ko. “Hindi ko kaya.. Mahal na mahal kit-a...”
Napasigok ako kasi patuloy na tumutulo ang luha ko.
“Kailangan ko.” Sabi niya sa determinadong boses. Dahan-dahan niyang inihiwalay ang katawan niya sa akin. Tumayo siya, hinaplos ang buhok ko at sa mahinang boses ay sinabi ang mga salitang mas masakit pa sa kaalamang may mahal siyang iba…
“Tandaan mong importante ka sa akin . .”
Importante lang ako sa kanya. LANG. Hindi ba niya masabi sa kahuli-hulihang pagkakataon na mahal niya ako? Hindi na siguro siya mag-aaksaya ng pagkakataong sabihin pa yun, nagamit na kasi niya ako.
"Shai?" Napatigil ako sa pag-iyak dahil narinig kong may tumawag sa akin.
"Go away," I answered, without even looking at them.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Si Pao pala. "Shai...." Alo niya sa akin.
"Kahit kailan hindi niya ako minahal..." Sabi ko, habang tumutulo ang luha ko.. at unti-unting nadudurog ang puso ko. Pinahid ko na ang luha ko at tumayo. "Sorry kasi nakita niyo 'to." Sabi ko kay Pao at kay Benetton.
Oo, masakit. Masakit na iwan ka ng taong mahal na mahal mo. Na taong naging dahilan ng pagpapakababa mo. Naging pangalawa ako, at tinanggap ko yun. Kasi binuo ko sa isip ko ang ideyang mahal niya ako at balang araw ay makakalimutan na niya ang pagmamahal niya kay Keem kasi nandito ako. Pero hindi pa pala sapat yun. Kulang pa.
BINABASA MO ANG
His Second Best
Literatura faktuKami ni Prof. Sila ng classmate ko. Kahit pagbalibaliktarin pa ang mundo, pangalawa lang ako. [Formerly I'm Just Prof's Second Best]