Ten. She Isn't Anymore
Nakangiting kumakanta si Shaira ng graduation song nila. Sa wakas, matapos ang limang taon ng Chemical Engineering na kurso niya, ay natapos na niya ito, With Honors pa. Hindi man siya naging pinakabest sa larangang iyon ay naibigay naman niya ang best niya.
Naisip niya ang katangahan niya dalawang taon na ang nakalilipas.....
Matapos ang mga pangyayari, eksaktong dalawang linggo matapos ang huli nilang pag-uusap, ay nawala na si Rob. Sabi pa nga ng ibang estudyante, lalo na ang mga Student Assistant ay nagresign na raw si Rob ng walang kahit na anong dahilan. But after two months, I received a letter from him.
Shaira,
Hindi man kita napanindigan lagi mong tatandaang mahal na mahal kita. I realized I have never been fair to you. Naging kept woman kita, mahirap mang sabihin at aminin. And I admit I was wrong. So wrong to hurt the most special woman in my life, other than my mother. I hope I still can see you someday.. Someday when you still have me in your heart. Hindi ako nagmamalaki tungkol doon pero alam ko namang minahal mo ako at hindi ka basta-basta magmahal. Nang maramdaman kong mahal na mahal mo ako, nasaktan ako. Bakit ba napakaselfish ko? Hindi ko inisip ang nararamdaman mo... ang sasabihin mo. Pangsariling kaligayahan ko lang ang naisip ko. But I hope, all those times we've been together, naparamdam ko sa'yo lahat. Lahat ng nararamdaman ko simula pa lang nung una. Mahal na mahal kita.
Rob
I guess I'm too dumb to still feel my love for him. Mabuti na lang at nagkusa na siyang lumayo at hinayaan niyang masaktan ako. Sa ganoong paraan, nakita ko kung gaano ako katanga para maging pangalawa lang niya. Pinababa ko ang sarili ko para maramdaman at makasama lang ang isang tao na nagmamahal at pag-aari na ng iba. I was the third party. And all those years, almost three years that he's gone out of my life, doon ko narealize kung gaano ako nasaktan at nakapanakit ng ibang tao. Na may iba pang paraan para makuha ko ang kaligayahan ko nang walang tinatapakang tao. And I am proud that I already moved on. Nakapagmove on man ako ay hindi ko maitatangging mahal ko pa rin ang gagong yun. But I am proud of myself that bitterness is out of the list. Dahil sa nangyari, nagpasalamat pa ako at natuto ko pang pahalagahan ang sarili ko.
Masayang ngunit nag-iiyakan na ang iba kong mga kabatch mate. Hinanap ko na ang iba kong mga kabarkada. Ahead na sila sa akin ng isang taon dahil 5 years ang Engineering. Sa wakas ay natagpuan ko rin sila. They all cried and hugged me. They also congratulated me.
Then they all stood there, surprised. Lampas ang tingin nila sa akin.
Nang tingnan ko ang tinitingnan nila, I was so shocked.
BINABASA MO ANG
His Second Best
Literatura FaktuKami ni Prof. Sila ng classmate ko. Kahit pagbalibaliktarin pa ang mundo, pangalawa lang ako. [Formerly I'm Just Prof's Second Best]