Four. Silent Pain - Part 1

1.4K 32 6
                                    

Four. Silent Pain - Part 1

Maya’t-maya ay nagpapahid na ako ng luha sa mga mata ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak eh. Kung pasamaan lang ng salita, mas marami na akong narinig sa mga nakaaway ko nung naging kami ni Miah. Pero bakit iba ang dating galing sa kanya?

 "Oi." May nagpoke sa braso ko.

Hindi ko siya tinitingnan, pugto  yata ang mata ko eh. Nakakahiya.

"Ui, SHAI!"

"Ba… kit?"

"Bakit ka ba naiyak?" Nagpahid na ako ng mga luha sa mga mata ko.

"Wala.. Keemi."

"Hoo. Di ka magkakaganyan kung wala!"

"Eh kase naman eh..."

"O?"

"Nasasaktan ako sa nangyari sa.... City Hunter."

"Ai gano--"

"Hi Prof!"

"SIR! WAAA!"

Nagpahid na ako ulit ng mga luha sa mata ko. ANTAE. Nandyan na si Prof. ANONG GAGAWIN KO??

"Good Morning." Sabi ni Rob. Psh. Kenes ka.

"Good Morning PROF~!"

"Now, settle down." Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin. Umiwas ako ng tingin. "Our lesson now is Waltz."

Biglang nag-iritan ang mga classmate ko.

"Bring your valuables, let's proceed to the gymnasium." At umalis na siya.

Kinuha ko na ang wallet ko, ang cellphone ko at inilagay sa bulsa ko. Saka ako nakipila sa mga classmate ko papunta sa Gym.

Pagdating ng gym, umupo na kami sa isang part sa mga bleechers dun. Umupo na ako sa pinakadulo sa baba. Hindi para matingnan siya.. pero para madaling mag-walk out. hahaha

Dumating na siya, kasama ang mga classmate kong lalaki na buhat yung portable blackboard, DVD, speaker/s, tapos siya naman, bitbit ang CD at mga chalk at eraser.

Pinaupo na niya kami.

"Ilan kayo sa klase?"

"42."

"41"

"43"

"Mayor?" -- Prof

"Prof, 41 po." -- Jerome

"Okay.. so, bibilang kayo ng 1 to 20."

"Eh prof....?"

"Yung labis, ako ang partner."

O_o

Nagsimula nang magbilang ang mga classmate ko. Sa taas kasi nagsimula.

Tapos narinig ko na yung katabi ko na magsalita.

"20." Napatitig ako sa kanya. "Huy, ikaw na!"

"Uhh.. 1." >.<

"Kyaah! >////< Ikaw ang partner ni Prof!" Bulong sa akin ni Jen.

Haiiyy.

"Tabihan niyo na ang mga partner niyo." Sabi ni Prof.

Tae ka ba? E nakatayo ka~! Gagu.

"So guys.. Waltz is basically a ballroom and folk dance that must be executed in an enclosed position." Tapos nagdiscuss na siya ng mga basics ng waltz. Pagkatapos nun, pinatayo na niya at pinapunta na niya ang mga estudyante niya sa ground kasama ang partner.

"Shai..." Sabi niya.

Lumingon ako.

Lumapit siya sa akin.

"Galit ka pa ba?" Bulong niya, nang hindi nakatingin sa akin.

"Ano sa tingin mo?" =______=

"Eherm..." Nagtanggal siya kunwari ng bara sa lalamunan. Tumingin siya sa akin. Ang tingin niya, parang naninimbang.

Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako sa stage.

Para akong timang na nakanganga at gulat na gulat sa ginawa niya.

Nakangiti sa akin ang iba kong babaeng classmate na parang kinikilig.

>////////////////////////////<

"Guys, for your info, gagamitin natin ito sa foundation day natin next month. And this dance would be your 1st Quarter Exam."

"Yey walang exam!" -- Jerome, mayor na batugan

"Sir, written na lang!" -- Ayman na nerd

Napatawa siya.

At nakahawak pa din siya sa kamay ko.

Napatingin ako doon at napatingin din siya sa akin.

"Don't avoid me, okay?" Huh? WATDAPAK?

O_o

"Let me hold your hand."

Nagpadala na lang ako sa gusto niyang mangyari. Nagsayaw na kami, sa paraang nagtuturo siya sa mga kaklase ko. Nararamdaman ko pa ang init ng kamay niya. Pati ang mga titig niya... para bang sinasabi nun ang hindi kayang sabihin ng bibig niya.

Pagkatapos ng lecture na yun, hawak pa din niya ang kamay ko.

Nung napansin ko yun, binitawan ko yun agad.

Pero hinila niya ako pabalik.

"Shai.."

"Bakit?" With my face void of any emotion.

"Sumama ka sa mga classmate mo bukas, lunch."

"Saan? Ayoko."

"Kapag hindi ka sumama, ibabagsak kita."

Now, now, tell me, do I have a choice?

^      ^      ^      ^      ^     ^

I don't have a choice but to threaten her. I admit, nasaktan ako sa sinabi niya kanina.. nagselos ako. Kaya kung anu-ano na ang nasabi ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Iba eh. Parang gustung-gusto siyang ingatan, ipaglaban. Pero mahirap.

His Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon