Six. Linger
28 today! And it's our monthsary!
We're going strong!
"Its our monthsary today...." Imporma ko kay Eries. Yep, they knew it. At lagi na lang nila akong pinagsasabihan.
"Shai.. Di ako pabor dyan, diba?"
"I know, I just can't help it. I'm happy!"
"Kahit kailan hindi ako naging pabor..." Iiling-iling na sabi nito.
Napabuntung-hininga ako. "Alam ko naman."
"Di ka ba napapagod masaktan?" Tanong niya sa akin. Saka ako tumingin sa kanya.
"Kaya ko pa." Saan ba ako humuhugot ng katangahan at kakapalan ng mukha para suungin ang desisyong 'to. Gaano na ba ako katanga?
"Hanggang kailan?" Tinatantiya niya ako. Hanggang kailan nga ba?
Tumayo ako, hinawakan siya sa kamay at, "Hanggang nakakaya pa niyang saktan ako. Pag sumuko na siya, titigil na ako. Kita mo naman, we're getting tighter." Akala ko mapapangiti ko siya pero bumuntong-hininga lang siya.
1 year na kami saka pa lang nila nalaman ang tungkol sa'min ni Rob. Hindi na Prof kasi.. di ko na siya teacher.
Paalis na ako ng bahay ni Eries nang magtext sa akin si Rob.
From: Rob ♥
San ka?
To: Rob ♥
Paalis na kina Eries.. <3
Fr: Rob ♥
Otw there, w8 for me.
Napangiti na lang ako sa text niya. Saan naman kaya niya ako yayayain ngayon? Hmmnn.
Di nagtagal, nakita ko na siya sa may gate ng bahay nina Eries. "Baklita!" Tawag ko kay Eries, "Aalis na kami!"
Dumungaw naman siya sa bintana at nagpaalam na din.
"Saan tayo?" Sabi ko pagsakay ko ng kotse niya. Nang lingunin ko siya, sinalubong niya ako ng isang halik.
"Aba. Nagnanakaw ka pa din hanggang ngayon, ha?" Sita ko sa kanya.
"Happy Monthsary.." He then gave me box. Small box. Napasinghap ako nang tumambad sa akin ang laman nun. Isang singsing.
Kinuha niya ito at isinuot sa kamay ko. Nakita ko pa ang nakaukit sa simpleng silver band na yun.
I Love You
Kung sana lang alam ko kung gaano kalaki yung sa akin at kay Keem no?
Bumalik na naman ang insecurities ko sa babaeng yun.
"Thank you..." Sabi ko sa mahinang boses. Maiiyak na naman ako anytime. "Wala akong gift sayo.."
Hindi siya nagalit, pero ngumiti. "Wala akong pakialam. Basta nandyan ka, ayos na sa akin yun."
At pinaandar na niya ang kotse niya. Tumigil siya sa mall.
Pagbaba pa lang namin ng kotse, hinawakan na niya ang kamay ko. Tumingin ako doon at napangiti.
Mahal niya ako. Mahal ko siya. Pero bakit kailangan niya pa siya?
Pumasok kami sa favorite naming restaurant, ang pagmamay-ari ng bestfriend nito na si Norman, ang Marilyn's.
BINABASA MO ANG
His Second Best
Документальная прозаKami ni Prof. Sila ng classmate ko. Kahit pagbalibaliktarin pa ang mundo, pangalawa lang ako. [Formerly I'm Just Prof's Second Best]