[22] Pilosopiya ni Kaila

46 5 0
                                    


--

[KAILA's PoV]




No matter how much a guy loves you, he will not always be willing to take the risk. Do you know why?



1.) He's afraid to hurt someone.
2.) The girl may not be feeling the same way.
3.) He's afraid for some unknown reason.






Don't expect me to know kasi unknown nga. -___- Base lang naman sa obserbasyon ko. Kagaya na lang nitong nakikita ko. Kanina pa nakatingin itong katabi ko kay Stephanie na nasa harap namin at kanina pa kahawak-kamay si Jeno habang pinapraktis namin ang sayaw para sa presentation namin, na nakataong partner din ni Steph sa duet special namin. By the way, sa ganitong bagay ako magaling, sa pagsasayaw. -.^





"Aray naman!", reklamo ko nang maramdaman kong humigpit ang hawak ni Simoun sa akin. Aba't ang lintik, walang pakialam sa joints ko!






"Prospero..... año. . . y Felicidad", dance instructor namin 'yang nagsasalita.






"Then,

I wanna wish you a Merry Christmas. . . so three times 'yun. . .

From the bottom of my heart."







Buti na lang at binitawan niya na ang kamay ko, padabog nga lang. Since next song na kami, which is 'yung duet na nga ni Jeno at Steph. "Yan! Mamatay ka sa inggit. . .", bulong ko at nagbelat sa kanya. Nakatalikod naman siya at wala siyang pakialam kahit nakaharap pa 'yan. -/__\-







Marahil nagtataka kayo kung bakit ko nga ba nilagay si Steph sa sitwasyon na 'yan? Well, hindi para makaganti sa pagtawa niya sa akin kanina kundi dahil gusto kong mangtrigger ng damdamin. Lol.






Nanggigigil ako sa pakiramdaman nila Steph at Simoun. Hindi pa siguro mag-aaminan iyang dalawang iyan kung walang mag-aagaw buhay sa kanilang dalawa, just like those in a movie.





"No, hold her here", ginabayan ng instructor si Jeno para hawakan ng tama si Steph sa bewang nito. "Ayan! And, ikaw girl, after nu'ng I don't wanna nanana for Christmas, dapat on the the word Christmas, hawak mo na 'yung kamay niya, okii?", tumango naman si Steph. Hahaha. Bait. Kala mo naman.



Umalis si Simoun sa tabi ko at naupo sa unang hilera ng upuan. Malamig lang itong nakatingin kanila Steph. Napadako ang tingin niya sa akin ng tabihan ko siya. "What?!", tanong niya sa akin. Malakas ang boses niya dahilan para mapatingin sila kay Simoun. Nagpatuloy din naman sila agad sa ginagawa nang makitang ako pala ang binubugahan nito ng apoy.





"Bakit? Bawal umupo?", sagot ko sa kanya.




"Tss."





"Tss ka rin. Kasalanan ko bang naunahan ka na naman?", bulong ko.





"No one's asking for your opinion. . .", suplado niyang sagot at nagcrossed legs pa.





"Duh! It isn't opinion, it's an observation."





Hindi na siya sumagot. Buti naman, kasi hindi talaga ako magpapatalo. XD



Marahil ay nagtataka na naman ulit kayo kung bakit ba ako nangingialam sa kanilang dalawa. Hindi ko rin alam, nagfee-feeling counterpart lang ni Cupid.



I just want to see Simoun do the first move. Because I'm sure he won't do it unless:
1.) Si Steph ang gagawa ng first move.
2.) Magseselos siya.
3.) Mag-aagaw buhay si Steph.



Dating the Pambara Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon