[10] Reyna ni Simoun

49 3 0
                                    

Vote po kayoooo. ❤

--

[STEPHANIE's PoV]

Nakatulala ako habang hinihintay ang pagbubukas ng elevator. Buti nga ay nagawa ko pang makapagbihis ng maayos at buti na lang paglabas ko ng locker room ay wala nang Simoun na nangulit.

Nagflashback ulit sa utak ko ang paghalik ko kay Simoun. Napahawak ako sa labi ko. SHEEETMALU! >/////< "Ako ba talaga ang nag-first move?", bulong ko. "Nakakahiyaaaa!", hinilot ko ang pisngi ko dahil ramdam kong nag-iinit ito.

"Pero he kissed me back!", sagot ko sa tanong ko. Ayan na, umiiral na naman ang pagiging Rhodora X ko.

"Hindi eh! Ako pa rin ang nauna. Kahit saang anggulo tingnan. Ako talaga!"

"Atleast may natitira pang 5℅ sa humanity ko."

Ayan ang epekto sa akin ng lecheng pangyayari sa pool. Nakakabaliw.... yung kiss. Char! Huhuhu T.T

*TING*

Hay. Bahala na!

Lumabas na ako at naglakad na sa kahabaan ng corridor. Buti na lang hindi na kami magkaklase ni Simoun dahil baka hindi na ako makapag-aral ng mabuti. Pwede kong takasan ang 'Be responsible.' spiel niya. Wahahaha.

"Excuse me, Ma'am...", katok ko sa klase ng Section B. Ang bait ko bigla, no? Epekto ng pagkalunod este muntik nang pagkalunod. Huehue.

Napatigil si Ma'am sa pagtuturo at ang klase'y napatingin sa akin. Pero wala na akong keber lalo pa't nagtatanong 'yung iba kung anong ginagawa ko du'n eh expelled naman na daw ako. Ang bilis talaga ng balita. -/___\- Siguro iniisip din nila na sineryoso ko yung sinabi kong susundan ko si Patrick sa section nila.

"Yes?", mahinhing tanong nito. Mukha namang mabait si Ma'am. Kasalungat ni Ma'am Nillo. Jusme. Mapapa-santissima trinidad ka ng di oras pag si Ma'am Nillo ang kaharap mo.

"I'm from section A... Ililipat daw ako rito sa Section B as per the principal's order", I explained.


--flashback---

"You have to fulfill three things as your punishment. First of, you will be transferred to Section B since you are setting yourself apart from what a Section A should be."

--end---

"Ah, the principal already sent me a notice. Stephanie Ramos, right?", tanong nito.

"Yes, Ma'am."

"Come in", pumasok ako sa loob ng klase nila. Mukhang mas matino ang section na 'to kesa sa A. Syempre, hindi na talaga mawawala ang chismosa sa klase. Kumbaga sa Science, fixed variable na sila. Nakita ko si Patrick na seryoso lang nakatingin sa pwesto ko pero dinaanan lang siya ng tingin ko. Hindi ko pwedeng biglang ngitian si Patrick lalo pa't dinamay siya ni Simoun nitong nakaraang trip niya. "Class, this is Stephanie Ramos, your new classmate from Section A...", omg! I love you na Ma'am. Siya kasi ang nagpakilala sa akin.

Wala namang reaksyon ang klase. Weird. /.\ "You can sit here..", itinuro niya ang bakanteng upuan sa harap.

"Ma'am, kay Julia Shelley po ito..", reklamo ng babae sa katabi ng bakanteng upuan. Tss. Wala namang nakasulat na Julia Shelley doon, eh. Kapangalan pa ni Silicon. -___- Pati ba naman pangalan niya, pinipeste ako.

"Miss Shelley is suspended for a month as her punishment for doing an offense", at nagsimula nang magbulungan ang lahat. Teka, 'Julia' and 'suspended'?

Dating the Pambara Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon