[8] Sabi-sabi

51 4 0
                                    

☆☆

-

[STEPHANIE's PoV]

Monday means pasok. May pasok ako means Monday ngayon. -___- Naglalakad na ako papuntang school kasama si Kelly. Maayos naman kami sa bahay. Hindi na pinalaki ni Mama ang isyu tungkol sa biglaan kong pagkawala sa ospital. At wala naman siyang nababanggit na kahit ano tungkol sa pinag-usapan nila ng Lola ni Simoun which is an advantage on my side. Basta kumain lang daw ako lagi and my gadgets are back! ^o^ Choosy pa ba ko? Hohoho~

Hayyy. Ang ganda ng langit~ Patalon-talon ako habang naglalakad at tumutula. "Break na kami ni Simoun. At hindi ko alam kung alam na 'to sa school~ Yohoooo~ 🎶🎵🎼"

"Good morning, Kuya!", bati ko sa guard. Ngumiti naman siya.

Pumunta muna ako sa locker room para iwan roon si Kelly. Tiningnan ko ang oras sa wall clock na tinago ko roon at 9:50 pa lang. Yes, hindi pa ako late! Wala dapat sisira sa magandang araw na ito.

Tinahak ko ang daan papunta sa elevator. Hindi pa rin nawawala ang bulung-bulungan pero dedma lang para sa ekonomiya. Pak ganern! Awra! Nang bumukas na ang elevator ay pumasok ako syempre, buti na lang at wala akong kasabay. Oh, what a beautiful day.

.00000000001 mm na lang ang agwat ng papasarang pinto nang may biglang kamay na pumigil dahilan para magbukas ulit ito at... parang nag-slow motion ang paligid nang makita ko kung sino ito. Nag-angat ito ng tingin kasabay ng malalamig na titig nito.

*sigh

Biglang lumipad lahat ng magandang enerhiya at napalitan ng negatibo. Pumasok na si *ehem Simoun at nagsara na nga ang elevator. Pinindot niya ang #7. Umatras ako ng kaunti para likod niya lang ang makita ko. Ang hirap kayang kontrolin ng peripheral vision. Yung kahit pigilan mo ang isang bagay, the other way always go around.

At parang nang-aasar dahil wala man lang taong sumasakay galing sa...

2nd (awkward)

3rd (awkwaaarder)

4th (*hikab* Bakit parang ang tagal?)

5th (bumibigat na paghinga ko. Sirang-sira na ang ozone layer.)

6th (Eto na, eto na. Lalabas na!)

7th

*TING*

YES! SUCCESS! Naunang lumabas syempre si Simoun tapos ako. Siyempre, nauuna pa rin siya maglakad. Wala akong balak unahan siya dahil baka isipin niya nagpapapansin ako. Assuming kasi. Hamakin mong nakipagbreak kahit hindi naman kami.

"Look! Sabay silang pumasok!", narinig kong bulong ni ate girl mula sa isang classroom. So, hindi pa nila alam ang magandang balita.

"Oo nga. Bakit ang cold naman yata ngayon ni Simoun?"

"Baka LQ!"

Hanggang sa ang dami nang feedback habang nadadagdagan ang room na aming nadadaanan. Hooo~ Bakit ba kasi dulo ang room ko?

Pero kahit ganun, chin up pa rin ako. Hahaha~ "Aray!", biglang tumigil sa paglalakad ang nasa unahan ko. Medyo napaatras tuloy ako at buti na lang nakabalanse ako.

Nag-angat ako ng tingin at nakatingin sa akin si Simoun na malamig pa rin ang bawat tingin. "Why are you following me?!", wala sa hulog niyang tanong.

"Ha?", dahil medyo nabigla ako sa tanong niya. Na oplan tokhang ba to?

"Omg! LQ nga sila", may sumingit na namang comment. Biglang dumami ang tao sa paligid namin. Ayan na!

Dating the Pambara Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon