[30] Surprise

23 4 0
                                    

VOTE. COMMENT.

--

[3rd Person's PoV]

"Good morning, Ma'am!"

"Good morning, dear! Have a seat please!"

Magiliw na tinanggap ni Agnes ang alok ng principal na maupo siya. Umayos ng upo ang principal at humigop muna sa tsaang kanyang iniinom bago nagsalita.

"I'm glad you're here, Mrs. Ramos, so that we can discuss things about your daughter and her non-compliance of the sanction your daughter and I have agreed to", pormal na sabi ng principal.

"I see, Ma'am. Pasensya na po sa anak ko. Pero ibang bagay ang sinadya ko rito", sagot ni Agnes.

"Is that urgent or something more important?", napansin ng principal ang malungkot na timpla ni Agnes.

"Kasi ho ililipat ko na ng ibang school ang anak ko..."

"Oh", hindi inaasahan ng principal ang narinig. Maka-ilang ulit na kasing nakipagkompormiso si Agnes sa principal para lang wag mapaalis ang kanyang anak sa academy. "May I know the reason, please?", nag-aalalang tanong ng principal. Kahit naman kasi ilang ulit ng nagdulot ng trouble si Stephanie ay isa pa rin itong estudyante ng Summerville Academy at sakop ng kanyang tungkulin na pangalagaan ang welfare ng dalaga.

"Personal matter, ma'am. I hope you understand and as soonest as possible sana. Kaya po pumunta ako rito para asikasuhin ang papel ng anak ko."

"Hmm... I see", inayos ng principal ang suot niyang salamin. "I'll inform the respective offices to release Stephanie Ramos' files."

Agnes smiled. "Thank you so much, Ma'am."

"Are you going to wait for it today or you'll just get it by tomorrow?"

"Babalik na lang po ako bukas. Maraming salamat talaga, Ma'am!", tumayo na si Agnes, senyales na aalis na siya.

"Walang anuman, Mrs. Ramos", sagot ng principal. "By the way, you might want to consider entering your daughter at the other branch of Summerville Academy."

Nag-isip muna saglit si Agnes.

"One in Quezon City and the other one is in Cavite. It's a small branch, two sections per year", dagdag ng principal. "It would be less hustle since we are going to process the files of your daughter in paperless form."

"I will discuss it with my daughter."

"Sure thing", the principal smiled. "And if ever pumayag ang anak mo, pwede na rin siyang mag-start pumasok agad sa mapipili niyang branch. It's as if she's taking the class at our branch, the only difference will be the people around her."

Tumango si Agnes na tila nahihikayat na ng tuluyan ng ginang na doon na lamang sa nasabing lugar palipatin ang kanyang anak. "Sasabihan ko po kayo agad kung sakali."

--

[STEPHANIE's PoV]

*TOK TOK*

"Bunso!"

"Panget!"

"Ganda!"

"Asa!"

"Walang tao!", sigaw ko sa apat kong kuya habang nakatitig sa kisame.

"Alam namin! Di ka naman tao, eh!", sa sobrang stress ko, di ko na mabosesan kung sino sa mga kuya ko ang nagsasalita. Nakalock kasi ang pinto ng kwarto ko kaya di sila makakapasok ng basta-basta.

Dating the Pambara Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon