Four. Silent Pain - Part 3

1.3K 30 5
                                    

Four. Silent Pain - Part 3

Nakita ko na parang nagagalit siya. Bakit naman?!

At dahil isa akong mapang-asar na nilalang, tumawa pa ako kahit na nagpaalam na si Miah. Lumapit siya sa akin. Akala ko kung ano na ang gagawin niya pero hinintay lang niyang ibaba ko na ang cellphone saka niya sinabi ang mga katagang nakakadissapoint...

"Kumain ka na daw dun."

At binirahan niya ng alis.

Potakte lang.

Sumunod na din ako sa kanya at pumunta sa dining table. Kumukuha na din ang mga classmate ko at umupo na sa may mga upuan. Ikinuha naman ako ni Keemi ng plato. Wew. At home na at home siya ha.

Kumuha na din siya at tumabi sa akin.

"O, Keem. Mga ineng, kuha pa kayo." Alok sa amin ng nanay ni Rob.

"Sige po. Okay lang po kami." Sagot ng isa kong classmate.

Pagkatapos nilang kumain, niyaya na sila ni Rob sa may sala kasi may dumating nang ilang mga bisita.

Naiwan ako katabi si Keemi.

"Ayos lang ba ang ulam?" Nakangiti niyang tanong.

"Oo nama--"

"Keem!" Sigaw ng isang padating ng nasa late 20s na babae na kahawig ng mama ni Rob.

"Tita Mich!" Inilapag ni Keemi ang plato sa may lamesa at niyakap ang babae.

"Namiss kita pamangkin!" Pamangkin? WTF? Seryoso?

"TITA!" Pabirong sabi ni Keemi. I can sense a warning in that tone.

"Oops. Where's ate?"

"Nasa likod po eh. Wait. Ito nga po pala si Shai, classmate ko. Shai, tita Mich. Tita ni Rob."

Binati ko siya at nginitian. She smiled at me, too. Pero parang may hidden anguish. Hehe. Sense lang.

Pumunta na sila sa may back door, kung saan niluluto ang mga ulam.

Ilalagay ko na sa may lababo ang baso ko nang may narinig akong nag-uusap. Syempre, utos ng kagandahang asal na itinuro nung elem, lumapit ako at nakinig.

"--Eh! Akala ko alam na nila ang tungkol sa inyo ni Rob?"

"Hindi pa po, tita."

"Akala ko nga nung una eh alam na. Ikaw naman Michelle, padalus-dalos yang bibig mo. First job yan ni Roberto kaya ingatan mo yang bibig mo."

"Oo na ate. Wala nang lalabas sa letsugas na bibig na to na may relasyon si Pamangkin at Rob!"

Nakita ko na napatingin sila sa akin.

Nalaglag kasi yung basong hawak ko.

Siguro maputlang-maputla na ako.

Shit, Shai. Don't faint.

Nang makahuma ako ay ngumiti ako sa kanila. "Sorry po tita, nabasag ko po. Babayaran ko na lang po." Akma akong pupulot ng bubog nang lumapit sa akin ang mama ni Rob at hawakan ang kamay ko.

"Don't worry about it."

At may tinawag siyang isang lalaki para dakutin ang mga bubog.

Nang matapos magdakot ay hinila ako ni tita sa may back door.

"May narinig ka ba? Hindi ako magagalit sayo." Nakangiti niyang sabi.

His Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon