[12] Silangan

35 4 0
                                    


All the love. 💞

--

[SIMOUN's PoV]

I already saw this scene from Ramona's favorite kind of drama to watch. Nakatitig lang ako sa pintong nilabasan ni Stephanie. This usually happens when the girl is in pain because of her partner. Walking away.



I shoved the thoughts away. Walking away is Stephanie's favorite thing. It's as if she's in pain everyday because she always does this thing.



Before a second thought crosses my mind again, naglapag ako ng pera sa table at sinundan si Stephanie. This is also what the guy always does on the drama. I should watch more drama often. Siguro kung may contract ang date naming ito, I could sue her for breaching the contract, since it's her duty to be responsible to me.


Good thing hindi pa siya nakakalayo at hindi pa siya nababaliw kaya hindi niya naisipan lumiko sa kahit saan mang eskinita. I run after her at lumingon siya sa likod niya kaya nakita niya ako. I can still see her eyes na lalong naniningkit, one of her special features. She didn't stop and even walks faster.

"HEY LOVE!", I called her. Good job, Simoun. Titigil siya sa ginagawa mo. I think I'm just few meters away from her now.


"OH PASIG! ISA PA! ISA PA! HOPPPPYAAA!", tumigil ang isang sasakyan sa harap ni Stephanie dahil sinenyasan niya din ito. Yun yata yung tinatawag nilang jeep? Don't know but seriously sasakay siya diyan? Tapos ang daming nakasabit na lalaki.

Stephanie doesn't really just do a date. What an abberate date.

---

[STEPHANIE's PoV]

NAKAKAHIYA! SOBRANG NAKAKINIS. >////< Bakit ko ba hinahayaan ang Simoun na yun na halik-halikan lang ako.


"Sus. Gusto naman", pagsalungat ng utak ko.


"CHE!", napatakbo tuloy ang pusakal sa biglaan kong pagsigaw.




Alam mo yung pakiramdam na may sumusunod sa'yo kaya mapapalingon ka na lang at maglalakad ng mabilis dahil alam mong tama ka.



"OH PASIG! ISA PA! ISA PA!", huminto ako at pinara ang jeep na paparating. "HOPPPPYAAA!", tumigil naman ito kaya dali-dali akong sumakay. Hindi yan susunod si Simoun kasi mayaman yan. Wahaha. "Usog na lang po tayo! Kaliwa kanan!"

Sanggala nito ni Kuya. Hindi marunong tumantya ng sinasabi niyang 'isa pa'. Sa medyo dulo may maliit na bakante at mareremedyohan pa kung uusog si ateng natutulog. Sakto namang parang naalimpungatan si Ate.



Good news: Umusog si ate.
Bad news: Sinakop niya yung maliit na bakante at umusog naman sa direksyong kasunod niya ang katabi niya hanggang parang domino effect na.



"Wala na pala, neng! Sensya na!", sigaw ni Manong mula sa labas.




Napanguso ako sa inis. Nakayuko akong naglakad pabalik. Eto yung tinatawag na #jeepproblems. Yung tipong sampu pa raw pero isang pisngi lang ng pwet mo lang ang makakaupo.


"AYYY!", nagitla ako nang may biglang humila sa kamay ko dahilan para mapaupo ako sa... teka! Nilingon ko kung sino ang nagkalong sa akin. "S-Simoun?"



Nagkibit-balikat lang siya. "Anong-- OH!", biglang kumambyo si Kuya dahilan para muntik na akong mahulog mula sa pagkakakalong ni Simoun pero mahigpit niyang ipinaikot ang mga kamay niya sa tiyan ko kaya hindi na nangyari. Damn goosebumps! >\>




Dating the Pambara Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon