Seven. The Decision
Nang iwan na niya ako, sinubukan kong aliwin ang sarili ko. Kahit sobra akong nasaktan, pinilit kong maging masaya.
Nanood ako ng sine, ang palabas?
No Other Woman.
Taena naman oh. Masokista talaga ako. Feel na feel ko ang role ni Anne. Kahit naman kasi third party lang siya nasasaktan din.
"Alam mo naman kase ang mga kabit hindi talaga nananalo yan eh," Sabi nung babae na nasa unahan ko sa upuan. Tapos na ang movie at tumatayo na sila.
Tumango ang katabi niya. "Kasi second choice lang sila. Second best, kumbaga. Panakip butas pag may away ang magkarelasyon." Nakasunod ako sa likod nila. Gusto kong marinig ang opinyon nila. Kahit nasasaktan ako.
"Kahit mas maganda ang kabit, mas better pa rin kung official ano? Ang ganda kase ni Anne."
Nag-iba na ang daloy ng usapan nila. At tuluyan na akong humiwalay sa kanila. Para ngang nababangag na ako. Lakad lang ako ng lakad ng wala sa huwisyo.
Hanggang sa naramdaman kong may humawak sa balikat ko.
"Shai.. Shai!" Yugyog sa akin ni Jyn.
Dun ako napamulat. "Huh? Ano?"
"Naiyak ka, gaga!" Sabay punas siya sa mukha ko. "Wala ka sa sarili mo! Buti na lang tumawag sa akin si Rob at pinapasundo ka dito."
Grabe. I'm making a fool out of myself.
"Sorry.. sorry." Sabi ko sa kanya.
"Bakit ka nagsosorry? Sa sarili mo ikaw humingi ng tawad! Kasi siya ang pinarurusahan mo." Napapailing na sabi ni Jyn.
Tumango tango na lang ako at niyaya ko na siyang umuwi. Para kasing hindi ko na kaya.
~~♥~~
"Rob.. alam ko naman ang lahat." Sabi sa akin ni Keem pagdating ko sa kwarto niya.
"What?.." Naguguluhan kong sabi sa kanya. Alin ang alam niya?
"Ang gusto ko lang namang malaman ay kung mahal mo talaga ako." Seryoso niyang sabi sa akin.
"Of course!" Sabi ko. Mahal ko naman talaga si Keem. Mahal ko din si Shai. Pero hindi ko siya maiwan. Parang.... ewan.
"Then, tapusin mo na. Alam ko namang hindi mo siya mahal eh. Ano bang nagagawa niyo na hindi ko kayang ibigay sayo?" Then she kissed me.. torridly. Nagawa na namin to ni Shai dati pero pinigilan ko ang sarili ko. Tinapos ko na agad yun kasi ayaw kong masira ang kinabukasan niya dahil lang sa katangahan at kapusukan ko.
Pinigilan ko siya sa mga balikat niya.
"Hindi namin yan nagagawa." Mariin kong sabi.
"Really? You want me to believe you?"
"Yes. Because nothing really happened."
"Let's see." She then kissed me. I responded. Nagpaubaya ako. Hanggang sa mangyari na ang hindi ko inaasahan. Pero hindi ko nakalimutang gumamit ng proteksyon. This is the first time something happened to us. And I was thrilled to discover that she's not a virgin anymore.
After the act, tumayo na agad ako at nagbihis.
"What? San ka pupunta?!" Tanong niya sa akin.
"I'm leaving."
Tumayo siya nang walang suot na kahit na ano. She's trying to turn me on but she didn't succeed. May kinuha siya sa may taas ng cabinet niya at parang inilagay niya sa likod niya.
"I was told you are innocent." I told her while gritting my teeth.
"So that matters to you?"
"Of course! Because all these time ang alam ko ako lang ang naging boyfriend mo!"
"So... ano? Makikipagbreak ka na?"
"Do I have to? Hindi pa ba sapat ang nalaman ko?" Galit na galit ako. Mahal ko si Keem. Pero pareho lang pala kaming naglolokohan.
"It's better kung makipagbreak ka muna kay Shai." Nakangisi niyang sabi sa akin.
What is she up to? "Hindi pa kami break ni Shai at mas maganda na siguro na siya na ang piliin ko." Determinado na ako sa sagot ko at iyon na ang gagawin ko.
"Talaga? O mas gusto mong masaktan siya?"
Kumunot ang noo ko. Itinaas niya ang hawak niya. Ganon na lang ang gulat ko nang mabungad sa akin ang videocam niya.
Nakatigil pa rin ako sa kinatatayuan ko.
Pinlay pa niya ang video at narinig ko pa ang anasan naming dalawa. Pinatay niya ito at kinuha ng memory card.
"Break up with her or I'll show her this video and see kung paano siya masaktan." She smiled at me wickedly and went to the comfort room.
Nanghihinang napabuntung hininga na lang ako.
I think she gave me the best choice. Papalayain ko na lang siya para hindi na siya masaktan.
~~~~~~~~~~
Hi, kung may readers man! :DD
This story is based on true story.. pero wala pang ending. Salamat nga pala sa mga nagbabasa! ^U^
♥HennieAlyssa
BINABASA MO ANG
His Second Best
No FicciónKami ni Prof. Sila ng classmate ko. Kahit pagbalibaliktarin pa ang mundo, pangalawa lang ako. [Formerly I'm Just Prof's Second Best]