[9] Ikatlo

38 3 0
                                    


Muah muah muah. Hihihi <3 Enjooooy.

---

[STEPHANIE's PoV]

"Nasaan si Simoun?... Papatayin ko si Simoun.... Nasaan si Simoun?.... Ugggh!", pinadyak-padyak ko ang paa ko dahil sa frustration.

Yung tipong maganda ang gising mo tapos sasabihin ng Mama mo, "Pinapatawag ka ng principal.." Tapos ikaw naman si punta kasi kala mo may pa-farewell party si Mayor pero anak ka ng nanay mo naman, oh! Na-cancel ang expulsion ko. Huhuhu. T.T

At ang sabi pa ni Madam Principal, 'You should thank Mr. Kim. He helped me to know the truth.'

Nyenyenye. Mukhang kulangot si Simoun. Kaya eto ako hinahanap si Mr. Kim para magpasalamat. Sabi nga ni Selena Gomez, Kill 'Em with Kindness. Ang motto ko naman, 'Kill kind people'. Ang kapal ng mukhang magmagandang loob, hindi naman magandang lalaki. -____-

"Nasaan si Simoun?", nasa school grounds ako ngayon at parang batang nagmamaktol. As usual, ang dami na namang matang nakatingin. "Huhuhuhu..."

"Hala girl! Nabaliw na yata si Stephanie. Binubulong niya pangalan ni Simoun, oh!"

Napaupo ako sa damuhan at binunot-bunot ang mga damo. Simula nang banggitin ko ang pangalang Simoun Kim, wala na akong ginawa kundi ngumawa ng ngumawa.

"Oo nga. Nako. Tingnan mo, she's murdering the grass..."

Napatigil ako nang makita ko si Simoun na naglalakad galing sa Fall Building. Simoun... Murder... Simoun... "YAAAAAAH!", hindi ko na namalayan na sinugod ko na pala si Simoun at dinaganan siya dahilan para matumba siya sa sahig.

Slow motion na naman ang paligid. Saka ko siya sinakal hanggang sa maging color violet ang mukha niya. Wahahahaha! Tapos ka na ngayon, Simoun Kim!

"HALA! Nabaliw na nga!", nabalik ako sa ulirat nang may sumingit na namang usisera. Tiningnan ko ang kinalalagyan ko at nakaupo pa rin ako sa damuhan. Kemerot lang pala yung kanina pero totoong tumatawa ako.

Tiningnan ko muna ng masama ang mga usisera saka tumayo para sugurin si Simoun. Kailangan kong itayo ang bantayog ng kababaihan. Makibaka! Huwag matakot!

"Hoy Simoun!", tawag ko sa kanya. Sosyal niya ah, ako ang unang nag-approach.

Napatigil siya sa paglalakad at tiningnan niya ako sa aroganteng paraan. Tapos naglakad na ulit. Aba't! Ang ganda ko naman para dedmahin niya.

"Look girl. Hindi siya pinansin ni fafa Simoun."

"Haha. Asa ka girl. Huwag ka nang maghabol!"

Tiningnan ko ng masama ang mga chismosa. "Hoy kayo! Wala ba kayong klase? Puro kayo chismis, may assignment na ba kayo? Ha?", mga grade 8 student ang mga iyon base na rin sa kulay ng suot nilang lace. Umirap lang sila saka umalis na. Mga bwisit. -__-

Balik tayo sa totoong may atraso sa akin. "HOY SIMOUN KIM!", hinabol ko siya at sinabayan sa pa paglalakad.

"Alam mo ba---"

"Hindi pa..", putol niya sa sinasabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong hindi pa? Dahil sa'yo, wala na ang expulsion ko!", galit kong sabi sa kanya.

"Mamatay na..."

"Ha? Gusto mo nang mamatay? Edi okay!"

Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako. "Mamatay na ang nagtanong..", saad niya at naglakad ulit. Tapos ay iniwan ako. >\\\\\<

Dating the Pambara Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon